Chapter 1

29 2 2
                                    

"Miss, mahal kita."

Miss, mahal kita? Napalingon ako sa grupo ng kalalakihan na nagtatawanan na ngayon habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako ng sobrang tamis kaya nagngitian rin sila sa akin.

"Sino nagsabi non?" Ngiting-ngiti pa rin na tanong ko.

Nagtinginan silang lahat sa lalaking nasa gitna. 'Yung morenong maliit ang mata na malawak ang ngiti. Buong pagmamalaki siyang tumayo.

"Ako, bakit? Mahal mo na rin ako?"

Dahil sa sinabi niya, mas nagtawanan ang barkada niya. Nakipag-apir pa ang mga 'to sa kanya.

Pinagsalikop ko ang buhok ko at nilagay sa isang balikat habang nakangiting lumalapit sa kanya. Nakipagsukatan siya ng tingin sakin nang isang pulgada na lang ang layo ko sa kanya. Ngingisi-ngisi pa siya. I gave him an equal smile.

Siraulo.

"Ang gwapo-gwapo mo..." Tumawa pa ako at umiling dahil mas tumaas ang noo niya dahil sa sinabi ko. "Kaso may gatas ka pa sa bibig, baby boy. Saka ka na magsabi ng ganyan kapag hindi ka na sumususo sa nanay mo, ha?"

"Burn!" kumento nung isa.

"Baby boy pala, e!"

"Iba na 'to dude!"

Panay tawanan sila samantalang nangasim naman 'yung mukha ni baby boy. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa.

Si Anton Cervantes ay kilala sa school na 'to dahil sa senador niyang ina. Bukod pa doon, sikat rin siya dahil sa kagwapuhan niya. Sa sobrang laki na nga ng ulo, ang dali na para sa kanya na magsabi ng "mahal kita" sa kung sino-sino, kung kailan niya gusto mantrip. Alam ng lahat 'yan, na halos pagmamay-ari na niya ang katagang "mahal kita" sa sobrang dalas niyang gamitin. "Mahal" na nga ang tawag ng karamihan sa kanya, kahit ng mga teacher.

"Ang cool mo naman pala, baby girl..." bulong niya habang titig na titig sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko kaya tinampal ko ang kamay niya.

"Anton!"

Napalingon kaming lahat sa tumawag kay Anton Cervantes, si Madrian Cervantes.

"Ano, Kuya?" iritang tanong ni Anton sa kanya.

Seryosong-seryoso ang mukha ni Madrian Cervantes habang nakatingin sa akin bago tuluyang inilipat sa kapatid ang buong atensyon.

"Dinner tonight at the Silva's," madiin na sabi niya habang hawak ang isang strap ng backpack niya.

Magkamukhang-magkamukha sila at parehong matangkad pero mestizo lang si Madrian. Isa pa, palaging mas mahaba ang bagsak na buhok nito na halos natatakpan na palagi ang mata. Ang kay Anton naman ay palaging magulo at nakapataas.

"Yeah, I know." Sagot ni Anton at bumaling na muli sa akin. Tumaas ang dalawang kilay niya sa akin nang magkatinginan kami.

"And stop bothering Kyla," umalis kaagad si Madrian pagkatapos sabihin 'yon. Nagkatinginan ang mga kaibigan ni Anton sa isa't isa, napalingon naman si Anton sa kapatid niya tapos sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako. Aalis na sana ako pero hinawakan ni Anton ang braso ko.

"Kyla pala ang pangalan mo, baby girl?" Nag evil smile siya. "How did you know my kuya?"

Tinaasan ko ng kilay ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at dahan-dahan, pero may diin, na inalis ko 'yon.

"Magkaklase kami at oo, mas matanda ako sayo, baby boy. Maiwan na kita at marami pa akong gagawin."

Inirapan ko siya at tumalikod na. Hindi ko na pinansin kahit naririnig ko pa siyang sinisigaw ang "baby girl". Pabida talaga 'yon.

Umakyat ako sa classroom at nakitang nakapatay ang ilaw. Bubuksan ko na sana ang switch nang biglang may nagdiin sa akin sa pader kaya halos mapasigaw ako sa gulat.

Ayoko Na SanaWhere stories live. Discover now