Huh! Hindi pala takot ah hahahaha.

Pagkatapos sa roller coaster ay umupo muna kami sa bench, kasi namumutla siya. Grabe namang lalaking 'to, eh ang baba nga lang ng roller coaster kaysa sa space shuttle. Talo pa siya ng mga batang nakasakay.

"Kain na tayo?" -Ako

"Mamaya na. Dun muna tayo sa swan"

Tumango lang ako. Buti naman hindi mahaba ang pila at nakasakay agad kami sa swan. Kaming dalawa ang nagpe-pedal.

"Nage-enjoy ka ba?"

"Hmmm" tumango lang ako.

"Buti naman. Si Chloe kasi ayaw sa mga ganito, madami daw tao kaya hindi pa nakakapuntang dalawa sa amusement park"

Arte psh! Di nalang ako umimik at baka kung ano pa masabi ko.

Kung ako naging girlfriend mo. Naku! Wala lang hehehe.

Pagkatapos namin sa swan ay kumain na rin kami. Nakakagutom din kahit tatlong rides palang yung nasasakyan namin.

"Punta tayo dito ulit next time" -Zerphayl

"Bakit hindi mo isama girlfriend mo dito"

"Eh diba nga, ayaw niya sa mga ganito"

"Pilitin mo, malay mo pumayag"

"Psh! Wag na, baka mag-away lang kami"

"Okay!"

"So, kamusta ka naman?"

Napangunot yung noo ko, baliw ba 'to.

"Bakit mo ako kinakamusta? Magkasama lang naman tayo"

"Syempre matagal ko na ring hindi alam kung ano na nangyayari sayo kasi nga minsan nalang tayo lumabas. Ano? May nanliligaw na ba sayo?"

Paano mo malalaman, naka-focus ka kay Chloe tss. Puro nalang si Chloe kasama mo, kausap mo at higit sa lahat si Chloe iniintindi mo. Alam ko namang bestfriend mo lang ako, pero mas matagal mo akong kilala kaysa sa Chloe na yan. Mas matagal mo akong nakasama pero di mo man lang nagawang mahalin kahit katiting, hindi bilang bestfriend mo lang.

"Ano? May nanliligaw na sayo?"

"Wala"

"Buti naman"

Nainis naman ako sa sinabi niya, anong buti naman!

Siguro napansin niyang nakakunot yung noo ko kaya nagsalita ulit siya.

"Dadaan muna sila sa akin bago manligaw sayo" sabi niya at kinindatan ako.

Bakit ba kasi ako na-inlove sayo eh inlove ka naman sa iba tsk tsk.

"Tara na nga, drama mo"

Hindi muna kami sumakay sa mga rides kasi kakakain lang namin. Kaya naman nag-gala muna kami.

"Zerp dun tayoooo" hinila ko siya sa maraming stuff toy.

Pinilit kong maglaro si Zerp para naman may stuff toy ako, lalo na yung miniooooon.

Tuwang-tuwa ako nang makakuha kami ng isang stuff toy, okay lang kahit di minion.

Nagpatuloy kaming sumakay sa mga rides. Tawa ako ng tawa lalo na nung sumakay kami sa Extreme at Space Shuttle. Yung kaluluwa daw ni Zerp nawawala na hahahaha.

Ilang rides pa bago namin napagpasyahan na sumakay sa wheel of fate. Gabi na rin kasi kaya last ride na namin ito.

"Woooaaaah hindi ba tayo mahuhulog dito?"

Tss talo pa ako hahahaha. Siya itong lalaki, siya pa takot haaay.





Pagkatapos namin sa wheel of fate ay umuwi na rin kami.

"Thank you for today Xai. Nag-enjoy ako"

"Ako rin, nag-enjoy ako"

Ngumiti akobsa kanya at ganun din siya sa akin.

"Uwi ka na, gabi na oh".

"Okay. Good night bestfriend"

"Good night"

Kumaway ako sa kanya hanggang sa mawala sa paningin ko ang kotse.

"I Love You Zerphayl" bulong ko at pumasok na.

Will You Love Me Now? Where stories live. Discover now