1.. Campus Princesses

1.5K 67 18
                                    

1.. Campus Princesses

~~~

“DJ, ang tagal mo naman dre!” naiinip na tumawag ulit si Quen sa kaibigan. Ang usapan kasi pupunta si Daniel sa school para sabay silang mag-enrol. Late enrollees sila parehas dahil natagalan pa ang pagdedesisyon ni Quen kung magsstay ba sya sa Pilipinas o hinde.

“Malapit na. traffic kasi eh.” Sagot naman ni DJ.

“Osige tumawag ka na lang pag nasa gate ka na.” paalala ni Quen at tinapos na ang tawag.

Tumingin sya sa paligid at pinagmasdan ang mga studyante. Di naman halata na nakatingin sya dahil nakashades pa sya. Isang linggo nang nagsimula ang klase pero sila ni Daniel ngayon pa lang mag-eenrol. Hind nya maiwasang isipin kung ano ang dapat nyang iexpect sa bagong environment. Katulad din kaya ng mga tao sa US ang ugali ng mga studyante dito?

“Excuse me..” bumalik sa sarili si Quen nang may humatak ng manggas nya. Paglingon nya, isang student ang nakangiti sa kanya. Mahaba ang itim at tuwid na buhok nito at pinay na pinay ang features ng mukha at balat nya.

“Yes?” ibinababa ni Quen ang shades hanggang ilong nya para Makita na maayos ang babae.

“May pen ka ba? I forgot mine kasi.” Sagot ng babae. Sa tindig pa lang mukha na itong model at sa pagsasalita, may dating.

“Ahh..wait.” kinuha ni Quen ang ballpen nya mula sa mailman’s bag na nakasabit sa balikat nya.

PInagmamasdan ng babae si Quen mula ulo hanggang paa. Napapangiti pa ito at tatango tango habang tinitignan si Quen. Gwapo, malaks ang appeal at mukhang exciting ang personality.

“Here.” Nag-iwas ng tingin ang babae pagbalik ni Quen para harapin sya. Inabot nya ang ballpen nito at itinaas ang hawak na papael. Idinantay nya ito sa pader kung saan nakasandal si Quen habang naghihintay kay DJ.

Pasulyap sulyap si Quen habang nagsusulat ang babae. Sa tingin nya may kakaibang aura sa kanya at hindi nya maiwasang humanga sa maamong mukha nito.

“Done. Thanks.” Isinoli ng babae ang ballpen matapos magsulat ito nang parang registration form. Mukhang bagong lipat lang din ito sa school.

“Welcome. I’m Quen by the way…and you are…?” hindi na pinaglagpas ni QUen ang pagkakataon na kilalanin ang magandang babae sa harap nya.

~~~

Nagmamadaling papasok na sana si DJ sa gate ng school pero ayaw syang pagbuksan ng guard.

“No ID no entry.” Tinuro pa ng guard ang nakapaskil na note sa gate. Nilalagpasan na si DJ ng mga students na nasa likod nya na proud pang pinapakita ang mga ID nila sabay tawa sa kanya.

“Magttransfer pa lang po ako wala pa kong ID.” Katwiran ni DJ.

“Registration form na lang sir.” Magalang namang sagot ng guard.

Napakamot ng ulo si DJ nang maalalang nasa bag ni Quen ang registration form nya.

“Sir pasensya na pinauna ko ho kasi kyung kasama ko, nasa kanya yung form.” Sagot naman ni DJ.

“Pasensya na sir hindi ko ho kayo pwedeng papasukin kung ganon. Gusto nyo tawagan nyo na lang.” sagot ulit ng guard at pinatabi si DJ para makapasok ang iba pang naghihintay sa likod.

Sinubukan ni DJ na tumawag ulit pero naka-off ang phone ni QUen.

‘Anak ng pating naman oo! Pag minamalas ka nga talaga!’ nasabi nya sa sarili sa inis nya.

The Spy Who Loves MeWhere stories live. Discover now