"You seem to be reserved Ms. Leanna" sabi ni Mr. Flynn(tatay ni Blade/Doctor)

"..." wala akong nasagot sa sinabi niya. Well, yun rin ang sinabi sakin ni ate Mel at ng ibang ka-house mates ko

"She is tito" sabi ni Klaire

"Pero ang ganda ng buhok mo besh ah? Brown na may stripe ng blonde" sabi ni Ashielle

"Maganda din naman yung sayo"sabi ko. Almost blonde na kulay ng buhok niya pero bagay na bagay sa kanya, yung kay Klaire, black na brownish kaparehas ng kay Blade. Jet black naman kay Zen, tapos blonde ay Xenon

"Nakakabakla man sabihin pero, ang smooth ng balat mo. Sobra.. ano bang lotion ginamit mo?" Sabi niya. Oo nga, medyo  bakla tignan

Umiling ako sabay sagot

"Wala akong ginagamit na lotion"

"Idiot" sabi ni Blade kaya nabatukan siya ng tatay niya

"I told you, treat a girl properly" sabi niya "then, I'll take my leave. Take care kids" sabi niya

"What's your name on Facebook?" Sabi nung blonde na lalaki, Xenon ata ang pangalan? Tapos inabot niya sakin yung cellphone niya. Tinignan ko naman siya ng ano-gagawin-ko-dito? Look
"Search" atsaka ko lang nakita na naka-open pala yung facebook

"Wow! Dumadamoves?" Tanong ni Zen nung umupo sa gilid ng kama ko si Xenon

"Hoy! Hindi pwede!" Sabi ni Klaire sabay yakap sakin na kinagulat ko

Wag ang bestfriend ko!" Sabi niya

Bestfriend?

Tinignan naman niya ako at nagsalita uli

"Oo, bestfriend kita. You're different" sabi niya

"At syempre! Ang bestfriend ng nanay ko ay bestfriend ko din!" Sabi niya at niyakap ako
"Kaya no! Off limits ang bestfriend namin ni nanay!" Dagdag niya

"Hoy anong nanay ka diyan?!" Sabi ni Klaire

"Eto naman, biro lang! HAHAHA" sabi ni Ash

Nakita naman ni Blade yung pangalan ko

"Leanna Yu Ra? Strange" sabi niya

Nang-iinsulto ba to? Batukan ko kaya?

"Batukan kita dyan eh, ang unique nga!" Sabi ni Klaire na saktong kukutusan na si Blade pero hinawakan siya sa wrist. So bale nasa harapan ko sila, as in sa harap na harap ko

Ano ba to???

"Subukan mo, hahalikan kita" sabi ni Blade

"Aba't ang mokong na to-hmp!" At bago ko pa nalaman, nahatak na ako ni Xenon, si Ash naman napatumba kay Zen

Nakita ko naman na hinalikan nga ni Blade si Klaire O.O

"Awkward ka dun, obvious naman, gusto mo gayahin natin?" At dahil dun napaatras ako kay Xenon, siya naman naka-smirk

Letse to, mambiro ba naman ng ganun?!

Naibagsak ko yung cellphone niya pero dumaan muna sa paa ko bago ma-meet yung ground (a/n: gets niyo? XD)

Lumipas ang sampung segundo at tinulak bigla ni Klaire si Blade, as in... akala mo yung may super powers? Pero dahil nga naibagsak ko yung cellphone ni Xenon, nag-sorry nalang ako

"SORRY!" Sigaw ko kaya naman napatingin yung apat sa aming dalawa

"Anong ginawa mo kay Lea?!" Galit na galit na galit na galit na galit na galit na galit na galit as G-A-L-I-T na sabi ni Klaire. Sino ba kasing di magagalit diba?

"A-ano, Klaire wala naman siyang ginawa, naibagsak ko lang yung phone niya" sabi ko na di iniisip yung sinabi niya kanina, nagbibiro lang naman kasi siya eh

"Ayos ah? Pag bagsak ng cellphone ko tsaka naman pagsend ng friend request" argh! I never knew this one's mischievous

"Pre, sabihin mo sakin name niya mamaya" sabi ni Zen

"Ayoko nga" sabi naman niya. May pagka-madamot, I see

"Leanna Yu Ra" sabi ni Blade habang nagd-draw ng linya sa bawat space. Luh?

"Ano ano? Teka, search ko nga" sabi ni Zen sabay kuha sa phone niya, bigla naman pumunta sa tabi niya si Ash

Pagtapos ng ilang segundo

"Ayan ayan! Kita mo naman yung dyosa na yan oh!" Sabi niya, sabay tingin niya kay Ash

"Oh tapos? Anong gagawin ko?" Sabi ni Zen

"Edi magsend ka ng friend request~ ano pa ba?" Sabi ni Ash sabay taas ng kilay

"Picture-an ko nga" sabi ni Klaire

"Bakit naman?" Tanong ko

"Para mapadevelope ko" sabay kuha ng cellphone niya

---
Nag-paalam na sila sa akin pagtapos ng 3 oras. Sa wakas mag-isa, makakapagpahinga na ako ng maayos

***

Sorry talaga. Haist.

Where It All StartedМесто, где живут истории. Откройте их для себя