CHAPTER 2 - HONEY

Bắt đầu từ đầu
                                    

Buwisit na lalakeng iyon. Hindi pa ako tapos. Dahil mukang nag-aalala siya sa Aliya na iyon, siguro sa kanya ko na lang ibubunton ang galit ko.

Humanda ka Aliya. Ikaw ang makakaranas nang galit ko na dapat ay para sa kasintaha mo.

__________

MARKY FUENTES

"Pasensiya na sa inasal ng kapatid ko sayo at sa pagsigaw ko sayo. I know she's a spoiled brat pero kahit ganun kapatid ko parin siya. Hindi ko maaatim na makitang sinasaktan siya ng iba. Sana maintindihan mo."

"I understand. Thanks for stopping me. Hindi ko rin naman mapapatawad ang sarili ko kapag nasaktan ko siya. It's just that, Hindi ko lang nagustuhan ang tabas ng dila niya. Alam mong importanteng tao si Aliya sa akin. Kakalabanin ko ang sinumang manakit sa kanya."

Si Aliya ang nag-iisang kapatid ni Jake. Pareho sila nang ina subalit magkaiba ng ama. Si Jake ay isang fil-am. Namana niya sa kanya ama ang bughaw na mga mata. Nakuha niya rin ang surname ng ama. Kaya siya si Jake Smith. Madilim ang naging kabataan niya. Kahit kailan hindi siya nakaranas nang pagmamahal mula sa mga magulang. Bata pa lang natuto na siyang tumayo sa sariling paa. Dahil sa determinasyon at pangarap kaya niya naiangat ang sarili nang walang tulong mula sa mga magulang.

I remembered the time when he told me about his personal life. Kung papano niya pinagtangkaang tapusin ang sarili niyang buhay. Pagod na siyang mabuhay noon! Wala nang pag-asa ika nga. Ngunit dahil sa kapatid niyang si Aliya, napag-isip niyang walang magtatanggol sa kapatid niya oras na mawala siya sa mundong ito. So he decided, na mabubuhay siya para lang kay Aliya.

"Don't worry pagsasabihan ko si Honey pag-uwi ko. Sumusubra narin ang batang iyon. Hindi naman siya ganun dati. Mabait at masiyahin siyang babae. Siguro hindi niya lang nakayanan noon ang nasaksihan niyang pangyayari. Napanood niya kong paano pinaslang si mama. Na trauma at gabi-gabi siyang umiiyak. Hindi makakain at laging tulala. Magmula noon nagbago na ang kanyang ugali. But despise of that, mahal parin namin siya. She's our only princess. Hindi na namin makakayanan pa oras na mawala din siya sa amin. Tanging siya na lang ang ala-ala ni mama. Sana maintindihan mo."

"I understand bro. But sometimes dapat ding pagalitan ang tulad niya lalo na kapag sumobra."

"Yes, I know." Siguro nga oras narin para parusahan si Honey.

"Aalis na ako, baka hinihintay na ako ni Aliya."

Tumayo ako at inihatid siya sa labas. Pagkaalis niya kinuha ko ang cellphone at tinawagan si papa.

"Bat ka napatawag?" Tanong ni papa.

"Pa, nandiyan na ba si Honey?"

"Yes, galit na galit nga eh. Sigaw siya nang sigaw. Ano bang nangyari?" Nag-aalalang tanong ni papa.

"I'll explain it later pa. Uuwi narin ako."
Pagkababa niya nang tawag ay kinuha ko narin ang mga gamit at lumabas ng opisina.

Pagkalabas ng kompanya, isang babae ang nakayakap sa aking pinakamamahal na kotse. Hinahalik halikan pa ito na para bang ngayon niya lang natagpuan ang lalakeng nakatakda para sa kanya.

Lumapit ako, dahil sa nakatalikod siya kaya hindi pa niya ako napapansin. "Miss, can you step aside. Papasok ako sa kotse ko."

"Mamaya na, Hindi pa ako tapos eh."

"Miss nakakaabala ka na. Kaya kung maaari lang bitawan mo iyang kotse ko dahil papasok ako."

Padabog siya bumitaw sa kotse at mabilis na tumingin sa akin. "I-ikaw?" Sa gulat muntik ko nang mabitawan ang briefcase na hawak hawak ko. Bakit sa dinami rami ng pwede kong makita ay ang babaeng ito pa. Ang lakas nang tama niya sa utak.

"Hi, Marky."

"Diyan ka lang." Napaatras ako nang kaunti nang bigla siyang humakbang palapit sa akin.

"But why? Hindi mo ba ako na miss?" F*ck bat ba sa tuwing ako ang kausap ng babaeng ito ay laging mapang-akit na Bosess ang gamit. Sinabi na ngang hindi ako tinatablan.

Tsk! Hindi nga ba? Eh bat ka kinakabahan ngayon?

"Kasi ako Marky na miss kita ng sobra. Kaya nga tinitiis ko na lang ang kotse mo." Lumapit ulit siya sa akin and this time kahit gustuhin kong lumayo ayaw sumunod ng mga paa ko. Napapikit na lang ako ng bigla niyang haplusin ang aking pisngi.

"Wag ka nang magpigil pa Marky. I know gusto mo rin ako. Hindi mo kayang takasan ang lupit ng kagandahan ko. Gusto rin ako ni Honey na maging kasintahan mo. May basbas na galing sa pamilya mo. Kaya bat ka pa nag-iinarte diyan?"

Tinatagan ko ang loob at tumingin sa kanya. "Mikaela, you know I don't believe in love. Wala akong ganang pumasok sa isang relasyon lalo na kung ikaw rin lang naman. Your a player, mahilig kang manakit nang damdamin ng iba. Hindi tayo bagay. At isa pa sa ngayon tanging trabaho lang ang nasa isipan ko. Walang space para sa isang relasyon."

"You know, I can change para lang sayo. Bat ayaw mong maniwala?"

"Ayoko lang."

"Lagi mong sinasaktan ang damdamin ko Mr. Fuentes."  Ilang beses ko na ba siyang rineject. Hindi ko na mabilang.

"Mikaela, maraming ibang lalake diyan. Matanda na ako para sayo. Maghanap ka na lang ng iba."

"Seven years lang naman ang gap natin ah. Diba may kasabihan age doesn't matter."

"Pero wala akong balak pumatol sa mga bata. Kung mag-aasawa man ako balang araw. Ang pipiliin ko ay yung kaedad ko. Naiintindihan mo?"

"Fine!" Lumayo siya sa akin. "Ang Arte mo! Kung ayaw mo edi wag. Tsk! Si Travis na nga lang. Atleast siya mas masayang kasama kaysa sayo. Good luck ha! Sana magtagal kayo ng trabaho mo."

Hindi ko namalayan ang pag-alis niya. Hindi pa na pro-process sa utak ko lahat ng sinabi niya.

Take! Sino daw lang ipapalit niya sa akin?
Kinuha ko ang cellphone at tinext si Travis.

Hoy! Subukan mo lang na makipaglapit kay Mikaela lagot ka sa akin. Susunugin ko lahat ng babae mo. Akin lang siya! Naiintindihan mo?

Sent.

Pasakay na ako sa kotse ng mapagtanto ko ang ibinigay kong message. Takte! Bat ko iyon sinabi?

-------

Vote and commet

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Jun 24, 2017 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Seducing Mr. ColdNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