Sana'y Mapansin

11.1K 115 19
                                    

Hello.
Kamusta kana?
Miss na kita.
Ako kaya nami-miss mo din?

Araw-araw ka saking isipan
Mga larawan mong naglalaro sa aking imahinasyon
Imahinasyon na sana'y maging totoo
Ngunit tila hindi sang ayon ang tadhana
Dahil isa lamang ako sa mga taong iyong tagahanga
Ikaw na kilala ko
Ikaw na aking inspirasyon
Ikaw na nagbibigay sa akin ng saya
Ngunit sya ding nagbibigay ng lungkot
Lungkot na hindi maiwasan
Nananalangin na sana'y
Ako rin ay iyong makilala
At mabigyan ng kaunting pansin

Nangangarap na sana'y balang araw ay mapansin na
Mapansin ang aking presensya
Presensya na nag-aalay sayo ng pagmamahal
Pagmamahal na hindi mahihigitan ninuman
Pagmamahal na sayo lang maipararamdam
Pagmamahal na hindi mapigilan sa pag-uumapaw

Ikaw na parang isang bituin at
langit ang layo sa akin
Hanggang tingin na lamang
Dahil ika'y imposibleng maabot at mahawakan

Nananalangin na sa pag daan ng panahon
Isang araw ay aking sanang makabangga
Na ako'y sana'y lingunin at bigyan ng tingin
Tadhanang sana'y pagbigyan ang atin

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now