CHAPTER 3: SHE SAID YES

Start from the beginning
                                        

            You Jerk!

            Hindi na niya alam ang gagawin. Gusto niyang maiyak. Nawawalan na siya ng pag-asa ng mga oras na iyon. Nag-iisa siya sa presinto at pinuputakti siya ng tingin.

            She cannot stop them from doing so. May halo siya ng dugong banyaga. Her hair was long, brown and wavy. Maputi siya at matangkad. Iyon nga lang, mas napansin marahil nang mga ito ang suot niya. A pair of board shorts and a shirt. Sa loob niyon ay naka-two piece na siya. Her hair is tied up to a pony while cap was on top of it.

            Kinalma niya ang kalooban. Hindi niya pa nga pala naitatanong kung ano ang naging kaso niya at bakit siya naroroon. Natawa siya sa loob loob niya. How stupid can she get? Sumama siya nang hindi niya alam ang dahilan.

            “Boss, ano ho ba ang kaso ko?”

            “Damage to property.”

            “Ho?!”

            “Iyong nabasag mong side mirror ng kotse sa Q.I. Tower. Hindi ba’t ikaw ang nakasira? Sige miss, I-deny mo ‘yan.”

            Nakagat niya ang ibabang labi. Oo nga pala. Nakabasag siya ng side mirror ng isang pagkamahal-mahal na kotse. And to tell the truth, she has forgotten about it. Alam niya kasing sasaluhin siya ni Julian doon. Hindi pala. Pinagkatiwalaan pa naman niya ang kapatid na paplantsahin ang gusot niya.

            Really! Mahal na mahal ako ni Julian! Damn!

            “Manong, hindi ko naman ho iyon sinasadya. I had a meeting to attend to that’s why I left it as such. Babayaran ko naman ho iyon e.”

            “Do you, ano… sfeak Pilifino? Yo-ong, straight.?” Tanong sa kanya ng pulis. Lukot na lukot ang mukha nito nang sabihin iyon sa kanya. Halos matawa siya sa mali-maling diction nito. Pinigil niya lamang ang sarili at baka lalo siyang mapahamak.

            “Opo.”

            Naihagis ng pulis ang ballpen nito sa kaharap na logbook. Para bang nanalo ito sa lotto nang marinig siyang sumagot ng “opo.”

            “Ayo-on nama-an pala e. Arey mag-Pilipino ng maentendehan kow. Pa-ingles ingles pa ey, di nama-an maliwanag. A scotch, a scotch pa. Wala namang areng alak na gano-on dine sa istasyown ng poleys.”

            Her laughter was sheepish. Natatawa siya sa tono ng papanalita ng pulis na iyon. She lived in UK all her life at ilang buwan pa lamang siyang nasa bansa. Kakaiba ang papanalita nito sa kanyang pandinig.

            “Arey Miss Enchanted Kingdom –”

            “United Kingdom ho. At boss, hindi ho ako miss. Brad ako.”

            “Wateber. Magkita na lama-ang kayo ng may-ari sa korte.”

            Natigilan siya. Seryoso pa lang talaga ang sitwasyon niya ngayon. What will she do? Hindi siya handing makulong. Kung sa bansang isinilang nga ay wala siyang nilalabag at nabubuhay siya ng matiwasay, sa Pilipinas ay makukulong siya? For what? Breaking a Chevrolet Corvette Stringray 2012 Edition side mirror?!

            This is outrageous!

            Ganoon bang mas matimbang ang isang bagay kaysa sa buhay? And to think her brother has no concern to her whatsoever. Sa oras na makalabas siya doon ay tuturuan niya ng leksyon ang kapatid.

When Two Different Worlds CollideWhere stories live. Discover now