Broken Vow 9

1K 18 3
                                    

Nakaupo kami nila Zion sa may labas ng Emergency Room. Ilang oras na rin kami dito naghihintay kung ano na ang kalagayan ni Mesha.

Natawagan ko na rin ang mga magulang ko at sinabi ang tunay na kalagayan ni Mesha ngayon.

Bakit kailangan pang humantong sa ganito ang mga pangyayari? This is all my fault. Siguro tama sila na hindi ko pinakikinggan ang side ng iba kundi ng ang side ko lang, kasi kung ginawa ko iyon dapat wala siya ngayon dito.

Yumuko nalang ako sa sobrang dami ng iniisip.

Maya-maya may narinig akong mga mabibilis na yapak papunta sa lugar namin kaya napaangat ako ng tingin at nakita ko si ate Meziah.

"W-what happened?", agad na tanong niya nang makarating sa pwesto namin. Nilingon siya ni Zion pero hindi na pinansin.

"Pa! What happened to her?! Pinapunta ako ni mama rito dahil hindi kayang pumunta ni mama. Ano ba talagang nangyari?! ", she exclaimed. Tumingin si papa sa kaniya nang walang emosyon sa mukha.

"Naaksidente siya", sagot ko dahil walang nagsasalita sa kanila.

"What did you say?", bulong niya.

"Naaksidente siya and she's critical. She also lost our baby",

"Wala kang karapatan na akuin o angkinin ang bata! Dahil hindi mo tinuring na asawa iyong kapatid ko gayung kasal kayo!", sigaw ni Zion, tumahimik nalang ulit ako at bumuhos na naman ang mga luha. Napakahina ko ngayon.

"N-no", bulong ni Meziah.

Biglang lumabas ang doktor sa Emergency Room, napatayo agad ako. Lumapit ang doktor kina papa at lumapit naman ako sa kanila para malaman kung ano na ang kalagayan ni Mesha.

The doctor cleared his throat before speaking.

"I'm sorry, the patient is critical right now and also she's in coma", imporma niya sa amin. Naramdaman ko nalang na parang biglang may gumuho na isang parte ng pagkatao ko. Nanlumo sina papa at Zion dahil sa narinig.

"We are going to move her in the ICU to monitor her time to time. As of now nahihirapan po siyang magresponse dahil sa mga natamo niya. Gagawin po naming ang lahat para sa pasyente. Excuse me sir.", paalam nito.

Natulala nalang ako at napaupo.

"I'm s-sorry. I'm sorry", bulong ni Meziah habang umiiyak. Napatingin kami sa kaniya dahil patuloy lang siya sa pag-iyak at pag-iling.

"T-this i-is my fault. My e-entire fault. I'm so sorry pa. I'm so sorry K-Kent.",

"What do you mean Meziah?", tanong ni Zion.

"I-I'm s-sorry. I-I didn't m-mean it",

"What are you talking about Meziah?", I asked.

"I-I'm sorry Kent. Ako. Ako ang may k-kasalanan ng lahat", she utter while crying "Ako. Kami ang may kasalanan",

"What the! Just say it!", sigaw ni papa, napitingin ako sa kaniya dahil ngayon lang siya sumigaw ng ganyan.

"I'm so s-sorry pa. K-kami ni K-Keith ang may k-kasalanan", iyak niya.

"Keith? Si kuya? Bakit nadamay siya?", tanong ko.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Iyong picture at video na natanggap mo months ago. Hindi si Mesha iyon, ako iyon at ng kuya mo, Kent. Plinano namin iyon", saad niya.

Mapaklang tumawa si Zion.

"All this time. Kayo ang may kasalanan kung bakit si Mesha ang nagsasuffer! Kapatid ka ba talaga namin ha!?", sagot ni Zion.

"Nagmamahal lang naman ako Kuya!",

"Walang kwentang pagmamahal 'yan!",

Bago pa makasagot si Meziah, may narinig kaming mga yapak papunta sa amin. Nakita ko si Kuya Keith na siyang nagpakulo ng dugo ko. Agad agong tumayo at sinugod siya biglang nanlaki ang kaniyang mga mata.

"You asshole!", and then I punched him. Napahiga siya sa sahig. Agad akong pumaibabaw sa kaniga at sinuntok siya ulit.

Bago pa ako makasuntok ulit may umawat na sa akin, paglingon ko nakita ko si Zion na masama ang tingin kay kuya.

"What is your problem Kent!?",

"Ikaw!Ikaw ang problema!", nagtatakang tumingin siya sa akin.

"Kung hindi dahil sayo! Wala sana si Mesha dito! Hindi sana kami magkakaganito!", and then realization hit him.

Natawa naman siya.

"Ah? Alam mo na pala my dear brother. Yes it is all planned. Hindi si Mesha iyong babae sa video at picture it was Meziah. Dalawa kami roon. Dahil magkamukha sila ni Mesha we took advantage of that. Naniwala ka naman diba?",  kumuyom ang aking kamay. "Isa lang ang ibig sabihin niyan you didn't trust her that much!",

"Why did you do that?", I ask him

"Simple lang, gusto ko si Mesha gusto ka ni Meziah. Nagplano kami and then boom! Di ba nagsucceed ang plano namin. And please don't blame us my brother. Kasi kung naniwala ka sa kaniya at pinagkatiwalaan mo siya hindi kayo aabot dito",

"And one more thing brother she doesn't deserve you. She deserves m--", bago niya pa matapos ang sasabihin niya sinuntok na siya ni Zion.

"Anong klase kang kaibigan! Dalawang kapatid ko dinamay mo sa kalokohan mo!",

"ENOUGH!", may sumigaw sa gilid. Nakita namin si papa na nakatayo.

"Meziah. Akala ko hindi ka ganyan napakaselfish mo. Hindi mo na inisip ang kapatid mo ang nasa paligid mo. You're only thinking about is yourself! Alam mong mahina ang kapatid mo! Pero bakit mo ginawa itong mga ito! Kapag may nangyaring masama kay Mesha di ko alam kung anong mangyayari sayo",

"Ganyan naman kayo papa eh! Puro na lang Mesha. Lagi nalang Mesha! Paano naman ako! Mabuti na ang ganyan siya atleast mamamatay na siya! Wala nang Mesha na lagi niyong napapansin!",

"Are you for real Meziah? Pati kapatid mo ginaganyan mo. Hindi na ako magugulat kasi nagawa mo na diba? Laging si Mesha dahil may sakit siya! Hindi namin pinaalam dahil gumagaling na rin naman siya! But nang dahil dito sa nangyari I don't think kung tuluyan siyang gagaling. Ikaw na mismo ang pumatay sa kapatid mo. We don't need you in my family. You are not my daughter anymore.", biglang tumulo ang mga luha ni Meziah. Pinapanuod ko sila kahit ako hindi makapaniwala sa mga narinig ko. Ngayon ko lang alam na may sakit pala si Mesha

"P-pa! N-no", she cried. Wala nang pakialam si papa pumasok na siya sa Emergency Room para asikasuhin si Mesha.

Nanatili kaming nakatayo roon. Nagpapakiramdaman.

Anong nangyari? I asked myself

An Almost Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon