Chapter 3

20 1 0
                                    

"anong kailangan mo?" nagising ako kasi may naririnig akong bumubulong.

Nakita ko yung babae na tinulungan namin kagabi. Mas lumapit ako sa kanya pero nagtago ako.

"Bakit niyo ko aalisin sa grupo. Wala kayong karapatan.... No hindi ako aalis... What?! Ako pa ang mahina. Look whose talking. Go find yourself a new leader. Bitches... Papabagsakin ko kayo tandaan niyo yan."

Halatang may galit sa mata niya. Linapitan ko siya.

"gising ka na pala. Gusto mo ba kumain?" napatingin siya sakin at biglang nagbago ang muka niya. Nawala ang galit sa mata niya.

"hindi na po. Mukang nakakaistorbo na po ako sa inyo." nginitian ko na lang siya.

"salamat pala kagabi."

"your welcome."

"punta lang ako kusina. Maghahanda ako pagkain. Magantay ka na lang muna sa sala. Manuod ka kung gusto mo." di ko alam pero may kakaiba sa babae na to.

"ano nga pala pangalan mo?" tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

"julie." inabot ko sa kanya ang kamay ko na inabot niya din naman.

"nice meeting you. I'm Xyra Mae Montalyes."

Iniwan ko na siya at pumunta na sa kusina. Naghanap ako ng pwedeng makain. Tinignan ko yung ref pero para akong naestatwa sa pwesto ko.

Sh*t di ako marunong magluto.

Bumalik ako sa sala at pinuntahan si Julie. Napatingin din naman siya sakin.

"ahhh.. Marunong ka ba magluto? Hehe" tapos nginitian ko siya. Tumayo siya at pumunta na kami sa kusina.

Tinignan niya yung laman ng ref ko. Kumuha siya ng dalawang itlog at bacon.

Umupo na lang ako at pinanuod siya.

"san nakalagay yung mga kawali mo atsaka sandok?" tinuro ko yung cabinet sa ilalim.

Ilang minuto lang natapos na din siyang magluto.

"wow.. Mukang masarap!" kumuha na ko ng kanin at nagsandok.

Buti pa siya marunong magluto. Eh ako. Palpak.

Flashback

"Xyra magluto ka na ng pagkain natin." tinignan ko ang magaling kong bestfriend na si Carly.

"ikaw na. Tinatamad ako." tinignan niya lang ako ng masama. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"bahay mo to. Bisita kami. Dapat inaasikaso mo kami." napatingin ak kay Sam na palipat lipat ang tingin saming dalawa.

"bisita ka ba. Akala ko bwisita. Umagang umaga nambubulabog ka sa condo ko. Dinamay mo pa si Sam sa kalokohan mo."

"oo na. Geh na. Chupi. Magluto ka na." tumayo na lang ako at naghanap ng maluluto. May nakita kong itlog.

Alam ko madali lang to lutuin. Eto na lang kaya?

Kinuha ko yung itlog at linabas ko na yung frying pan.

Ano ba linalagay dito?

"huy bruha. Ano linalagay sa itlog?!"

"aba malay ko! Di naman ako nagluluto samin!" wala talagang kwentang kausap kahit kailan.

May nakita akong mantika. Alam ko ayun muna linalagay eh. Linagyan ko yung frying pan at binasag ko na yung itlog.

"hala! Nabasag yung gitna. Nasama ko pa pati egg shell!" sinubukan kong tanggalin yung egg shell pero ang hirap kaya pinabayaan ko na lang. Pwede naman yan maalis mamaya pag kinain.

The Queen is Back!Where stories live. Discover now