I have no place in his life now at wala nang mas isasakit pa roon. My time is over. Their world finally revolves around each other without me in the picture and that's what pains me the most.

I lost him.

Wala sa sariling inabot ko ang kwintas na ibinigay sa akin ni Dash at pagkatapos ay napapikit. I wonder why this thing is making me calm all the time? Is it because the man I love gave me this?

Tinungo ko iyon at hinaplos habang nakapikit ang mata. I am shivering from the cold air from here. Lumilipad ang buhok ko at sumasabay sa hangin. How I wish feelings can be like this too, na matatangay ng hangin kapag dumaan ito para hindi ako nasasaktan ng ganito.

Tatapusin ko lang ang pag-aaral ko at pangako, uuwi na ako sa amin...

Isang taon lang naman. Kaya ko naman siguro silang tiisin? Kaya ko naman sigurong makita si Dash na kasama ang totoong mapapangasawa niya nang harapan, 'di ba? Sarili ko na lang ang kausap ko pero bakit parang ang hirap kong kumbinsihin?

I sighed and lifted the necklace from my neck to give it a kiss.

I will cherish it, Dash. I will cherish the moments I spent with you.

Sana, sana maging masaya kayo...

Bumaba ako ng rooftop at naghilamos para umayos ang itsura ko. Alas tres na pala ng hapon at ilang oras din ang itinagal ko roon sa itaas. Itinago ko ang pendant ng kwintas ko sa shirt ko bago naglakad palapit sa kwarto ni Dash.

I am silently willing not to cry once I enter his room.

Iniangat ko ang kamay ko para kumatok pero sa huli ay ibinaba ko rin. Naikuyom ko ang kamay at napabuntonghininga.

You can do it, Reah, kakatok ka lang at saka magpapaalam kina Kuya tapos uuwi ka na. 'Yon lang, h'wag kang titingin kung saan.

Hinawi ko ang buhok ko at humugot ng malalim na hininga bago kumatok at nagulat ako nang pagbuksan ako ni Zeijan.

"Reah-tot!" he smiled at me.

"Fleureah na lang," sabi ko.

I smiled a little when he nodded.

"Sige, Fleureah," aniya. "But I can still call you Reah-tot, right?"

"Oo naman, h'wag mo lang ipaparinig kay Dash..."

"Yes!" he grinned. "Uh, bakit nga pala?"

"Uh, papaalam na sana ako, uuwi na ako sa mansyon," sabi ko.

"Huh? Kaagad?" Tumango ako. "Teka, magpaalam ka muna kina Kuya atsaka kay Dash." Kumunot naman ang noo ko at umiling.

Nagwala ang dibdib ko, kinakabahan.

"Hindi! Uh, ano..."

"Sige na, tinatanong nga niya kanina kung sino ka kasi ikaw raw una niyang nakita pagmulat niya." Kumalabog naman ang puso ko at napakagat ng labi.

"Talaga?" I didn't even notice the hope lacing my tone until he chuckled and nodded.

"Oo nga, halika magpaalam ka lang." Umiling pa ako ulit pero ayaw niya ako paalisin. "Sige na, sige ka, mahahalata ka niyan..."

"A-ano namang sasabihin ko?"

"E 'di 'bye', 'yon lang. Sige na, h'wag ka pahalata..." Ilang saglit pa akong nag-isip no'n pero sa huli ay napapayag niya na ako.

Malakas ang kabog ng puso ko habang papasok kami sa loob ni Zeijan. Nakita ko pa ngang nasa may sofa sina Kuya at Thallia at napaayos pa ng upo nang makita ako pero tipid akong ngumiti at umiling.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon