Chapter 1

1.7K 36 32
                                    


"We'll just call you if you passed the audition," rinig kong sabi ng isang lalaki galing sa pintuan ng kwarto kung saan pumapasok ang mga iba't- ibang babae para makuha ang role na ito, nakangiting lumabas ang babae. Tahimik akong nakaupo at naghihintay na matawag ang aking pangalan ngunit halos isang oras na akong naghihintay dito at hindi pa natatawag ang pangalan ko. Ilang oras pa ba akong maghihintay?

Ramdam ko ang tingin ng ibang mga babae na kasama ko sa pag-audition, ang iba ay nagtataka kung bakit nandito ako, habang ang iba naman ay may galit dahil sa tingin nila ay sa oras na pumasok ako sa kwartong iyon ay mawawala na ang tiyansa nilang manalo.

Wala ni isang naglakas loob na lumapit sa akin o kausapin ako. Is it because they are intimidated by me?

"Here, drink it." Inabot sa akin ni Angie ang isang bote ng tubig. Umalis siya sandali para makabili ng tubig dahil sobrang init dito at nag sisiksikan pa kami. Although medyo maluwang ang waiting room ay ramdam ko parin ang init dahil sa dami namin, naghahalo narin ang amoy ng pawis at pabango kaya medyo nahihilo na ako sa amoy.

"You should read the script again and practice. Wag kang maging kampante Xienna," wika ni Angie. Bago uminom.

Tumango naman ako "I'm pretty sure that I'll get this role," I said with determination. My pride is at stake here, mapapahiya lang ako kung hindi ako ang nakuha.

It would be humiliating kung ang napili ay isa lang amateur instead of me. "Like I said, Xienna; wag kang kampante"

"Bakit pa ba tayo nakikipila? Hindi mo ba pwedeng pakiusapan ang isa sa judge? Isn't he your friend?" I don't get it.Why do we still have to wait kung pwede naman kaming sumingit, I know that it's unfair but that's life.

I frowned. "I tried to talk to him pero hindi daw talaga pwede." Tinutok ko na lang ang atensiyon ko sa script.

I looked down at the script at nag simulang mag practice ngunit natigil ako nang may lumapit sa aming babae, she's holding a copy of the script too.

Pati si Angie ay nagtaka sa biglaang paglapit ng babae.

I smiled at her at hinintay ang kanyang sasabihin. "Don't you think that its quite unfair kung sasali ka pa rito?" My smile immediately vanished but I tried to compose myself at muling ngumiti.

Am I going to deal with another hater? For christ's sake! I'm tired of this drama.

"I don't think so, as far as I know ay open ang audition na ito para sa lahat and I'm a professional actress so it's my job to act, so you can't stop me from doing it," nakangiti kong tugon.

Naagaw namin ang atensiyon ng ibang nag a-audition, napahinto silang lahat sa kanilang ginagawa upang panoorin kaming dalawa.

Mukhang nainsulto siya at tinaasan ako ng kilay "You're not even good at acting. Whore!" She spat at me. Tuluyan nang nawala ang aking ngiti.

Now it's my time para magtaas ng kilay. Alam ni Angie na naasar na ako sa babaeng ito but I can't fight with her dahil baka masira ang image ko.

"Miss, please go back to your seat. We can file a case against you kung patuloy mo itong gagawin." Hinawakan ni Angie ang babae sa braso pero marahas lang itong tinanggal ng babae at masamang tumingin sa akin bago umalis. Bago pa siya makalayo ay may narinig kaming sigaw, naagaw 'non ang atensiyon naming lahat.

"What is happening?" Wika ng isang baritonong boses, nagawi ang atensiyon ko sa mga lalaking naglalakad patungo sa amin, sa pagkakaalam ko ay sila ang mga judge.

"Its nothing. We already solved it," sagot ni Angie. Natigil ako ng magkasalubong ang tingin naming dalawa, ang dahilan kung bakit ako naririto.

Lahat ng aming atensiyon ay nasa kanya. He's more handsome in real life, damn!

Bound and Determined (COMPLETED) Where stories live. Discover now