Chapter ten Space

449 16 0
                                    

                                    Chapter ten




   

                    "Shailene, alam kong nandyan ka nakikiusap ako sa ‘yo lumabas ka naman oh, mag-usap tayo!" Sigaw ni Ezzy sa tapat ng bahay ni Paulene.
Kagaya ng gusto ni Shailene ay pinalipas na muna ni Ezzy ang buong magtamag at hinayaan na munang makapag-isip ng maayos si Shailene, at ng mapagpasyahan nyang kausapin na si Shailene ay pinuntahan niya ito sa bahay pero sinabi ng mga katulong na hindi umuwi si Shailene, kaya alam niya na ang tanging tatakbuhan lang ni Shailene ay sa bahay ni Paulene.
"Shailene, nakikiusap ako, Shailene-"

Kunot noong lumabas si Paulene at dinaluhan sya. Umawang palang ang labi ni Ezekiel para sana tanongin kung asan si Shailene nang maunahan sya ng sampal ni Paulene sakanya.
"How dare you to come here? Alam mo bang hindi ako nagpapalapit ng manloloko sa bahay ko." Galit na itinulak siya ni Paulene sa dibdib gamit ang buong lakas nito. Hindi naging mahirap ‘yon para kay Paulene dahil hindi rin naman siya lumaban.
Para kasi kay Ezzy dapat lang sakanya ang masaktan dahil kasalanan rin naman nya ang nangyayari ngayon.
"Akala ko ba mahal mo sya, naniwala ako sa ‘yo na hindi mo sasaktan ang kaybigan ko tapos ano toh? Linoko mo lang sya!" Galit na sumbat ni Paulene.
Umiling-iling siya. "Paulene hindi ko sya linoko lang. Mahal ko si Shailene, mahal ko ang kaybigan mo. Kaya nakikiusap ako sa ‘yo ipakausap mo na ko sakanya.." Pakikiusap niya kay Paulene na kaagad na inilingan ni Paulene.
"Hindi Ezekiel, ayaw ka nyang makausap-" hindi pa nito natatapos ang sinasabi niya ay bigla nalang may sumingit sakanilang dalawa.
"Oo kaya walangya ka umalis ka na dito." Singit ni Larry na kakalabas lang ng bahay.
Umiling siya. "Hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nakakausap si Shailene." Determinado na sabi niya.
"Ang kapal ng mukha mo." Bigla nalang siyang sinugod ni Larry na hindi lumaban kaya napasandal sya sa kotse nya.
"Akala ko ang bait mo, akala ko matinong tao ka, nawala lahat ng tiwala ko sayo."
Hindi pa nakakabawi si Ezzy para depensahan sana ang sarili nya nang bigla nalang hugutin ni Larry ang baril na nakasabit sa uniporme ni Ezekiel at itinutok ‘yon sa mukha niya.
Diretsyong tinignan ni Ezzy sa mga mata si Larry.
"Sige iputok mo Larry, hindi ako lalaban. Sa tingin mo ba pinagsisisihan ko na minsan kong ginamit si Shailene makalimutan lang si Samantha," Umiling si Ezzy. "I'm sorry pero hindi. Dahil yon yung naging dahilan kung bakit naranasan kong mahalin ni Shailene at yon ang naging daan para mahalin ko rin sya ng lubusan. At kung talagang mali para sa ‘yo yon sorry pero ipinagpapasalamat kong nasaktan ako at nagkaroon ng dahilan para matutunang mahalin si Shailene..." mas lumapit pa si Ezzy at idinikit ang noo nya sa baril.
"Kaya sige iputok mo."
Tumingin lang saglit si Ezzy kay Paulene ng bumulong ito kay Larry.
"Ibaba mo ‘yan delikado yan,"

