Landiantionship (4)

22.2K 529 14
                                    

Natapos kami ni Balong sa pag ba-bike namin. Ibinalik lang namin ang bike na inarkila namin tsaka kami muling lumibot pero this time sinamahan ko ng kunting pag kuha ulit ng litrato.

Habang busy ako sa pagkuha ng litrato bigla kong na itapat kay Balong ang camera. Tumingin ako sandali sa kanya. Hindi niya na notice na nakatapat sa kanya 'yong camera ko kasi busy siya sa pag tingin sa paligid.

Kinuhanan ko siya ng litrato. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto siya ng camera ko dahil ang gwapo ng bawat kuha ko sa kanya. Ang totoo pwede siyang mag model.

Bigla siyang tumingin sa direksyon ko kaya inilayo ko sa kanya ang camera para hindi niya mahalatang kinukuhanan ko siya ng litrato ng palihim.

"Hindi ka pa ba tapos?" Tanong niya.

"Tapos na. Saan next gala natin?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto mong pumunta sa Botanical Garden?"

"Yah! I'm in!"

"Okay! Let's go to my car."

He holds my hand again and he started to walk. "Wait!" Pagpipigil ko.

Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa'kin.

"What?" Pagtataka.

"Kailangan ba talagang gawin pa 'to?" I showed him our hands.

"Ayaw lang kita maligaw Ms. Xandy."

I smiled, amusingly. "Magandang palusot 'yan, bata!"

He shrugged. "Well, expert ako dyan."

Pilit akong bumitaw sa pagkakahawak niya ng kamay sa'kin. "Don't worry Balong, hindi ako maliligaw." I reassured.

Pinauna ko na siyang palakarin para hindi na siya mag attempt pa ulit na hawakan ang kamay ko.

Malapit na kami sa kotse niya nang makarinig ulit kami ng babaeng tumawag kay Balong.

"Brian!" Sabay kaming lumingon ni Balong sa direksyon nung babae.

Warla ang face ni girl na halatang galit na galit kay Balong.

Another girlfriend na naman siguro ni Balong 'to.

"Who is she?!" She pointed me.

Pangalawa na siyang babaeng nanduro sa'kin.

"It's none of your business!" Sagot ni Balong.

"It is! Girlfriend mo 'ko!"

Bakit kasi hindi na lang niya sabihin kung sino ako para matigil na sa kakadada 'tong babaeng 'to?

"Kaibigan siya ni Ate, happy na?" Sagot ni Balong.

She slapped him on his face.

Kawawang Balong! Nag sabi na ng totoo, na sampal pa din.

"What the hell?" Iritang sabi ni Balong. "What was that for?"

"Para 'yan sa pag sisinungaling mo! Tingin mo maniniwala ako?! Napaka babaero mo talaga! Hindi dapat ako naniwala sa pang bo-bola mo!"

"Actually, nag sasabi siya ng totoo." Pagsisingit ko sa usapan nila para matapos na. "Nag pasama lang ako sa kanya para lumibot dito. Kaibigan ko si Bianca, kung uh kilala mo siya, kapatid siya ni Brian."

Halata sa reaksyon ng mukha niya ang gulat sa sinabi ko at siguradong pagsisisi rin.

"Ngayon alam mo na? Kung hindi ka rin naman naniniwala sa'kin, break na tayo!" Inis na sabi ni Balong.

Landiantionship (Landiang Walang Relasyon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon