TDG Book 2 - Chapter 51

Magsimula sa umpisa
                                    

Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago ako nagdecide na umalis. Inaantok na kasi ako. Hahaha! Nambwisit lang talaga ako ngayong umaga. Himalang hinatid nya ako sa may pinto.

"Hey," sabi nya sakin bago ako lumakad paalis. "San ka nga pala pumunta kahapon?"

"Took care of something."

"Ano yun?"

"Ginanti ko si Jicker."

"WHAT!"

"At ikaw rin. Siguro may bukol si Anna ngayon. Matulog ka na! Kainis 'to."

**

NORMAL POV

Two days ang nakalipas pero wala pa ring ginagawa si Blanche. Two day na ring pabalik-balik si Jersey sa pad nito para pilitin syang kausapin si Jicker. Two day na rin syang tumatanggi.

Okay na yung mga gamit nya. May nahanap na ring bagong tenant yung management. Pinauna na nya yung ilang gamit nya sa Bonn. Eto na talaga. There's no turning back.

Pero hindi mawawala sa kanya yung WHAT IF na yun. What if.. kausapin kaya nya si Jicker? What if.. magbago ang isip nito? Babalik pa kaya sya?

Naaah. Malabo yun. True love yan eh, mahirap kalabanin. Ano ba naman yung kanya compared sa "love" ni Jicker para kay Anna? Ang layo ng agwat nun, milya-milya. Sa totoo lang marami syang gustong sabihin kay Jicker. Gusto nyang saktan ito. Gusto nyang paiyakin ito. Kaso shet, bakit lahat ng gusto nyang gawin ay nagback fire? Sa kanya ata napupunta lahat.

"Blanche," eto ang sabi sa kanya ni Jersey bago ito umalis kanina. "Walang mawawala sa'yo kung kakausapin mo."

"Jersey how many times do I have to--"

"Kahit ilang beses pa. Mas gusto kita kesa kay Anna. That b*tch."

In fairness natutuwa sya sa set-up nila ni Jersey ngayon. Parang hindi nangyari yung toothbrush incident months ago! Gets na nya kung bakit ganun na lang kamahal ni Kevin 'tong bwiset na 'to. Tanda nya nung naaksidente si Kevin, galit na galit sya kay Jersey. Nung nagkamalay naman si Kevin at hinanap si Jersey, dun umabot sa sukdulan ang galit nya. Naaksidente na nga, hahanapin pa? Pucha lokohan! Inis din sya kay Kevin nang bumalik ito sa Pinas, sinabi nyang may teaching job daw ito. Alam naman nyang si Jersey ang babalikan nito. Kaya sya sumunod kay Kevin 6 months later, para paghiwalayin ang dalawa.

Eh wala. Kahit anong gawin nya matibay yung dalawa. Kung sana.. katulad ng pagmamahal ni Kevin kay Jersey ang pagmamahal nya kay Jicker.. na tipong (kahit corny) kakalabanin ang lahat okay lang, at least in the end sila pa rin talaga ang magkasama. Hindi pa naman umaabot ang nararamdaman nya para Jicker sa ganon. Gusto nya, kaso natatakot sya. Baka kasi hindi nya makaya, at malaki ang possibility na masayang yon.

**

JICKER'S POV

The Despicable Guy Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon