Chapter 1

4 1 0
                                        



"Gibo naman, bakit naman iniwan mo ang site kahapon? Alam mo namang pinatawag ako ni Boss diba? Tignan mo tuloy pumalpak ang isang pader!" galit na pahayag ni Nickolai sa assistant Engineer nyang si Gibo. Alas sais palang ng umaga ay nasa kalsada na sya sakay ng kangyang kotse at pinaharurot ito na animoy nasa isang Car racing. Naiinis sya dahil unang proyekto iyon na hinandle nya na nagkaroon ng palpak. Mabuti na lang at walang nasaktan sa nangyari. Bagong recruit pa lang kasi si Gibo kaya kulang pa sa guidance.

"Sir nick, pasensya na po talaga. Hindi ko naman po inakalang ganito ang mangyayari" sagot naman ni Gibo.

" bakit naman kasi ang bilis mong umalis sa site? Eh sabi ni Arturo 15 minutes lang ang tagal mo doon?" nakakunot noo pa rin nyang tugon sa kasama habang binagbagtas ang maluwang na kalsada.

"eh sir emergency eh"

"mamaya na tayo mag-usap pagdating ko dyan"

Lalo atang sumakit ang ulo ni Nickolai nang Makita ang gumuhong pader. Halos buong span ground floor ang nasira.

"Andaming nasayang na hollow blocks at cement, ngayon paano natin ipapaliwanag kay Sir Roger to" aniya " ano ba talaga ang nangyari Arturo?" tanong nya sa isang katiwala nyang karpintero.

"eh sir Nick, hindi po kasi maayos ang pagkakalagay ng bakal na pang suporta sa hollowblocks" pahayag naman nito.

Nilapitan ni Nickolai ang gumuhong pader at inapak apakan ang lupa "hindi rin compact ang pagkakatambak nyo nang lupa. Alam na ba ni Sir Roger to Gibo?"

"H-hindi pa po sir" ninerbyos na tugon ni Gibo.

" Inform him now, at saang lupalop ba ng mundo ka kumuha ng Construction worker? Bakit pati basic sa paglalagay ng Hollow Block walang alam? Paki determine kung sino-sino ang trumabaho sa pader, bigyan na ng last pay ngayong araw"

"opo sir" ani Arturo.

Wala namang naisagot si Gibo dito. Napabuntong hininga naman sya.

" Alam nyo bang ngayon pa lang ako nagkaproblema nang ganito kalaki sa mga projects na naihandle ko? Hindi ko akalain na hindi pala kita maasahan ng lubusan Gibo.

" Sir sorry po talaga, pangako hindi na po mauulit" pagsusumamo pa nito. Napabuntong hininga ulit sya.

"sya-sya, tulungan nyo na lang akong i-check ang ibang gawa at baka palpak nanaman."

Agad na nagsikilos ang mga construction worker at sumunod sa kanya. Hinubad nyang muna ang long sleeved polo, iniwang suot ang itim na sando na panloob saka pumulot ng sledge hammer pambuwag sa mga palpak na pagsemento ng hollow block. Tinulungan sya, maging ni Gibo at ibang construction worker sa pagbuwal ng ibang sementadong pader. Ngunit hindi nila namalayang sa ginawa nila ay nabubuwag din ang kalapit na pader nito. Dahilan para ang iba sa kanila at kabilang na sya ay matabunan nito.



Tahimik na pinagmamasdan ni Andrea mula sa malayo si Carlo, isang Cardiologist. May bago dito. Tumatawa na ito at mukhang hindi na pinagbagsakan ng langit at lupa ang aura. At ang nakakainis, may kasama pa itong babae. Syempre mas maganda sya.Pero Bakit ganon? Parang ang bilis nitong maka move on? Samantalang sya...

" hoy andy!"

Nabigla naman sya kay Desiree. Isang Ob- gyne. Bestfriend nya. daw.

" bakit ba naman bigla kang nanggugulat ha?" sita nya dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Complicated HeartsWhere stories live. Discover now