'Hindi 'yan van. Maximo Grandella 'yan. Sikat 'yang kotse na 'yan. May kotse rin yung papa mo na ganito pero hindi mo pa nakikita.'

Ganun? Mas alam niya talaga yung mga stuffs tungkol kay papa noh?



"Guys, ilagay niyo na yung mga gamit ninyo sa likod." Sabi ni Fierce. Nilagay naman namin yung mga gamit namin sa likod. Ugh! I wish to drive this car! Marunong naman ako mag-drive kahit sa village lang ako lumaki noh! Tinuruan nga ako ni Luigi eh.

Speaking of Luigi... Miss ko na yung mokong na yun kahit wala siyang respeto sa akin.



'You miss Luigi?'

Tanong ni Fierce.



'Tinatanong mo pa e nababasa mo naman yung iniisip ko'

Oo! Namimiss ko talaga siya. Siya lang naman palagi ang kausap ko dun eh!



"Sino ang gustong umupo sa passenger's seat?" Tanong ni Fierce. Nagtaas naman ng kamay si Aya.



"Ako! Ang tagal ko na ring hindi nakakaupo sa passenger's seat!" Sabi ni Aya. Hindi naman umangal si Fierce at dumiretso na si Aya sa passenger's seat.



"So, ako, si Jiro, at si Hendrix ang sa second seat." Sabi ni Gidget at sumakay na silang tatlo.



"Tara na. Sa back seat tayo." At sumakay na rin kami ni Dyllan. Pinaandar na ni Fierce yung kotse at nagmaneho na siya hanggang sa makalabas na kami mula sa grassland (dumaan kasi kami sa may grassland) at napunta kami sa parang hallway na semento na super duper haba.



'Kalsada ang tawag dyan. Road sa English.'

Sabi ni Fierce. Magtatanong sana ako kay Fierce kung ano ang use nitong kalsada nang may nakita akong---


"Ano yun Z?" Tanong ni Gidget sabay turo sa nadaanan naming... Canteen? Canteen ata yun na super sosyal.



"Cante---"



"Restaurant." Sabi ni Fierce. Ow... Restaurant pala yun? Akala ko canteen.


"Eh yun?" Tanong naman ni Gidget at tinuro niya yung malaking color red na bubuyog na nakikipag-picture kasama yung mga tao. Weird. May bubuyog ba na kasing laki ng tao? At nagpapapicture pa hah!



"Jollibee. Sikat 'yan bilang isang fast food chain." Fast food chain?



"Fast food chain?" Tanong ni Herix.



"Kainan." Sagot naman ni Fierce.



"Guys! Wag kayo masyadong pahalata na first time niyo dito." Paalala ni Aya.



"Saan nga pala tayo tutuloy? May village din ba rito para sa atin?" Tanong ni Dyllan. Oo nga noh? Saan kaya kami tutuloy?



"Sa bahay na lang namin." Sabi ni Fierce. Kumunot yung noo ko pero nagliwanag naman yung mga mukha nila... except Jiro's face of course.



"As in? Makikita namin kung saan ka nakatira?" Sabi ni Aya with excitement. Teka nga! Paano naman nagkaroon si Fierce ng bahay dito sa lugar ng mga ordinaryong tao?



'Your father gave a task for me to leave here on the ordinary people's world for 10 months. At dahil dun ay may bahay ako dito.'

Taray ni Fierce!



'I'll take that as a complement.'

Tse!



"Nga pala! Gusto ko din makita yung bahay nina Z!!!" Sabi naman ni Gidget. Uh... Anong isasagot ko?



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Conflagration: War of the Dead WorldsWhere stories live. Discover now