SweetDaydream [13]

197 7 0
                                    

“ano? Tara na?” inaaya na niya kong tumayo, grabe lang ah? Rami kong kinain. Ako lang ata yung kumain eh. Pano sumpak ng sumpak ng pagkain sa bibig ko, itsura ko tuloy.

“sige.”

Ayun, sumakay na kami sa sasakyan niya. Nakikita ko ngiti ni Josh kanina pa, hindi ko alam kung bakit. Pero kitang kita mo na masaya siya. Dahil kaya sakin? SANA.

Inaantok ako, medyo malayo nga pala yung theme park na yun dito, siguro mga 45mins. Pa, tulog muna ko. Pero bago ako makapikit. nagRing nanaman yung cellphone ko.

*ring...ring...*

(calling.. aaamom. <3)

“hi, mom! Bakit po kayo napatawag?”

[hellow baby, ano kasi,sa bahay niyo kami magdidinner.. may sasabihin kasi kami. Para na rin mainfor—este. Para makapagBonding? Before 8 dapat nasa bahay ka na ha? Ingat, babyyyy...] huh? Inform? SAAN? Tapos parang ang lungkot ng boses ni mom? Baka naman naglalambing lang.

“ahh, sure mom! Ikaw rin INGAT!”

[*sniff* byee.]

“bye mom. I’ll hang up na”

*tooot.tooot.tooot*

Umiiyak kaya si mom? Bakit kaya? Ano meron? Para kong kinakabahan na hinid mawari. Umuwi na kaya ako? Siguro mashado na kong pagod sa araw na to.

“ahhmmm, josh?” uuwi nalang ako.sa ok lang kay josh. Next time nalang siguro kami magdeDATE, este maglibot.

“bakit?” pano ko ba sisimulan? Alam naman niya siguro na si mom yung tumawag kasi narinig niya na nagMom ako sa kausap ko sa phone.

“ano kasi.. tumawag si mom. Pinapauwi na ko, pwede next time nlang tayo maglibot? Baka pagod ka na rin” pagkasabi ko non, parang lumungkot yung muka niya, yung parang naiinis. “next week nalang pwede ka ba?” para naman medyo sumaya ng konti.

“sige” walang emosyon niya sagot. BAHALA NA NGA SI BATMAN!

*

Andito na kami sa tapat ng bahay namin DAW NI CODY, una siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto.

Nasa gate na kami.. bigla siyang nagsalita.

“pano? Sige alis na ko? *tsup*” hinalikan niya ko sa cheeks ko. Sana walang nakakakita.

“ah.. eehh. Sige. Bye! Ingat!”

Ayun, sumakay na siya ng sasakyan niya, tapos umalis na. pumasok na rin ako sa loob pero pagbukas ko ng pinto, andoon si dad.

Beso beso kay dad.

“hi dad. Akala ko 8 pa dating niyo?” nakita kaya ni dad? LAGOT AKO NETO.

“sino yun? OLD CLASSMATE huh?” patay, -___________- nakita nga, bakit ang swerte mo ngayon jade?

“ahh..ehh.. sorry po hindi na mauulit, alam mo naman na ikaw parin Love ko eh!” phew. Galing manlambing jade.

“eh, ako? Hindi. TAMPO NA KO!” haha! Nagtampo si mom.

“shempre love ko kayong pareho. Iloveyouuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu”

“oh’ tama na, humahaba na nguso mo eh. Haha! Pumasok ka na don para mabihis, ang antot mo na!” –dad.

“sige po.”

“maka, ANTOT ka naman jan, ikaw ba kasi mabango?!” –mom. Ganyan talaga sila, palaging nagkokontrahan.

“hindi naman talaga eh, amoyin mo man liki liki ko! Oh” si dad talaga, ang pikon kapag si mom n a nangbabara. Ayaw papatalo.

Umakyat na ko, para magbihis, naligo ako ang init eh! -____-

Sweet Daydream [ONHOLD]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant