Week 1
Monday
I see your smile and this sad heart of mine begins to jump with happiness. But is your smile real or is it just for show? Your voice that makes me want to scream. It's beautiful. It calms my whole system and I like to hear it 24/7. Do you know how much I want you to be mine? Do you know how much I want to shout at the top of my lungs and say, 'This guy is mine'? You don't know, right? Don't worry you'll know soon. For now, you just have to read my love letters. And please don't worry about her. I know you're broken and there's nothing I can do about it because I can't even get near you but I have one question, does she love you better than I can? :) Hehe. Don't worry, smile. I'm just here. XX
Dalawang x. Galing kanino? Hindi ko rin alam.
Binaliktad ko ang papel na hawak ko para tignan kung may nakasulat ba kung kanino galing ang sulat ngunit nabigo ako nang makita ko lamang ang naka-sulat dito na 1.
Bumuntong hininga ako habang iniisip pa rin kung tama ba ang pinaghulugan na locker nitong taong ito? Sa tingin ko kasi mali eh.
Tinignan ko ang paligid ko at baka sakaling may makuha akong sagot. Kahit alam kong malabo ay nagbabaka-sakali pa rin.
Sa 'di kalayuan ay nakita ko si Fhei na nakatingin sa akin at may hawak na libro kaya nginitian ko siya at ganon din naman siya sa akin.
Si Fhei, kaibigan ko na'to simula first year, katabi ko sa upuan, kadaldalan, kakuntsaba sa mga quiz at activity. Matalino siya, kahit hindi magintindi at magtamad-tamaran ay mataas pa rin ang nakukuhang grado. Libro din kasi palagi ang hawak (hindi nga lang pang-academics kundi mga novel).
Inilinga ko pa ang aking paningin sa paligid at nakita ko naman si Jhesz na naglalakad papalapit sa akin. Kakapasok lang ata nito.
Kumpara kay Fhei na libro ang parating hawak, si Jhesz ay cellphone niya ang hawak niya palagi habang nakasalampak ang earphones sa tenga niya. At kumapara rin kay Fhei, si Jhesz ay tahimik at hindi mo makakausap ng matino. Palagi pating naka-itim ang isang ito.
"Hoy!" salubong niya sa akin habang pinalo ang katabing locker nung akin at tinanggal ang isang ear speaker sa tenga niya.
Doon ko lang napagtantuan na nakatulala na pala ako kaya inayos ko ang sarili ko.
"Kumusta?" bati pa niya sa akin habang binubuksan ang locker niya na nasa kanan ko kaya inayos ko na ulit ang akin.
"Ayos naman. Haha. Wala namang bago eh. Ganun pa rin." natatawa ngunit napapa-iling na sabi ko at tumungo.
"Tsk. Pabayaan mo na 'yun. 'Di siya nararapat para sayo." seryoso niyang sambit kaya tinignan ko siya pero hindi siya nakatingin sa akin at inaayos pa rin ang gamit niya kaya inayos ko na rin ang akin.
*RIIIING!!!*
Saktong pagkatapos kong mag-ayos ay tumunog na nang malakas at mahaba ang bell hudyat na kailangan na naming pumunta sa sari-sarili namin silid aralan.
"Tara na?" akit niya kaya tumango na ako at dumeretso sa classroom namin.
Habang naglalakad ay hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang pagtatanong. Pagatatanong kung kanino galing ang mga letter. Pagtatanong kung para sa akin ba talaga ang mga iyon.
Wala eh. Big deal sakin 'yon. Ngayon lang ako naka-tanggap nun.
"WOOOOY!" sigaw ni Aldrey, tropa ko, habang nakataas ang kamay kaya pumunta ako sa parte ng silid kung nasaan siya at umupo sa tabi niya at umupo naman si Jhesz sa tabi ko.
"Ano na, dre?" malaki ang ngiting tanong niya sa akin at napunta naman ang paningin niya kay Jhesz na nakikinig lang na naman sa earphones niya kaya lalong lumaki ang ngiti.
"Gago ka! Hindi 'yun ganon!" bigla ko na lang sigaw dahilan para lingunin kami ng mga kaklase namin na dati na rin naming naging kaklase.
Nagpeace sign ako sa kanila habang nakangiti ng malaki.
"Alam ko! Tinignan lang kayo eh. Bihira na sumama satin 'yan simula nung nagtapat sa'yo eh." may gusto kasi sakin si Jhesz at dati rin namin siyang kasama palagi pero simula nung aminin niya 'yung nararamdaman niya ay naging ilang siya sa amin ni Aldrey lalo na sa akin.
Kaya ganyan makatingin 'yang gagong 'yan. Akala niya lumevel up na kami ni Jhesz.
Magsasalita pa sana ako ngunit dumating na ang adviser namin para sa homeroom at bumati kaya bumati rin kami pabalik.
» » »
CANTEEN
Lunch time na namin at nasa mesa na kami kung saan kami talagang naglalagi makaraan ang tatlong taon namin sa hayskul.
Habang hinihintay namin ni Jhesz si Aldrey na nagprisinta na bumili ng aming makakain ay naalala ko ang sulat na nakita ko sa locker ko at kinuha iyon sa bulsa ko.
"MGA REPAAA!!!" dinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses kaya nilingon ko ito at hindi nga ako nagkakamali na si Jhasz ang makita, ito ang kakambal ni Jhesz. Kung anong ikinatahimik ni Jhesz ay siya naman ikina-ingay ni Jhasz. Napagkakamalan na nga 'tong bakla kung minsan sa sobrang kadaldalan at kaingayan. Sa taong ito ay hindi namin siya kaklase.
Bubuksan ko na sana ang papel upang mabasang muli nang tumabi siya sa akin.
"Ano'yan?" kunot ang noong tanong niya kaya tinago ko na lang muli ito sa bulsa ko.
"Ang utita mong bakla ka. WALA!" sigaw ko kaya naman ngumuso siya. Hindi ko na siya pinansin at napahalumbaba na lamang.
Habang nakatunganga ako at pinapanood si Jhasz na kulitin si Jhesz na walang pakialam ay nakita ko na si Aldrey na dala-dala 'yung tray na may lamang pagkain.
"Oh? Bakit nandito 'yan?" tanong niya sa akin pero nakatingin siya kay Jhasz dahilan para matigilan siya sa ginagawa niyang pangungulit sa kapatid at tignan si Aldrey na naupo sa tabi ni Jhesz.
"Pake mo ba? Hindi niyo na ako tropa, ganun ba 'yun?" naka-ngusong tanong niya kaya parehas kaming napa-singhal ni Aldrey.
"Bumili ka ng pagkain mo. Bilis, gutom na ako!" utos ni Aldrey kaya nagmadali namang tumayo si Jhasz at luminya. Hindi kasi kami nagsisimulang kumain hangga't wala pa ang isa sa mga kasama namin.
"Somebody said you got a new friend." dinig namin ang magandang tinig na nagmumula sa kinauupuan ni Jhesz. Ang ganda talaga ng boses niya.
Parehas naming pinagmasdan ni Aldrey si Jhesz habang nakanta at nakapikit.
"Does she love you better than I can?" natigilan ako sa narinig ko. Ang mga salitang 'yan ay siya ring mga salita na nakasulat sa papel at tanging 'yung linyang 'yun lang ang kabit-kabita at hindi ako pwedeng magkamali
Hindi kaya...
YOU ARE READING
lettre d'amour
Teen Fictiona love letter written only for you, my love. Status: SOON
