Madalas hiling tayo ng hiling sa Diyos ng kung anu-ano. Gusto ko nito, gusto ko niyan! Puro ganiyan. Pero ni minsan ba hiniling o dinasal mo naman sa Kaniya na nawa ay sabihin sa iyo ang mga nais Niyang ipagawa sa iyo? Yung tipong Siya naman ang papakinggan mo na magsasabing 'ANAK, GUSTO KO GANITO... GUSTO KO GANIYAN...'
Minsan kasi ang damot natin sa Diyos. Tapos kapag hindi natin natanggap ang mga dinasal natin, magtatampo at magagalit pa tayo sa Kaniya. Samantalang Siya? Hindi na nga natin itinanong sa Kaniya, binalewala na nga natin at hindi pinakinggan ang mga nais Niya, nanatili pa din Siyang nandiyan para gumabay at umibig sa ating mga tao na naging dahilan para magbuwis ng buhay ang pinakamamahal na anak Niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/93326058-288-k961616.jpg)
BINABASA MO ANG
Hugot Pinagpala
SpiritualAng buhay ay isang biyaya at ang bawat pagkakataon ay magpapaalala ng Kaniyang pagpapala.