"Hindi, hindi manlang sya nagsisi na ginamit nya si Shailene." Maangas na sabi ni Larry.
"Ibaba mo ‘yan Larry kung ayaw mong ulo mo ang paputokin ko. Isa pa wala kang lisensya." Napalingon si Larry sa boses na biglang nagsalita.
Hindi manlang nila napansin na nadoon na pala si Edgar na kakababa lang sa kakarating lang na kotse.
"Ibaba mo na ‘yan Larry."
Walang magagawang binitawan ‘yon ni Larry at hinatak si Paulene sa braso papasok.
"Paulene sandali, kaylangan kong makausap si Shailene." Pagmamakaawa uli niya kay Paulene.
Umiiling na liningon siya ni Paulene. "I'm sorry Ezzy dahil kahit na gustuhin kitang tulungan ay ayaw ka muna nyang makausap." Pagkasabi non ni Paulene ay tuluyan na sila ni Larry na pumasok ng bahay.
"Dre, hindi siguro sapat ang magdamag para makapag-isip sya ng mabuti."
Napayuko naman si Ezzy. "Kelan? Paghindi na nya ko mahal? Ayokong dumating sa punto na ‘yon." Mangiyak-ngiyak na sabi niya sa kaybigan.
"No, you'll not let that happen, but not now." Iginaya na siya ni Edgar papasok ng kotse niya. Pero bago pa tuluyang pumasok si Ezzy sa sasakyan ay tumingala muna sya sa itaas ng bahay kung saan ang bintana ng kwarto ni Shailene pag nag o-overnight sya sa bahay ni Paulene, at hindi nga sya nagkamali dahil nandoon nga si Shailene, nakasilip at umiiyak.
Nang-magtagpo ang mga mata nila ay biglang isinara ni Shailene ang bintana na para bang ayaw nya itong makita. "Pare, hindi pa sa ngayon." Walang choice na sumunod nalang si Ezekiel sa payo ng kaybigan dahil marahil tama nga ito...na hindi pa sya gustong makita at makausap ni Shailene.

                   "Anak, alam ko na yung nangyari."
Malungkot na liningon ni Shailene ang kanyang ina na nasa may likuran lang nya.
"Ma, tama po ba na magmatigas ako kay Ezzy. Ang sakit po kasi na malaman na ginamit nya lang ako." Masikip sa dibdib pero alam niya na kaylangan nya rin ilabas ang sakit na nararamdaman nya.
"Anak, lahat naman ng bagay at pangyayari ay may hindi inaasahang simula. Masakit man pero hindi naman natin masasabi na kung hindi sya nasaktan at hindi ka nagpakita nang mga oras na kaylangan nya ng isang katulad mo ay mangyayari at mararanasan mo na mahalin niya." Pinunasan ng mama niya ang luha niya.
"Pero ginamit nya po ako, pano kung hindi nya parin ako mahal.." Humihikbing bulong ni Shailene.
"Anak, hindi mo malalaman kung hindi mo sya kakausapin. Takot at sakit ang meron ka sa dibdib mo ngayon kaya hindi mo pinapakinggan si Ezzy, pero kaylangan mong malagpasan ang takot na ‘yan at alamin ang tamang sagot."
"Mama, natatakot po akong mas masaktan. Paano kung sabihin nya lang sakin na si Samantha uli yung mahal nya, or worse si parin talaga ang mahal nya at kahit kaylan hindi naging ako. Mama, ayokong masaktan uli."
Kung may ikinatatakot man si Shailene ngayon, yon ay ang aminin sakanya ni Ezzy na hanggang ngayon ay si Samantha parin ang minamahal nito kaya ayaw nyang harapin manlang si Ezzy, pero paulit-ulit narin nyang naitatanong sa sarili nya kung talaga bang natatakasan nya ba talaga ang sakit dahil sa ginagawa nya ngayon o lalo nya lang sinasaktan ang sarili nya.
"Anak, sa bawat kaligayan ay kaylangan mong sumugal, Kasi kung hindi ka susugal, hindi ka magkakaroon ng chance na sumaya. Masakit oo pero kaylangan mong sumugal para mawala yung sakit na nararamdaman mo sa pamamagitan ng hope na may pag-asa pa, minsan kasi anak kahit wala ng pag-asa, kahit lubog na tayo, pinipilit parin natin na kumapit sa hope kahit na masakit ng umasa sa wala, kasi yon lang yung paraan para makalimutan natin kahit panandalian lang ang sakit, at pagtapos non ay liligaya na tayo kasi hindi tayo sumuko," hinawakan ng ina niya ang dalawang kamay niya at hinimas-himas ‘yon.
"Anak, maaring yon yung ginawa ni Ezekiel, kumapit sya sa patalim para makalimutan si Samantha kaya inaya ka nyang lumabas at makipag date, at ayon, nagtagumpay sya at naging masaya kayo. Hindi naman lahat tayo nagsisimula sa magandang simula at dahilan, maybe god's make a way for both of you to find each other, god's gave him to you and god's lead him here to find you."
Hindi sumagot si Shailene. Hikbi lang ang maririnig sakanya habang linalaro ang kamay ng mama nyang nakahawak sa kamay nya.
"Anak, ikaw nalang ang makakapagsabi, sa tingin mo ba sa mga pinagsamahan nyo lahat yon hindi totoo? Na sa mga pinagsamahan nyo, sa tuwing sinasabi nyang mahal ka nya, tingin mo walang totoo don?"
Napaisip naman siya bigla at binalikan lahat ng memories nila. Lahat ng oras na sinabi ni Ezekiel sakanya na mahal sya nito...
Lahat yon ay naramdaman niya, walang halong biro at pakiramdam nya ay puno ito ng sensiritad. Kaya nga sya nasaktan ng malaman na may Samantha pala sa buhay ni Ezekiel.
"Anak, kung gusto mo talagang magkaayos kayo o matapos na ito, kausapin mo na sya at wag mo ng takasan." Payo pa ng ina.
Tango lang ang isinagot niya sa mama nya at yinakap ito ng mahikpit. Sa mga oras na ito ang yakap lang ng mama niya ang kaylangan nya at matatakbohan nya.





