CHAPTER 2 - HONEY

700 25 2
                                    

Mahalin mo na lahat. Wag lang yung taong alam mong kahit na kailan hindi ka lilingunin..

---------

"Hoy! Marky!" Sa galit at inis, walang pakundangan akong pumasok sa opisina ng kuya kong masungit.

Dito ako dumeretso pagkatapos nang klase kanina. Gusto ko siyang singilin sa ginawa ng kaibigan niya.

"Honey! What do you think your doing? I have a guest right now!" Nararamdaman ko ang galit sa boses ni Kuya. But, I don't care. Kung galit siya, mas lalo na sa akin.

Tinapunan ko nang tingin ang bisita niya na prenteng nakaupo. What the f*ck? At siya pa talaga.

Lumapit ako sa kanya. Nagtitigan kaming dalawa na akala moy wala siyang kasalanan sa akin. "You!" Sabay duro ko sa kanya. "At ang lakas nang loob mong ipakita sa akin ang pagmumukha mong iyan."

"Shut up Honey! Respetuhin mo ang kaibigan ko."

This time si Kuya naman ang tinignan ko. "And why would I? Pinahiya ako ng matandang lalakeng iyan sa loob ng classroom kaninang umaga. Ano na lang ang mangyayari sa image ko? My gosh! I'm a goddess."

Napabuntong hininga si kuya. "Honey, please umuwi ka muna. Pag-uusapan natin ito mamaya sa bahay."

Ako uuwi? Over my dead body. "NO WAY! Ilalagay ko ang lalakeng iyan sa tama niyang kalalagyan. Ipinahiya niya ako kaya ipapahiya ko din siya."

"HON-"

"I'ts okay Marky." Sa wakas nagsalita din ang hukluban. Tumayo siya at inayos ang mga gamit na nakakalat sa lamesa. "I need to go. Mukang may pag-uusapan pa kayong importante ng kapatid mo."

Hinawakan ko ang braso niya dahilan para mapahinto siya sa paglakad. Una niyang tinapunan nang tingin ang kamay kong nakahawak sa kanya bago tumingin sa mga mata ko. "Hindi pa tayo tapos. Hanggat hindi ka nagso-sorry sa akin, you can't go."

"I'm not going to say that word. Wala sa vocabulary ko ang salitang iyan. Tsaka isa pa, wala akong kasalanan. Itinatama ko lang ang pagkakamali mo. Ang pagtulog sa isang klase, nangangahulugang wala kang respeto sa guro at subject na kinuha mo."

"Abat, matalino nga sabi ako. Hindi kagaya nung girlfriend mong bisugo, panget na nga tanga pa."

Napakunot noo siya. "Girlfriend, who?"

"Ah so ngayon nagmamaang maangan ka pa. You know, the step daughter of Gov. Manuel. Anak ng isang kabit. Si Aliya the bitch, remember?"

"HONEY!  TAMA NA SABI"

Hindi ko pinansin ang pagsigaw ni kuya. "Ano, naaalala muna? Ang gf mong may nanay na gold digger at ka-" I stop nang makita kong unti unting lumalapit ang isa niyang kamay sa mukha ko. Wala sa sariling napapikit ako.

"Jake! Don't you dare!" Pagbabanta ni Kuya.

Bumilang ako hanggang limang Segundo. Nang wala pa akong nararamdamang sakit ay napamulat ako. Punong puno nang galit na mga Mata ang bumungad sa akin.

"Aliya is not a bitch. Hamakin muna ang nanay niya wag lang siya. She's a good person hindi katulad mo. Kung makapaglait ka akala mo sobrang perpekto mo. Hoy bata! Hindi lahat nang gusto mo naaayon sa gusto mong mangyari."

Hindi na ako magtataka kong bakit siya ganyan sa aliya nayun. Tsaka isa pa pareho silang dalawa nang ugali. Yung babaeng iyon! Mabait? Ha kailan pa?

"Mabait? Sigurado ka diyan? Mukang matagal na kayong magkakilala ngunit hindi mo parin alam ang totoo niyang ugali. Tsk! Bagay nga kayo. Isang babaeng tanga! At isang matandang lalakeng madaling utuin. O siya wag ka nang mag sorry. Baka mamatay ka pa kapag pinilit mo." Sinulyapan ko si Kuya. "Mag-uusap tayo mamaya sa bahay kuya." Matapos kong sabihin iyon ay naglakad na ako palabas sa opisina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Seducing Mr. ColdWhere stories live. Discover now