Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

First Destruction

39 3 3
                                        

Tanita




"Lose or die..."

Napangiwi ako sa karatulang nabasa ko sa pintuan ng bahay. Ang creepy...

Muli kong chineck kung etong address nga ang nakalagay. At tama naman.

Pinindot ko ang doorbell at naghintay nang taong magbubukas sa akin ng pinto.

"Delivery Pizza!" Sigaw ko ng ilang minuto ay hindi pa rin ito lumalabas.

Isa akong delivery girl. Nightshift ako kaya medyo delikado para sa babaeng kagaya ko.

Ano naman kung babae ako? Kaya ko naman na ang sarili ko. Kaya kong makipag'buno' sa mga taong masasama. Ibig sabihin, kaya kong proteksyunan ang sarili ko. Buong buhay ko ba naman sarili ko lang ang inasahan ko.

Tama, isa akong babaeng ulila. Walang magulang na kinalakihan. Sa isang 'di ko kamag-anak na matanda ang nag-ampon sa akin nung sanggol palang ako. Pero agad rin naman itong namatay dahil sa katandaan.

Kaya dose anyos palang natuto na akong tumayo sa sarili kong paa.

At etong pagdedeliver nang Pizza tuwing hatinggabi ang kinalakihan kong trabaho. 'Di na rin ako nakapag aral pa pero marunong ako magbasa at magsulat.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng bahay.

"Delivery pizza po?" Muling sigaw ko.

Kumatok katok muna ako. Nang wala pa ring lumalabas napagpasiyahan ko na pumasok nalang sa loob.

"Eto na po ang inorder nyong pizza..."

Napatingin ako sa paligid, makalat ang loob na parang dinaanan ng bagyo sa sobrang gulo.

"Tao po? Pumasok na po ako kasi bumukas yung pinto,"

Biglang lumitaw ang isang matandang lalaki na naka wheel chair sa kung saan.

"Delivery pizz---" Napahinto ako ng tinitigan lang ako nito at tsaka umalis din agad. Tila wala itong pake kahit nakita ako?

"Manong!"

Sinundan ko kung saan ito dumaan. Hindi ko alam kung tama pa bang sundan ko si Manong sa loob ng bahay nila, pero kasi kailangan niya rin kasi permahan itong papel para patunay na nareceive niya ang pizza.

"Manong?" Tawag ko dito.

Kahit na nakikita ako nito tuloy tuloy pa rin itong lumalayo sa akin.

Halos 'di ko namalayan na kung saan saan na ako nagpapasok kakasunod sa matanda.

Napahinto ako ng mapagtantong hindi ko na alam ang daan palabas ng bahay na ito.

Para siyang maze sa dami ng daanan at pinto.

Nakatayo ako sa gitna ng napakaraming pinto na halos magkakaparehas din ang design. Kaya hindi ko alam kung saan ako nanggaling kanina...

"Welcome to Lose or Die..."

Napatingin ako sa maliit na speaker na nakakabit sa gilid ng pader.

"You're lucky to be part of this game!"

Ako ba ang kinakausap ng nasa speaker?

"We have two rules in this game... And you only have one to choose..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Self-DestructionStories to obsess over. Discover now