Kabanata IV

6 0 0
                                    

A/N: So ito na po. Mahaba na ho talaga ‘to.



Here basa…


***




Naglakad kami papunta sa sinasabi ni Fierce na village ng mga Ganymedrins sa north. Well, hindi naman talaga kami naglakad. We just felt like naglalakad kami kasi nilabas niya yung time travel watch at ginamit iyon para mas mapabilis ang pagpunta namin doon. Nung nasa labas na kami ng isang napakalaking compound (which is sobrang laki talaga at sobrang taas ng bakod), ibinigay niya sa akin yung invisibility cloak tsaka ko naman sinuot yun. Nabigla naman ako kasi biglang nawala yung katawan ko sa paningin ko although nararamdaman ko parin naman ito. Sabi naman sa akin ni Fierce ay masasanay rin ako dahil sa tuwing nakikita kong wala yung kamay ko ay nag-papanic ako. Maghanda na raw ako dahil nasa village na kami ng mga Ganymedrins.



“Paano nga pala tayo makakapasok jan? Wala namang gate ah!” Tanong ko sa kanya. Wala naman kasi talagang gate dito.



‘Talk to me through your mind.’

Sabi naman niya sa akin. Ugh! Oo nga naman.



‘Okay.’



“Hoy! Jiro! Baka mamaya niyan mahuli tayo nina Sir Tan at mapagalitan pa tayo!!!” Napatingin naman kami sa narinig naming nagsalita. Bigla na lang may nag-open na blocks sa compound ng village nila at may lumabas na apat na tao. Whoah! That compound is very cool! Back to the them. Mukhang magkakasing edad lang kami. Kukunin ko na sana yung shuriken ko nang pigilan ako ni Fierce.




‘Hindi sila kalaban. Maniwala ka.’

Napatingin naman ako kay Fierce pero hindi ko siya makita kasi naka-invisible mode pala siya.


‘Paano ka nakakasigurado?’



‘Basta.’



“Jiro naman eh! Kapag talaga tayo napagalitan papatayin kita.” Sabi nung isang babae dun sa lalaking naglalakad palayo sa compound nila. Bigla na lang hinubad nung babae yung isang sapatos niya at binato dun sa lalaki pero nabigla na lang ako ng biglang sa direksyon namin pumunta yung sapatos. Dahil na rin sa gulat ay sabay naming ni-repel ni Fierce yung sapatos sa direksyon nila.



“Jiro! I hate your Power Ability! Lahat na lang ni-rerepel mo!” Sabi niya dun sa lalaking nagngangalang Jiro. So… repelling din ang sa kanya. Seryoso parin yung Jiro at biglang tumingin sa direksyon namin. Uh-oh! Mukhang nakikita niya ata kami?



“Aya, repelling isn’t my Power Ability.” Napakamot naman ng ulo yung Aya. Ibig sabihin... Akala nila is yung Jiro yung nagrepel nung sapatos. Kinuha naman nung Aya yung sapatos niya at sinuot ito.



“Ay sus! Eh di ano tawag dun?” Bigla namang naglakad papunta sa direksyon namin  yung Jiro. Nag-stop naman siya nung 1 meter lang ang paggitan namin.



“Opposite magnetic attraction. Yun ang Power Ability ko.” Kinilabutan naman ako dahil sinabi niya yun while looking at me... Ata??? Nakikita ba niya ‘ko?



‘Nararamdaman niya tayo. Wag kang mag-alala. Hindi naman niya makikita ang mga mata natin eh.’

Sabi naman ni Fierce.



“Oo na oo na! Nga pala Jiro!!!! Bumalik na tayo! Bakit ba kasi bigla bigla ka na lang aalis ng classroom? Naku! Sana dumating si Sir Tan at ipapaubaya ko na sa kanya ang pagpatay ko sayo! Urgghh! Kainis talaga!" Sabi pa nung Aya. Ibig sabihin... Magagamit namin sila para makapasok kami!


Conflagration: War of the Dead WorldsWhere stories live. Discover now