                      "Pare give her  space." Napapakamot sa may batok na sabi ni Brian kay Ezekiel na nagbabalak nanaman na umalis para puntahan si Shailene at muling magpaliwanag.
Ayaw ni Ezekiel na sundin ang mga kaybigan nya na nagsasabing bigyan na muna ng distansya si Shailene at hayaan na makapag-isip.

Ayaw ni Ezekiel na maghilom ang sakit na nararamdaman ni Shailene ng wala sya. Dahil natatakot siya na tuluyan na itong magalit at makapagsimula ng wala sya. Selfish oo pero mahal niya si Shailene kaya ayaw nyang hindi sya nito mapatawad dahil sa noong panggamit nya kay Shailene.
"Paano kung habang binibigyan ko sya ng space lalo lang syang nalalayo sakin? Nawawala na yung pagmamahal nya sakin, hindi ko sya pwedeng hayaan na may tanim ng galit sakin dahil mawawala siya sakin.." Depress na naigulo niya ang buhok nya dala ng imosyon.
Ipinatong ni Edgar ang braso nito sa balikat niya. "Pare, naiintindihan naman namin ‘yon, but don't you see ayaw ka nyang kausap."
"Kaya nga lahat gagawin ko para lang kausapin nya ko." Pagpupumilit pa niya.
"Ezzy, wag na muna, nagmumukha ka lang tanga."
Naiinis na sabi ni Brian sabay inom sa bote ng beer na iniinom nito.
Pabaliktad ang upuan na umupo si Ash sa tabi ni Brian.
"Hayaan nyo sya, lahat naman ng nagmamahal nagpapakatanga. Kahit na mukhang wala ng pag-asa, aasa at aasa parin kahit sinasaktan mo na lang yung sarili mo. Ganyan naman talaga pagnagmahal." Tila ba naiintindihan na sabi ni Ash at tinapik siya sa balikat.
"Basta Ezekiel Alvarez, wag ngayon na nakainom ka dahil lalo kayong magkakagulo. Hindi kayo magkakaintindihan, baka may magawa ka pang hindi maganda ng hindi mo alam."

Binaba niya ang baso na may laman na alak na iniinom nya.
"Kelan?" Huskey voice na ang maron siya dala ng alak na nainom nya.
"Maybe bukas! Ayaw mong makamoved-on sya diba? Edi wag mo ng patagalin, gusto mo samahan pa kita. Basta wag ngayon na lasing ka at nakainom okay?"

Tumango lang si Ezekiel at yumukyok sa lamesa. Nakapagdesisyon na siya, na bukas ay kakausapin nya si Shailene, magpapaliwanag lang sya, at kung ayaw na talaga ni Shailene ay ito na ang magdedesisyon, kung talagang natanggal ng kasalanan nya ang pagmamahal nito sakanya ay palalayain nya na si Shailene...
Masakit man ay ipapaubaya nalang niya ang desisyon kay Shailene. Palihim nalang na nagdasal si Ezekiel na maiayos pa ang nasirang relasyon nila.
Nakapag-usap narin si Ezekiel at Samantha. Humingi lang ito ng tawad dahil aware naman si Samantha na sya ang dahilan kaya nagkagulo ang relasyon ng dalawa,  humingi narin si Samantha ng tawad dahil after all si Samantha ang may kasalanan kung bakit sila nasira ni Ezekiel at nangakong hindi na manggugulo.
Nang mga oras na kausap ni Ezekiel si Samantha ay tuluyan nya ng nakumpirma sa sarili nya na wala na syang nararamdaman para sa dating kasintahan.
Hindi masasabi ni Ezekiel kung sino ang mas minahal nya sa dalawa, ang alam lang ni Ezzy ay si Shailene na ang mahal nya ngayon at kagaya ng relasyon nila ni Samantha ay kung ayaw na talaga ay hindi na nya ipipilit ang sarili nya.
Last ride na ito, at kung sasabihin ni Shailene na hindi na sya nito mahal... ay magpapalaya na siya.






                       

(Last chappy na! Next na ang epilogue. Bow."

Fixing a broken heart #CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon