confessions

10 1 0
                                    

Habang nasa jeep kami ni Francis kahapon  napaguspan namin na sabay kaming papasok.

Magaantayan kami dun sa binababaan namin ng jeep tuwing umaga,at kagabi ko pa rin pinapractise kung pano ko sasabihin  kay Mark yung tungkol samin.Mainit kasi talaga dugo ni Mark sa kanya e..

~~~~~~~~~~~~~~~

Kinabukasan nauna akong dumating kay Francis kaya naupo muna ako sa tindahan na tinatambayan namin.

May kumalabit sakin kaya napalingon ako.Si Bernadette pala,classmate namin siya at alam ng buong klase na crush niya si Francis.si Francis nalang ata ang di nakakaalam.

"anong ginagawa mo dyan?,di ka ba papasok?"tanong niya sakin.

"ha? a-ano...oo ay hindi pala"ang labo ng sagot ko kasi di niya pwedeng malaman na inaantay ko si Francis malamng kasi ikalat niya sa room na sabay kami pumasok.Ayoko malaman ng mga classmate ko na kami na ni Francis.

"Tara sabay na tayo" aya niya sakin pero di ako makasagot.

bigla naman may nagsalita sa likod ko.

"Sige sabay na tayong tatlo"napatingin naman ako sa nagsalita.

Si Francis pala yun,dumating na pala siya di ko lang napansin dahil kay Bernadette kaya tumayo na koctapos sumunod na ko sa kanila,kaya lang ang nangyari para akong chaperone sa kanila kasi sila ang mahkasabay maglakad tapos ako nasa likod nila.

Panay naman lingon sakin ni Francis habang si Bernadette naman kwento ng kwento sa kanya.

Di naman sa galit ako pero parang naiinis ako habang naglalakad kami.Di ko maexplain yung feeling pero parang gustokong hilahin yung buhok ni Bernadette at yakapin si Francis para di na niya makausap.Pero ang alam ko di ko naman mahal si Francis at sinasakyan ko lang trip ni Janice.Pero ano to?

Nung medyo malapit na kami sa school,di na ko nakatiis kaya binilisan ko yung lakad ko kaya nalagpasan ko sila.

Paglagpas ko sa kanila humarap ako.

"Mauna na kayo ha?punta lang akonng canteen di pa ko nagalmusal e.."di pa sila nakakasagot tumalikod na ko.Alam ko naman kasi na gustong gusto ni Bernadette yun,obvious naman kanina pa na parang ayaw niya na nandun ako.

Tinawag ako ni Francis pero di ako lumingon.Di ko maintindihan pero parang badtrip ako,first time ko lang maramdaman to.Parang naiinis ako ng wala namang dahilan.

Papunta na kong canteen nung makita ko si Mark kausap yung gf niya.May gf na nga pala si Mark, si Kristal pero walang nagbago samin.ganon pa rin siya sakin,masyado pa rin niya kong gwardyado na akala mo e bf ko siya.Kya nagseselos yung gf niya kasi daig pa namin magjowa pag magkasama kami.

Halata din na inis sakin yung gf niya pero anong magagawa ko?Si Mark ang ganon ang trato sakin,di na nga ako masyadong lumalapit sa kanya kasi may gf na siya pero siyacpa rin yung punta ng punta sa room namin.Nasanay na daw kasi siya na ako yung pinagiiwanan niya ng gamit niya at ako yung kasabay niya pag lunch.Kilala din ako ng parents niya at take note may picture akong nakaframe sa bahay nila.Pati si Janice meron din pero ako lang yung may solo.

Kaya kahit ako man lumagay sa pwesto ni Kristal mabubwisit talaga ako.Pinipilit ko mang umiwas dahil mabait naman si Kristal at ako ang tulay nilang dalawa,ako rin ang nagsabi kay Mark na ligawan siya dahil di lang siya maganda at mabait,talented pa..at mukhang crush niya si Mark.

"oh Bianca,san ka pupunta?"sabi ni Mark.

Ngumiti naman ako tapos nag hi ako kay Kristal.

Ngumiti din naman si Kristal sakin tapos humawak kay Mark.

Sayong syo  na di ko aagawin.sabi ko sa isip ko.

"Sa canteen lang,medyo nagugutom kasi ako..maaga pa naman"-ako

"samahan na kita"-Mark

Napatingin naman ako kay Kristal kasi alam kong magagalit siya.

"wag na saglit lang naman ako"-ako

"sige na bibili din naman ako ng inumin;Kristal mauna ka na sa room bibili lang kami"tapos tumalikod na siya si Kristal naman nakasimangot.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Palabas na kami ng Canteen nung biglang lumapit samin si Francis.

"bakit ang tagal mo?"tapos humawak siya sa kamay ko.

Bigla kong naala na di ko pa pala nasasabi kay Mark kay napabitaw ako sa kanya.

Si Mark naman nakatingin lang sakin ng walang kakurap kurap.

Janice kailangan kita ngayon....

Magsasalita na sana si Mark nung biglang mag bell.Nakahinga naman ako ng maluwag tapos nagmadali na kami pumunta sa room pero bago pa kami magkahiwahiwalay sabi niya.

"usap tayo maya"seryoso niyang sinabi yun tapis tumingin siya kay Francis na parang naghahamon ng away.

Ang kinakatakot ko langkasi may frat si Mark at baka si Francis ang mapagtripan niya.

Kahit na alam kong kyang kaya sagutin ni Janice si Francis dahil member din siya ng frat na yun.Natatakot pa rin ako.

Sa totoo lng gusto din ni Janice na sumali ako sa kanila pero ayoko,sabi ko sa kanya siya nalang bahala sakin tutal astig naman siya e,kaya di na niya ko pinilit.

"Bianca galit kaba?sabi ni Francis habang naglalakad kami.

"bakit naman ako magagalit?"

Yung sa kanina,sorryha? di ko lang alam kung pano papaalisin si Bernadette.Di ba ikaw naman may sabi na wag natin ipaalam?

Di ako nakasagot kasi totoo naman.pero nagulat ako sa sumunod niyang sinabi.

"Alam mo ba,elementary palang tayo gusto na kita.Kaya nga lagi kita inaasare,ang cute mo kasi mapikon.Tsaka alam mo ang saya ko nung nakasabay kita sa jeep last yr at nalaman ko kung san ka nagaaral,kaya nga lumipat ako agad dito.At jackpot di lang kita schoolmate,classmate pa.Kaya nga di ko na pinatagal niligawan na agad kita."

Natahimik naman ako sa sinabi niya.Di ko akalain na dati pa pala namin gusto ang isat isa,kaya lang pano ko kaya sasabihin sa kanya na di ako ang sumagotsa kanya?

Hay naku ayoko na magisip basta ang alam ko masaya ako ngayon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

medyo mahaba pa to pero pipilitin ko na matapos kasi wala kami net now e...kaya sensiya na,,.

totoong tao po sila search niyo pa.hehe.maliban lang po sa leads natin kasi ayaw magpakilalang totoong bianca na di naman bianca ang pangalan.hehe.

from crush to love to nothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon