Chapter 04: Sudden Change

Start from the beginning
                                    

                "H-hindi... Hindi ito totoo... Ang b-baby namin..." nakatulala kong turan. Naglaglagan na ang luha sa magkabila kong mata.

                Maging si Mommy Ariella ay panay ang iyak habang yakap-yakap ito ng daddy ni Riya.

-----

                MAKALIPAS lang ang halos isang linggo ay nakalabas na ng hospital si Riya. Sa bahay na rin namin siya umuwi kahit na ang gusto ng mommy niya ay doon muna ito sa bahay ng mga magulang nito. Mas pinili ni Riya na sa bahay namin sa Tagaytay magpagaling.

                Isang gabi ay nagising ako na wala sa tabi ko sa kama si Riya. Marahil ay bumaba siya sa kusina upang uminom ng tubig. Pero halos isang oras na ang lumipas ay wala pa rin siya kaya tumayo na ako. Pumunta ako sa kusina pero wala siya doon. Pabalik na ako sa kwarto namin nang mapansin ko na bukas ang ilaw sa katapat na kwarto ng kwarto namin.

                Ang silid na iyon ay ang nursery room sana ng magiging anak namin ni Riya...

                Pumasok ako sa silid na iyon at doon ay nakita ko siya na nakahiga sa sahig habang yakap ang mga unan ng baby namin. Nang lapitan ko siya ay napagtanto ko na tulog pala si Riya. Sobra-sobra ang awa na naramdaman ko para sa kanya. Alam ko...mahirap para sa kanya na mawala ang first baby namin.

                Marahan ko siyang tinapik sa braso. "Riya...gising na. Lumipat ka na sa kwrto natin..."

                Agad naman siyang nagising ngunit hindi niya ako tiningnan. "Dito lang ako... Ayokong umalis dito sa kwarto ng baby ko..." narinig ko ang pag singhot niya.

                "Malalamigan ang likod mo..."

                "Wala kang pakialam!" malamig na sabi niya.

                "Riya, paano mo nasasabi na wala akong pakialam sa'yo?!" medyo tumaas ang boses ko.

                "Pinabayaan mo ang baby natin!" bumalikwas siya sa pagkakahiga at luhaan na humarap sa akin.

                Tumiim ang bagang ko. "Alam mong hindi totoo iyan! Sinikap ko na iligtas kayo pero siguro nga ay hindi para sa atin ang baby na iyan. Lets move on now, Riya!"

                "Move on?! Ganoon na lang ba kadali sa iyo na mag move on? Napakainsensitive mo, Enrico!" bulyaw niya sa akin. "Baby ang nawala sa akin! Hindi tuta! Hindi isang kuting!"

                "Baby natin, Riya!" pinagdiinan ko talaga ang salitang "natin". "Natin! Akala mo ba madali lang ito para sa akin? Hindi, Riya...dahil anak ko din ang nawala!"

                Itinuro niya ang nakabukas na pinto. "Lumabas ka na..."

Breaking Up With My WifeWhere stories live. Discover now