PART 6

55 9 4
                                    


Napangiti ako habang tinitignan ang babaeng nakaupo sa wheelchair na kumakaway sa akin habang itinutulak siya ng kanyang mommy papalapit sa kinaruruunan ko.

Tulad ko ay bihis na bihis din siya. Kung di lang sa wheelchair ay masasabi nyong isang napaka romantic na date nga ang mangyayari sa araw na ito.

Pero kahit pa ganun ay gagawin ko ang lahat upang maging romantic nga ito.

"Ang ganda mo."

Bungad ko sa kanya ng makalapit na sila ng mommy at daddy niya sa akin.
"Sus. Pinakikilig mo ako eh. Haha. Anyway thanks."

"So ready ka na?"

Huminga muna siya ng malalim.

"Yep! Ready na!"

Pag katapos nun ay pinilit niyang tumayo kaya hinawakan ko siya.

"Hep! Rule ko ang masusunod ngayon. At rule number one. Treat me as a normal girlfriend. Kalimutan muna natin ang tungkol sa sakit ko.Kaya ko naman eh. "Sabi niya habang pinapakitang kaya nga nyang tumayo na walang sino mang naka suporta.

Tinignan ko ang mga magulang niya. Tumango lang sila.

"Okay pero sasabihin mo sa akin kung nahihirapan ka na ah?"

"Yes sire!"

Pagkatapos nun ay nagpa alam na kami sa mga magulang niya.

Isa-isa niya tong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa cheeks.

"I love you mommy, I love you Daddy. Thanks for being my parents."

Hindi ko na sila tinignan. Baka di ko pa mapigilan ang sarili ko.

"We love you too anak. Thanks God that He gave you to us as our daughter."

Pagkatapos noon ay umalis na kami.

Sa buong byahe ay tahimik lang kami. Nagmamaneho ako with one hand habang ang kabilang kamay ko naman ay hawak ang kamay niya.

Wala akong paki alam! Ngayon lang ako lalabag sa batas ng tamang pag drive.

Ng makarating na kami sa park ay inalalayan ko syang bumaba ngunit nakatikim lang ako ng kurot sa gilid mula sa kanya.

"Remember? Rule number one" bossy niyang sabi.

Kaya ano pang magagawa ko? Under eh.

Kaya ang ginawa ko nalang ay hinanda ang cam na dala ko at pinagkukunan siya ng litrato habang namamasyal kami sa park.

Wala akong pinalampas na galaw niya. Bawat galaw niya ay kinukuhaan ko ng litrato. Baka ito na rin ang huling beses na makikita ko siyang ganito ka lakas, ganito ka saya.

Iniling ko ang ulo ko.

Maari namang hindi pa ito ang huli di ba?

Nang mapunta kami sa may sorbetes-san eh dinumog kami ng mga batang parati niyang nililibre.

Pero sa halip na hingan siya ng barya ay lumapit sila upang bigyan siya ng yakap.

Itinuon ko ang cam sa kanila.

Click!

Ang ganda talaga niya.
Hindi lang sa pisikal na anyo. Maganda rin ang kalooban niya.

Nakipag laro kami sa mga bata.

Parang biglang sumigla ata si Grace ngayon. Minu-minuto ko nga syang tinitignan pero parang walang bakas na pagod akong makita sa mukha niya.

Tss. Ang galing niya talagang magtago.

Nag vibrate ang cellphone ko.

Nag text si ate. Okay na daw ang pinagawa ko.

Kaya lumapit na akong muli sa kanya.

"Mga bata. Sosolohin ko na muna ang ate nyo ah."

Biglang lumungkot ang mga mukha ng mga bata.
Alam kong tulad ko eh natatakot din silang pakawalan ngayon si Grace. Dahil natatakot silang ito na ang magiging huli.

"Uy uy uy! Bakit kayo nakasimangot. Hali nga kayo."

Sabi niya habang gi-no group hug ang mga bata.

Click .

-0-

CLICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon