Ang Pangalan ng babae ay Madel

123 22 16
                                    


Sa totoo lang, hindi naman talaga boring ang summer vacation ni Claire. Sa katunayan nga, marami siyang napuntahang lugar, nakita pa niya kung gaano kaganda ang paglubog ng araw, at isang halik na kahit ilang summer man ang dumaan, ito pa rin ang hahanap-hanapin niya.

"So, ilang boylet ba ang na harvat mo sa Taklob?" tanong ng pinsan niyang si Lea (Tigang sa tunay na pag-ibig, at kapag nagsasalita, parang nasa simbahan dahil sa benditadong laway na nanggagaling sa bibig nito. Maganda sana, matalino, pero dahil sa Pag-ibig, bobo siya. Lahat na yata ng bagay na alam niyang magdudulot ng saya sa boyfriend niyang hilaw ay nagawa niya na - Taga-gawa ng project, assignments, reports, at kulang na lang ay siya ang sumupot sa mga klase nito. Ilang ulit na siyang sinabihan nina Claire na tama na, ibenta na, at itigil niya na ang lahat sa kanila. Pero dahil sa gusto ng lola niyo ang masaktan, ayon siya sa basketball court, taga-punas ng pawis ng minamahal niya.)

"Taklob?" tanong ni Kyle kay Lea na parang may mali itong nasabi. "Hindi Taklob, kundi Taknod!" Pagtatama niya na may kasamang 360 degrees na pag-ikot ng kanyang mata . Si Kyle naman ang kaibigan nilang pinaglihi sa pamintang durog. Halata na ng lahat at tanging confirmation na lang galing sa kanya ang hinihintay ng lahat. Siya ang nag-iisang lalake sa pamilyang De Guzman, gwapo, matangkad, at lahat ng mga katangiang makikita sa isang lalake ay nasa kanya na, at kapag nakatalikod na ang mundo at ang Tatay niya, lumalabas na siya sa pagkakakulong sa closet, at lalabas siya bilang si Britney Spears. Minsan sabi niya, siya si Regine, minsan naman si Beyonce, at kapag nakakaramdam siya ng tawag ng laman, awtomatik, siya na si Maria Ozawa.

Biglang natawa si Claire dahil sa sagutan ng dalawa. Kahit may mga dipirensya ito, nagpapasalamat pa rin siya dahil naging kaibigan niya sila. Kahit hindi niya na kaya ang mga ugali nila, tanggap pa rin niya ang dalawa. Tanggap niya ang mga baho ng mga pagkatao nito, at alam niya sa kanyang sarili na kapag nalaman din ng dalawa ang tunay niyang tinatago, at kung ano ang kwento sa likod ng summer vacation niya sa Tandok, alam na alam niyang matatanggap rin siya ng dalawa.

"Tumigil na nga kayo!" saway ni Claire habang natatawa. "Tandok 'yon, hindi Taklob o Taknod," dagdag niya.

"E, ikaw naman kasi, girl. Magkwento ka na kasi, masasayang lang 'yang nilibre ko sa'yo kung hindi ka man lang pala magki-kwento," sabi ni Kyle saka tinuro ang spaghetting hindi pa nagagalaw ni Claire.

Huminga ng malalim si Claire. "Wala naman kasi talagang nangyare do'n. Langoy at lakad lang ang ginagawa ko kapag sawa na 'ko sa kakakulong sa kwarto. Ni wala nga akong nakilalang kaibigan, o ka fling, e. So ligtas na ba ako?"

Bahagyang napaisip si Lea sa sinabi ng pinsan niya, samantalang si Kyle naman ay halos hindi makapaniwala dahil iba ang pagkakakilala niya kay Claire. Alam niyang may something fishy na nangyare sa lugar na 'yon na itinatago nito sa kanila, at naisip niya, 'yon ang kailangan nilang malaman bago pa sila mabaliw dahil sa malaking pinagbago ni Claire.

Napatingin si Lea kay Kyle na parang may masama itong binabalak. "Sabihin na nating hindi pa,"

Muling huminga nang malalim si Claire, hindi alam ang gagawin, at halatang naguguluhan dahil sa mga sinasabi ng dalawa. Napatingin siya kina Lea at Kyle, at alam niyang napapansin na ng dalawa na may tinatago siya. Pero agad niya naman itong iniwas ang kanyang mata at ibinaling ang pagtitig sa labas ng restawran.

At dahil sa tinginang iyon, biglang bumalik sa nakaraang dalawang buwan si Claire, kung saan kadarating niya lang sa probinsya, masaya ngunit plastic, inosente, at ignorante sa mga mangyayare. Kung tutuusin, masakit para sa kanya ang lahat kapag naaalala ang mga pangyayareng dapat niya nang kalimutan. Pero dahil makulit pa sa mas makulit ang dalawa niyang kaibigan, naalala niya ang lahat-lahat habang nakatingin siya sa salamin. Tinitignan ang dahan-dahang pagdami ng tao sa labas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Pangalan ng babae ay Madel (#SOSC One shot of the month)Where stories live. Discover now