Isang Akala

6K 60 6
                                    

Sweet? Check✔
Bestfriends? Check✔
Status?
Merong Ako at Ikaw pero walang TAYO
Ano nga ba tayo?

Mahal kita pero gusto mo lang ako
Akala ko mahal mo din ako
Akala ko lang pala

Tuwing magkasama tayo hindi ko mapigilan ang aking tuwa
Walang mapaglagyan ang aking saya
Nakikita ko din iyon sa iyong mga mata
Ngunit isang araw biglang nagbago ang lahat

Nagbago ka
Hindi kana sweet
Hindi na ikaw ang nakilala kong bestfriend
Hindi mo sinabi ng dahil pala sa kanya

Akala ko iba ka
Katulad ka din pala nila
Mang-iiwan kapag nakahanap na ng iba
Sabi mo gusto mo ako
Nabalik ako sa reyalidad na GUSTO mo nga LANG pala ako at hindi mahal

Nagpatuloy ang ganong sitwasyon
Iwasan
Walang kibuan at
Walang komunikasyon sa kahit ano

Pinilit kong kalimutan ka
Kahit ikaw ang bilis mong nakalimot
Pero hindi pala ganun kadaling mag move on
Oo kahit wala namang tayo kailangan kong mag move on sa nararamdaman ko para sayo
Akala ko paglipas lang ng ilang araw malilimutan din kita
Pero hindi
Oras-oras , minu-minuto naglalaro ka sa isip ko at pinipintig ka ng puso ko
Hinahanap-hanap ang presensya mo na noo'y laging nasa akin lang
Ngunit ngayo'y nasa taong mahal mo na

Akala ko talaga magkakaroon nang tayo
Na magagawa mo din akong mahalin at hindi lang basta gusto
Subalit wag kang mag-alala dadating ang panahon na kapag tayo'y muling pinag tagpo at pinagharap muli ng tadhana-
Tadhana na sobrang mapaglaro
Okay na ako at masaya na ako

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now