°bad blood i°

74 9 25
                                    

°Chapter 1°

SHEKINAH'S POV

*BEEP! BEEP!*

Isang malakas na tunog ng busina ang nakapag-gising sa akin. Ito ang busina na naririnig ko ngayong mga araw lalo na't palaging may lakad daw si Kuya Zeke. Ito yata yung sumusundo sa kanya. Ewan ko ba kung sa'n ba siya palaging pumupunta.

Humikab ako at nagdasal, pagkatapos ay tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader na katapat ko ngayon. Oh gosh, it's already 7 o'clock! Naalala ko na susunduin ako ng gang ngayong alas syete. Hala!

Napasapo ako sa noo ko dahil sa katangahan ko. Tsk! Ito kasing alarm clock ko, hindi gumagana paminsan-minsan eh. Ayan tuloy, late tuloy akong nagising.

"Tanga ka talaga." Bulong ko sa sarili ko at napasilip sa bintana ng kwarto ko. Napanganga ako nang makita ang van na ginamit ng gang pauwi kahapon.

Hala! Ito na din ata ang sundo ko. Pero akala ko si Kuya ang sinusundo. Napatakip ako ng bibig ko nang may napagtanto ako. Papalinawin ko nalang kay Kuya Zeke mamaya.

Nakakahiya na pahintayin pa sila. Agad akong napatakbo sa CR at medyo natapilok pa ako sa kakamadali, "Aray!"

Grr... Napahawak ako sa isa kong paa at naglakad ng paika-ika papunta sa CR. Dali-dali akong naligo at hindi ata nabanlaw ng mabuti ang shampoo sa buhok ko. Nagsipilyo ako ng mabilisan at nagsuot nalang ng unang nakita kong damit sa closet ko. Off shoulder at jeans, basa pa ang ibang rubber shoes ko kaya ang natira ay ang heels ko. Gahd, no choice.

Never have I worn this off shoulder before, nor these pair of heels. I mean, sinuot ko na itong heels pero sa mga parties lamang. Ang sakit kaya sa paa mag-heels, and they're just not my type. I may be out of fashion pero simple lang talaga ako.

Dali-dali akong bumaba at nakasalubong sina mama at papa, "San ang punta niyo anak?" Agad na tanong ni Mama.

May naramdaman akong umakbay sa akin, "Sasama lang siya sa akin, mama, papa." Boses iyon ni Kuya Zeke. Teka? Andito pa siya? Akala ko umalis na siya, na-late ata ang lakad niya ngayon.

Nakisakay nalang ako sa sinabi ni kuya, "Yes, ma. Sasama ako sa lakad ni Kuya Zeke ngayon." Ngumiti pa ako. Mabigat man sa loob ko dahil hindi pa ako nagsinungaling kela mama at papa, ay hindi ko pwede sabihin na may training ako bilang gangster.

"Sige. Ingat kayo anak, ha."

"Opo." Hinalikan na namin sina mama at papa sa pisngi at tuluyan nang lumabas sa bahay. Nang makalabas kami ay nilingon ko na si Kuya at tinanggal ang pagkakaakbay niya.

"Kuya!" Pagmamaktol ko at napapadyak pa sa sahig.

"Ano?" Natatawang tanong niya.

Napabuga ako ng hangin, "Ano 'yon?! Ba't sinabi mo na sasama ako sa iyo? At na-late ka ata sa araw-araw na lakad mo ah, akala ko nakaalis ka na ng bahay."

Inakbayan niya ako at bumulong, "Explain ko sa'yo mamaya. Sakay muna tayo sa van, ha? Okay ba?" Sabay pinaharap niya ako sa naghihintay na van.

Bad Blood Ruined Her (made in 2017)Where stories live. Discover now