(Hahaha edi wow Ara. Sinong kasama mo manood?)

"Ikaw sana. Pwede ba?"

(Kelan ba yan?)

"May 6 and 7."

(6 and 7? Nako! Di ako pwede nyan, may lakad ako nyan eh.)

"Aww sayang naman."

(Sila Kim? Tanungin mo sila.)

"Alam mo namang hindi ako sasamahan nung mga yun. Ikaw lang nga nakakaintindi sa pagiging bts fan ko eh."

(Hayaan mo na. If you want to go, then go nalang. Kaya mo naman sigurong mag isa. And I know na maraming Armys dun na mababait at pwede ka samahan. Tsaka malay mo, dun mo pala makikilala si Mr. Right. Ayiiee~)

"Che! Si Taehyung lang ang nag iisa sa puso ko at walang makakapalit sakanya dun."

(Okay. Sabi mo eh. Hahahaha. Good luck nalang.)

"Thanks Miks! Fighting~"

*****

April 2, 2017

2am palang ay nasa labas na ako ng MOA Arena. Why? You may ask.

Ngayon na kasi yung ticket selling para sa concert ng BTS. Gusto ko kasing bumili ng VIP para makalapit ako sa BTS.

Ilang oras pa ako dito dahil 10 am pa ang start ng ticket selling.

Lucky ako dahil nasa pangatlo ako sa pila dito sa labas.

To kill time, umupo nalang muna ako sa sahig at naglaro ako ng games at nanood ng mga video ng BTS.

Habang nag lalaro, nagulat naman ako ng may sumandal sa balikat ko.

Pag kalingon ko, nakita ko ang isang lalaking natutulog. Mukhang kaedad ko lang sya at.... nakapila din sya ????

Nagalaw ko yung balikat ko kaya nagising naman sya.

"Sorry Miss. Di ko namalayan na naka sandal pala ako sayo." Sabi nya at ngumiti.

"Okay lang yun." Sabi ko at ngumiti din pabalik.

"Para sayo yang ticket na bibilhin mo?" Tanong ko sakanya.

"Yes, bakit?"

"Ahh wala. Akala ko kasi sa girlfriend mo or sa kapatid."

"Never pa ako nag karoon ng girlfriend and only child ako. Haha."

"Ahh I see.."

"Hoy hindi ako bakla ah!"

"What? Hahaha di ko naman sinabi na bakla ka. And nakaka amaze kaya na makakita ng fanboy."

"Sabi ko nga. Hahaha. Thomas nga pala." Sabi nya at nag offer ng handshake.

"Ara." Tinanggap ko naman ang offer nya.

Nag usap lang kami hanggang sa malapit nang bumukas yung stall. Nag handa na kami ng sarili namin.

"Anong bibilhin mong ticket?" Tanong nya.

Secret Love StoryWhere stories live. Discover now