US-00-
Mindoro
"Rielle! Ready ka na ba? Uuwe na tayo ng Mindoro." anang Manang Helen.
Ang katulong namin dito sa bahay, sya ang pinakamatagal naming katulong, sya na ang nagpalaki sa mommy ko at maging sa akin na din.
"Yes po. Baba na po ako."
Matagal na akong hindi nakakabalik ng Mindoro. Bata palang ako andito na ako sa Doha. Hindi ako pinapayagan ni daddy na sumama kay lola pauwe ng Mindoro tuwing summer. Kapag tinatanong ko si mommy ang lagi nya lang sinasabi sakin ay delikado pa daw doon. Hindi pa daw ako pwedeng pumunta doon.
Limang taon kasi ako nung namatay ang lolo ko dahil sa isang ambush. Pinagbabaril sya sa gitna ng daan at ang sabi ito daw ay yung mga kalaban nya sa politika kaya mula noon hindi na ako nakabalik pa.
"Rielle let's go?" ani mommy na tila kinakabahan ang mga mata ng makababa na kami ng eroplano.
Babyahe pa kami ng 5 oras o higit pa para makarating sa Mindoro. Kaya nagmamadali na kaming sumakay sa sasakyan dahil mag aalas kwatro na ng hapon.
"Let's go anak, naghihintay na ang lola mo. Sabik na sabik na iyong makita ka. Isang buwan din syang hindi nakauwi ng Doha, dahil sa problema sa lupa." si daddy, sabay akbay sa akin at kay mommy.
Pumasok na kami sa loob ng sasakyan.
Hanggang ngayon hindi ko pa din maintindihan ang nararamdaman ko. Tila natatakot ako na naeexcite sa pag uwe sa Mindoro.
Parang gusto ko nalang ulit bumalik ng Doha at balikan ang mga kaibigan ko doon. Pero may parte naman sa akin na nangungulila sa lugar na kinalakihan ng mga magulang ko, na parang ang daming ala ala na naiwan ko dito. Hindi ko maintindihan sa labing tatlong taon ko sa Doha ay hindi ko maipagkakailang napamahal na ako doon. Pero bakit parang mas mahal ko ang probinsya kesa doon.
Mahaba pa ang byahe may tatlong oras pa ako para matulog. Kaya pinatay ko na muna ang cellphone ko at ipagpapabukas ko nalang muna ang paghahanap ng magandang puntahan na malapit sa bahay. Tila bukas naman ay hindi ako makakapamasyal dahil sa sobrang pagod at hindi agad ako papayagan ni daddy.
"Manong, maari bang kumain muna tayo? Saan ba may malapit na kainan dito?"-tanong ni daddy sa driver dahil mag aapat na oras na din kaming bumabyahe at kabababa lang namin sa barkong aming sinakyan.
"Malapit na po tayo sa may Jollibee Sir, sa lugar na ito po ay wala pang mga restaurant e. Sa kabilang daan po yung mga restaurant na bukas pa po."
Napatingin ako sa labas ng bintana at natanaw ko na nga ang ulo ni Jollibee.
"Sige po manong doon nalang po."
Pagkatapos naming kumain ay tumulak na ulit kami pauwe. Nakatulog ako sa isa't kalahating oras pang byahe dahil sa traffic sa bayan, marami na ring sasakyan at hindi mapagkakailang maganda na nga ang probinsya, marami ng establishment na pwedeng pasyalan may malalaki na ring mall, kaya naman masikip na rin ang daan.
**
"Nasaan ang aking apo? Nasaan? Miss na miss ko na iyon." sigaw ni lola na dahilan kung bakit ako naalimpungatan.
Napatingin ako sa labas at nakita ang malaking bahay na kulay kahoy. Nakita ko si lola na papalapit na sa pintuan ng kotse samantala sina mommy ay papasok na sa loob ng double doors na pintuan ng bahay.
"Apo ko!" sabi ni lola habang binubuksan ang pinto ng kotse.
Mabilis akong lumabas at niyakap si lola. "I missed you so much lola. Sabi ko naman sa inyo e isama nyo na ako dito nung umuwe kayo." sabi ko na kunyare ay nagtatampo.
YOU ARE READING
Until Sunset
Teen FictionStory of Xyrielle del Valle This story is work of imagination of the author. Names, places, events, businesses, characters and incidents are either the products of the author's imagination or used of fictitious manner. Any resemblance to actual pers...
