“Warrant of Arrest?!”
Nanlumo siya. Papasok na siya noon sa departure area. Off to the island of Palawan. Pinayagan na siya ng kanyang kapatid na mag-bakasyon kahit isang linggo lamang kasama ang bestfriend niyang si Lougee. Closing the account she presented days before made her brother agree to her plea. Iyon nga lang, minalas na naman siya.
Out of nowhere ay nagsulputan ang isang grupo ng mga pulis at hindi siya pinayagan na maka-lipad palabas ng Maynila. May demanda siya sa korte at iniutos ng nag-demanda ang pagbabawal na makaluwas siya kahit sa loob ng bansa. Which seemed really unfair dahil nasa loob lamang siya ng Pilipinas. Insip bang mga ito na magtatago siya?
Makailang beses na siyang napamura dahil sa sobrang sama ng timing ng pagkakadakip sa kanya. Ngayon ay naroon siya sa istasyon ng pulis at namumulubi sa tawa. She’s really pissed off at the moment. Kung pwede lamang na makipagkasundo siyang pagkatapos ng Palawan trip siya ikulong ay sasabihin niya.
Ilang beses na siyang tinatawagan ni Lougee. Naghihintay na marahil ito sa kanya. Her stay would be over her bestfriend’s house dahil doon talaga itong nakatira. Nainis marahil ito nang sabihin niyang hindi na siya makakapunta dahil may nagpapakulong sa kanya. She apologized to her a thousand times.
Maging siya man ay naiinis na. Kung kailan nakatakas na siya sa galamay ng kapatid at malaya niyang gawin ang kahit anong gustuhin kahit sa loob nang isang linggo ay saka naman mangyayari ang lahat nang ito.
What to do?
She thought of a very wild idea. Bigla na lamang ay naisipan niyang tawagan si Julian. Baka sakaling matulungan siya nito. Of course, he will help her little sister.
Right?
She dialed her brother’s number. Naiinis siya. Puro sa voice mail lamang nadidirekta ang kanyang tawag. She was grunting. Ano ba’ng ginagawang napakahalaga ng kanyang kuya at hindi sinasagot ang cellphone nito? For the nth time she tried to call him. At bago pa madirekta ang kanyang tawag sa machine ay sinagot na iyon.
“Julian! Julian! Thank God you answered.”
“What?”
Walang kagana-ganang tanong ng kanyang kapatid. Tila bagot at bagong gising lamang ito nang sagutin nito ang telepono.
“Help me!”
“Why?”
That ever so deep and bored British accent of his came out. Walang kabuhay-buhay na tinanong siya nito. And she is very sure her hopes are already in the dumps. Judging from the way he talks back with those insensitive one liner of his, he’s made up his mind.
“Nasa presinto ako.”
“Good.”
Said it like a very loving brother he really is to her. She should’ve known better. Sinasabi na nga ba niyang hindi siya tutulungan nito. Well at least she tried. And she will try again. Maaawa at maaawa pa din ito sa kanya. Sa oras na mapahamak siya sa presinto, ito ang tiyak na sesermunan ng kanyang ina.
Hindi siya nakapag-salita nang marinig ang huling kasagutan nito. Iniisip niya kung ano ang susunod niyang sasabihin dito upang magising ito sa mga sinasabi. Just when she had thought what to tell him, the line was busy. Binabaan siya nito ng telepono.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
When Two Different Worlds Collide
Разноеee panu kung isang araw e nanalo ka ng trip to munti dahil nagka-warrant of arrest ka dahil sa side mirror na nabasag mo nang hindi sinasadya? Pumayag namang iurong nung may-ari yung demanda... palalayain ka sa kulungan pero SA KANYA KA MAPUPUNTA? p...
