Chapter 20

80.5K 1.4K 194
                                    

Date uploaded :5-10-14

Chapter 20

Tanya

I rolled my eyes as another batch of crying fits engulf the room.

Binulungan ko si Andrew na halatang kaninang kanina pa naiinis at halos hindi na maipinta ang mukha. Mabuti nga at hanggang ngayon ay hindi pa sumasabog. At least maski papano ay namaster na nya ng konti ang "art of being patient".

"Walang mangyayari sa 'tin dito, puro ngawa ang ginagawa..." 

Nasa loob kami ng hotel suit namin ni Andrew, kasama namin ang mga facilitators ng game, ang mga kasamang coaches ng FU at ilang mga imbistigador. They all came here as per our request, para hindi naman masyadong intimidating sa bata ang ambiance, at para matanong ng mabuti. Napatunayan na hindi aksidente ang nangyari kay Alex. Kitang kita sa video ang pagsadyang paghulog kay Alex at hindi lang iyon, hinawakan pa ito sa paa bago tuluyang mahulog sa pyramid! Talk about sadistic, pwedeng ihilera ang ginawa nito sa anak ko. But looking at her now, hindi ka makapaniwalang kaya nyang gawin iyon. She looks like a lost puppy, wailing for her parents to come rescue her. Unfortunately, hindi pa nakakarating ang mga magulang nya.

Ang gusto lang naman naming malaman ay kung bakit nya nagawa ito. Kung may kasalanan din ba ang anak namin sa kanya? Kilala naming pilya si Alex, baka sakaling maunawaan namin ang dahilan kung bakit kinakailangan nyang saktan ang anak ko. But we cannot do anything about the expulsion, siguradong sipa sya sa Falcon. That's one heck of a major offense. We are just trying to figure out if we are going to press charges or not.. 


Pero sa isang oras na pagtatanong namin ay wala kaming nakuha kahit na isang impormasyos dahil hindi tumigil ito sa kakaiyak. 

"I'm getting out of here. I think I'm having a headache. Do you want a latte?" Tanong ko kay Andrew at mukhang kailangan nya talaga ang pampalamig ng ulo, kanina pa nakadikit ang dalawang kilay. Pumapangit tuloy ito.. halikan ko kaya?! Hehehe.... Well,,, now is not the time... Maybe later..

"Yeah, I need three." He said massaging his right temple. " Why is she crying out like that like she's some kind of a weeping whale or something?!"

I giggled. Loko talaga itong asawa kong ito, pintasero talaga!

"Ikaw naman, Hindi naman e. Para lang syang blob fish..." 

" That is just cruel." He gave me his traditional smirk. " Why don't you just call the cafe and order something for all of us. Para hindi ka na mahirapan magbitbit." 

"That is just an excuse for me to get out of here... masyadong tensionado ang paligid. At ikaw, stop glaring at the girl. Kapag tinititigan mo mas lalong lumalakas ang ngawa! Mukha kang cannibal na manlalamon ng buhay!" 

"I can't help it!" 

"Well, it's not helping." 

"Fine.. fine..." 

I kissed me quickly at the lips. 

"Annabelle, you want to grab a bite?" Kahit na mabigat ang loob ko sa babaeng yon, I should show some hospitality, she is a part of the family. 

"Wag na po tita. " Sabi nito. " Dito na lang po muna ako, I think Nikki needs somebody by her side. She's not that all bad naman po, base po sa pagkakakilala ko sa kanya." 

Hay salamat at hindi pumayag... I'm not at ease kapag kasama ko sya. She gives me the creeps. Mabait sya, pero feeling ko pakitang tao lang ito. It's as if there's cruelty behind those sweet smile. 

"FIRST BASE" : FALCON UNIVERSITY Season 2  COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon