Paunang Salita (Prologue)

10 0 0
                                    

It's just one day since I left our house. Paanong hindi ako lalayas saamin ay puro away dito, away doon sigawan dito, sigawan doon. Parang hindi napapagod ang mga bunganga nila sa kakasalita that's why I plan to left our house. Sawa na ako sa pag-intindi sakanila ayoko na suko nako. I can't handle them anymore.

Sa paglalakbay ko dito sa mundo ay nakarating ako sa Brgy. Masibag wala akong choice kundi pasukin ito. Wala naman sigurong masama hindi ba? Besides I need a place to live. Kukuha narin ako ng trabaho kapag nakakita ako ng lugar kung saan ako titira. I don't want to go back at that house.

Sa paglalakad ko ay may nakita akong isang kulay brown na gate. Kumatok naman ako dito maya maya ay kusa itong nagbukas. Tinignan ko ang loob nito para malaman kung sino ang nagbukas pero wala akong makita.

"Tao po?" Pagtatawag ko kung may tao man dito. Ang kinatitirikan ng bahay na to ay malapit na sa gubat. Wala masyadong dumadaan dito kaya naman bigla akong kinabahan na baka may multo rito. Napailing naman ako sa iniisip ko. Ano ka ba Grace there's no such a thing like a ghost. Mga kathang isip lang yon ng mga tao

Pumasok naman ako at sinarado ang gate ng maayos. Sa paglalakad ko nakakita ako ng isang bahay kulay puti siya at kulay itim ang kaniyang pinto. Napakalinis nito. Naiisip ko talaga na may nakatira dito. Bigla naman akong na curious kung anong nasa loob ng bahay na to. Is it full of antique things? Or some old paintings?

Napatalon naman ako ng bumagsak ang isang kahoy sa likod ko. Napahawak ako sa puso ko dahil sa gulat. Napabuntong hininga ako ng makita kung saan nagmula ang kahoy na iyon.

Habang naglalakad ako papalapit sa bahay ay lumalamig ang hangin. Ewan ko ba kung bakit ako biglang kinabahan. Bigla nalang nanginig ang mga paa ko na parang takot na takot. Baka sa lamig lang ito ng hangin. Kailangan ko na talagang makapasok sa loob ng bahay na ito para mainitan ako.

Wala bang taong gustong tumulong saakin dito? Ang linis ng bahay na parang may mga katulong sila hindi man lang ako naisipang tulungan ng may-ari ng bahay na ito. Grabe na ang lamig ng hangin na pati labi ko ay nakuha ng manginig. May pumipigil ba sakin na pumasok sa bahay na to?

Nakuu! Mother earth nature with water, fire and air papasukin mo na ako dito sa mansyon na ito. Kailangan ko talaga ng matitirhan. Sige na naman po mother earth nature ayoko pong bumalik sa dati kong bahay masasampal lang ako ng nanay ko.

Habang naglalakad ako ay medyo kumakalma na ang hangin thank you naman mother earth nature at napaka buti mo sakin. Hahawakan ko na sana ang pinto pero may biglang humawak sa kamay ko napatalon ako sa gulat at takot dahil isa itong matanda masama ang tingin saken. Grabe naman anong ginawa ko?

"Siguraduhin mong kaya mong harapin ang mga pagsubok sa desisyong pipiliin mo. Hindi ka pwedeng tumakas kaya mag desisyon ka ng mabuti" sabi niya saka naglakad na palayo saakin. Gusto ko pa sana siyang tanungin ngunit agad akong kinain ng takot ko nong ngumiti siya saken. Napalunok naman ako saka hinarap ang pinto.

Anong ibig sabihin non?

Napailing nalang ako saka binuksan ang pinto. Huli na ng marealize ko na may tumulak saakin. Pagkatapos non ay wala na akong makita.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N:

UNA Medyo may mga malalalim na tagalog ang story na ito. PANGALAWA Hindi ko po ito nakuha sa ibang Kdrama sadyang nabuo lang ito sa utak ko kaya isinulat ko kaya wag niyo po sana itong ihawig sa ibang Kdrama lalo na sa Scarlet Heart :)) . AT PANGATLO Kung ayaw niyo po ang story hindi ko po kayo pinipilit na basahin ito. Yun lang po Salamat.

DoorWhere stories live. Discover now