" ANAK! Anong anak! Anong pinagsasaabi mo? Ang wierd mo, hindi ka naman nagbubuntis a!"

"Loka. Anong buntis pinagsasasabi mo dyan.ikaw ang wierd. Kung ano ano ang pinagsasaabi mo dyan."

"E sa hindi kita maintindihan e!"

" basta basta. Makikilala mo na lang sya. You will definitely like him."

She just shrugged. But it's quite obvious that she's confused.

***

“Oh my gosh! She’s so adorable!!!”

“Wag mo ngang gawing bading yan, lalake yan! “ Sabi ko habang tatawa tawa. Kumuha ako ng milk sa ref at inilagay ko sa isang tin can. Which reminds me that I need to go to the grocery to buy him some things that he will need. Sana lang meron silang gamit for pets dito sa FU. Hindi ko lang sin matandaan kung pwedeng mag-alaga ng pets dito. I have to ask Josh about that later.

“So, where did you get him?” Chloe said while stroking him.

“Sa balcony ko nung isang araw. Nakakapagtaka nga kung paano sya naligaw doon.”

“Baka naman may nag-mamay-ari nito. kawawa naman, baka sobrang nag-aalala na yung amo nito.”

Naku, hindi ko nga na-consider na may naghahanap kay muning. Baka maloka loka na nga ang nag-ma-may-ari nito.

“Sa tingin mo mayroong may-ari sa kanya? Pero mukha naman syang ligaw at nung nakita ko sya, para syang ilang araw ng hindi kumakain.”

“Hmmm….sa tingin ko mas mabuti kung mag-post na lang tayo sa mga billboards around campus. Kung walang nag-claim,, then… SA AMIN KA NA LANG!” she said hugging the cat, na parang iritado naman kasi naiistorbo sa pagkain.

“Binu-bully mo naman si muning e! kalmutin ka nyan. “

“Muning talaga pangalan.. ang pangit!”

“Wala pa akong maisip.. saka na lang. Pero tama ka, sige, hanapin muna natin yung mag-ari, kung walang nag-claim, atin na lang sya… Now let’s get out of here! I’m so sick of this place! “

“Excited much?”

“You have no idea.” Iniwan na namin si muning at masaya kaming lumabas ng cabin. Excited na rin akong makita ang iba.

Magpaka-totoo ka nga Alex! I scolded myself… excited makita ang iba o excited makita ang na-mimiss mo?

Pwede namang both diba.. hehehe… pero.. o sige na nga.. mas excited akong makita si Charles!

Paglabas namin ng pinto ay nahagip ng mata ko ang sasakyan ni daddy….

Hmmmmmmmmm……

“Oh no…I don’t like that look.” Sabi ni Chloe na iiling-iling.

“Bakit? Wala naman tayong gagawing masama a.”

Tinignan ako ng masama ni Chloe. “Naku, Alex, ano na naman yang nasa isip mo?”

“Dalhin na lang nito itong sasakyan ni Daddy para hindi na tyo mag-intay ng shuttle.” Tinignan ko ang relos ko. “Look, we’ve just missed it, maya maya pa darating yung kasunod. “

“And whose gonna drive? I can just call Dyllan to pick us up.”

“Sabi mo busy? Ayaw naman natin sigurong istorbohin nya diba.”

“Well….. Maybe he can understand that we need him right now.. sandal lang naman.” She said in a small voice. Parang nag-aalangan sa sinabi nya.

“Sa taray ng boyfriend mo! At least alam natin na hindi magagalit yon sa yo. E ako.. naku! Ewan ko na lang…”

“Hindi naman…”

"FIRST BASE" : FALCON UNIVERSITY Season 2  COMPLETED!Where stories live. Discover now