Chapter 14: Melon

632 17 0
                                    

Lea's Pov

"Pakidala nalang nyan sa room, susunod ako dun" utos ko kay Aga at inabot ang mga cards at gamit ko

"Uy Lei, ano yern? bat para yang tikbalang na nabunutan mo ng golden hair?" tanong ni Dawn sakin ng makalabas si Aga

"Well, special project nya yan"

"Seriously? si Aga Muhlach na kilalang badass dito sa campus, nag paalila sayo? Ganda mo teh!"

"Thanks" I said then smile

"Ay, iba sya hanggang kailan yan?"

"A month lang naman"

"1 month? tagal din ah! Feel ko may gusto yun sayo, ayiieee" panunukso ni Dawn habang sinusundot ako sa tagiliran

Eh? si Muhlach? psh, malabo pa sa sabaw ng pusit na magkagusto sakin yun. Sure naman akong hindi ako ang ideal girl nya. ouch.

I just gave Dawn a fake smile and go out of the Faculty room

Muhlach. mabait naman sya e, makulit nga lang, gwapo sya, kaso mahangin, cute din, manyak naman. For short-- bat ko ba sya iniisip? Unggoy naman yun eh, hindi sya mabait hindi sya gwapo o cute sya ay isang nilalang na makulit, mahangin at higit sa lahat MANYAK! tama! at Hindi mo sya gusto Lea, hindi. tandaan mo yan! hindi ka mafafall sa lalim ng dimples nya, MALIWANAG!?

"Oo, hindi, hindi talaga! bilang babaeng Pilipina ako si Martina Lea Carmen ay hindi magkakagusto sa isang unggoy na walang buntot na napadpad sa planetang Earth! Period. padlock na, tapon susi!"

Ha! di nya ako madadaan sa pa---

"Mam nalaglag nyo po" wika ng isang matanda, matapos nyang iabot saakin ang aking panyo

Hindi ko alam pero biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko, bigla akong pinawisan ng makita ko ang kanyang postura at mukha.

"T-thank you po" sabi ko at mabilis na naglakad paalis.

Isa syang kalbong matanda na naka-tuxedo, may gold ang kanyang ngipin, naka shades sya at may malaking peklat sa pisngi. Creepy.

Aga's Pov

"Tol, kasama ba yan sa plano natin? todo paalila ka ah" tanong saakin ni Rob ng mailapag ko sa desk ang mga gamit ni Lea.

I need to end this, sasabihin ko na sakanila na hindi ko na itutuloy ang bet.

"Here, you won" I said and handed him mya atm card and my car key. Wala e, narealize ko, mas mahal ko si Lea kaysa sa kotse ko.

"Oh? suko ka na? tsk" sabi ni Chard na kakadating lang

Umiling ako at sinabing "I can afford to lose those material things, but I can't afford to lose her.Yes, I didn't win the bet, but atleast I have the chance to win her"

"Tinamaan ka na nga pare" Rob said

Chard patted my shoulder and said "Alam namin bro, the way you look at her, the way you smile kapag andyan sya at blooming ka din pag napasok ka. But, tandaan mo support ka namin dyan alam kong magiging masaya ka kay Mam Lea, tsaka etong atm at key ng kotse mo, sayo na yan, Let's just forget about the bet, basta tulungan mo akong pumorma kay Mam Dawn" whoa! coming from Goma.

"Anong nakain mo Goma? haba ng sinabi mo ha? para namang magpapakasal na ako, tss."

"Bilib lang ako sayo bro, pero yung favor ko ha?" sabi nya at nakipag fist bomb

"Syempre! oh ikaw Rob? wala ka bang balak ligawan si Mam---"

"Kris?" putol sya sa sasabihin ko pffft!

"Si Mam Vice syempre, eh may boyfriend na si Mam Kris eh, ikaw kung willing ka maging third wheel edi ligawan mo HAHAHA" sabi ko at humagalpak sa tawa

"Ulol!" sabi nya at binato ako ng susi

-----
Little did they know that there's someone eavesdropping in their conversation.

~•~•~•

Ayern may mga ume-epaaal naaa! LeAga pakatatag please heehee char. Vomment po kayooo mga bebe loves:*

-TheQueen1971

Love Tutorial Where stories live. Discover now