TDG Book 2 - Chapter 49

113K 1.2K 351
                                    

TDG Book 2 - Chapter 49

WARNING: HINDI PWEDE SA MGA MAHIHINA ANG PUSO ANG UPDATE NA 'TO.

Joke lang, pwede naaman. But you've been warned :)

Kung nagustuhan nyo ang chapter, vote. Yan ang gagawin kong basis kung effective ba ang kadramahan na ginagawa ko. Haha! :)

MAGBASA MUNA BAGO MAGVOTE. Parang awa. Joke sige na tama na 'to. PROCEED!

***

"Jersey.. don't hate me after this..."

"I love you."

Napanganga na lang si Jersey sa narinig nya. Wait, parang hindi reaction ng isang Jersey Santiago ang "napanganga" lang, kaya gawin nating OA. Let's just say pasalamat na lang at nakahawak sya sa doorknob nya or else, nabuwal sya sa sahig.

Nag-echo sa utak nya ang narinig. I love you. Tapos tinignan nya ulit yung nagsabi sa kanya. I love you.

Pakshet. Ano 'to, g@guhan?

Sa halip na mainis, nginitian lang nya ang nagsabi nun. Baka kasi joke.

"Marlo, lasing ka ba?"

"H-hindi ako lasing. Alam mo naman pag lasing ako diba?"

Kinabahan na si Jersey dun. Oo nga, hindi lasing si Marlo.

Akala nya joke lang. Akala nya.. sht anong akala nya? Bakit ba biglang sumulpot 'tong si Marlo from nowhere tapos magsasabi ng.. I love you? Ano 'to, joke time nila ni Jicker? O di kaya epal ni Blanche? Awsht si Blanche. Pakana na naman ng babaeng yon!!! Kung iniisip nyang magkakagulo ulit sila ni Kevin dahil sa ILY na yan.. lelang nya!

"Loko ka dre! Tara, pasok." Kunwari cool lang, na hindi sya kinakabahan. Binuksan pa nya ang pinto.

"Jersey.. don't dismiss me like that. I am darn serious."

"Marlo.. please lang. Kung pakana 'to ni Blanche.. ang pathetic lang. Pakisabi sa kanya wala na akong pake sa kanya. And kung galit pa rin sya sa ginawa ko sa toothbrush nya, I am glad to offer her Kat's prophylaxis service."

"Walang kinalaman si Blanche dito. Please listen to me."

Alam ni Jersey na seryoso si Marlo, boses pa lang e. Pero.. what the fck? He loves her? Alam nya dati oo, may something something sila. Kaso ngayon na may something na ito para kay Blanche.. parang ang hirap ata paniwalaan nun. No, hindi nya paniniwalaan yun.

"Ano bang kailangan ko pang pakinggan, Marlo? Itulog mo na lang yan."

"Jersey I am serious."

"Marlo.. don't start with me. I am not in the mood for your bullsh*t."

"I just have to say it once," Wow. Familiar ang linya na yan!!! "Just let me. Ikaw na bahala kung anong gagawin mo. Listen to what I have to say."

The Despicable Guy Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon