Paano?

15 0 0
                                    

Paano ko nga ba ipaglalaban ang isang bagay na sa simula palang wala na akong laban

Paano ko nga ba ipagsisigawan ang salitang mahal kita kung pag mamay-ari kana
ng iba

Hanggang kailan, hanggang saan ako aasa?

Pinilit kung kalimutan ka at humanap ng iba pero sadyang mapaglaro ang tadhana, kung kailangn akala ko nabura na kita sa buong sa aking alala, dyan naman nagpaparamdam ang ating mga nakaraan na pilit kung binabaon sa lupa.

Ano nga ba ang laban ko? Ako na isang parte nalang ng nakaraan mo.

Sinuyod ang buong mundo ng mag isa upang mahanap ang aking sariling nawala simula ng minahal ka

Pero bakit hanggang ngayon, ilang taon na ang nkakalipas, ikaw at ikaw parin ang hinahanap hanap

Masyado nga ba akong umasa sa mga salitang binitawan mo na "ikaw lang at ako hanggang dulo" O masyado lang kitang mahal para paniwalaan lahat ng mga sinasabi mo.

Sadyang ganon nga siguro kung ikaw ay magmahal ng totoo, kahit alam mong walang kasiguraduhan kakapit at kakapit ka parin hanggang sa dulo.

Masakit pero tinanggap ko parin ang iyong paglisan pero di mawari sa aking aking isipan kung bakit mo pinagpalit ang isang matagal na pinagsamahan para lang sa bago na walang kasiguraduhan kung ito ba ay magtatagal.

Ngayon sabihin mo sa akin kung paano? Paano ko nga ba tatanggapin ang mga pagyayaring pilit na pumapatay sa aking damdamin

Paano nga ba ako gigising kung sa bawat pagmulat mg aking mga mata ay ang katotohanang wala kana ang siyang unang naalala

Paano ko ipaglalaban ang tayo, kung sa simula palang alam kung ako na ang unang matatalo.

Hanggang kailan? Hanggang kailan ako magkakaganito?

Hanggang kailan ako aasa na magagiging buo ulit tayo?

Hanggang saan ko dadamhin ang sakit ng iyong pagkawala?

Hanggang kailan ako aasang babalik ka? O baka siguro panahon na para maisip na HANGGANG DITO NALANG TALAGA TAYONG DALAWA.

Baka nga siguro panahon na para sarili naman ang unahin.
Baka nga siguro oras na din para tanggapin at palayain ang mga alaala mo

Pero paano? Paano ko nga ba sisimulan ang lahat ng ito?

Paano ko sisimulan ang lahat ng ito kung sa bawat hakbang na ginagawa ko ay pilit akong binabalik sa mga bisig mo at sa bawat taong nakikilala ko ang mga alaala mo ang bumabalot sa buong systema ko.

Ngayon sabihin mo. Paano? Paano nga ba bumangon? Paano nga ba maging masaya ulit? Paano? Paano nga ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paano nga ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon