Hugot #10

52 2 0
                                    


Masaya ka ba? Masaya ka bang nakikita ang kaaway mo na nagdurusa? Pinagdurusa mo ang kaaway mo sa galit at paghihiganting baon mo? Masaya ba? Masaya bang dayain ang sarili mong masaya ka nga sa iyong nagawa? Kapatid, huwag mong bulagin ang sarili mo sa galit. Hindi porket nagawa kang saktan ng kapwa ay ibabalik mo din iyon sa kaniya. Hindi porket naranasan mo, kailangang iparanas mo na din ito. Ang kapayapaan ay makakamtan hindi pagkatapos ng paghihiganti, sapagka't patuloy ka lamang susundan ng konsensiya kapag ito ay iyong ginawa. Nakalimutan mo na ba? Mahirap ang magdusa, bakit ipaparanas mo pa sa iba? Di ba sabi nga sa bibliya, mahalin mo ang kapwa. Mahalin mo ultimo ang kaaway mo. That way, makakamtan mo ang kapayapaan. Eh, ano kung sinaktan ka? At least hindi ikaw ang nanakit. Eh, ano kung inagrabyado ka? At least hindi ikaw ang nag-agrabyado. You need to ask God for more love where there is understanding, patience, and good temper. Be Christ like. He loves us despite everything we did unto Him.

Hugot PinagpalaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant