“Julian, I swear. Hindi ko sinasadyang masira ‘yong side mirror ng kotse.”
Sagot niya sa pagitan ng pag-nguya. Naroroon siya ngayon sa opisina nito at doon ipinagpatuloy ang pagkain ng almusal. She will not dismiss her breakfast time just because her brother is angry. Angry for something he did not do.
Nalaman na nito ang tungkol sa nasira niyang side mirror kaninang umaga. Umakyat sa opisina nito ang security head upang sabihing nagrereklamo ang may-ari ng kotse dahil sa nangyari.
“I left a note to excuse myself.”
“That’s the problem! You left a note to inform this individual of your identity!”
Inabot niya ang kopita ng tubig bago birahan ng sagot ito. A lecture is not what she needs during her breakfast. Pahinga ang kailangan niya dahil pinauulanan siya ng sariling kapatid ng trabaho. Kung pwede nga lang ay umalis na siya sa poder nito.
Wala siyang masyadong alam sa Pilipinas. Ang pasikut-sikot doon ay hindi niya kabisado. May mga kaibigan siyang naninirahan sa bansa. One would be her bestfriend – Lougee. Kung magpapatulong siya na maghanap ng trabaho dito ay mahihirapan siya. Sa Britanya na siya isinalang at lumaki. Any request she asks to the embassy for papers would be under his brother’s name and address. Mahaharang nito iyon. All her documents would be held by his brother. She has no choice but to stay with him.
Maswerte na nga siyang pinatuloy siya nito sa tahanan nito at nag-aabot ito ng pera, dalawang libo at limang daan linggo-linggo. Titiisin niya muna ang buhay kasama ito hanggang sa makapag-ipon siya. Lalayasan niya ito.
“I said I was going to pay for it.” Hawak ang baso ng tubig ay lumapit sa kinatatayuan nito at sumandal sa likuran nito.
“It’s a Gray Chevrolet Corvette Stingray 2012 Edition, Julia.” Mahinahon ngunit nasa tono na ng pananalita nito ang galit. Talaga nga namang hindi siya nito tatawagin ng “Justine.”
“Paano mo babayaran ang ganoong kamahal na sasakyan?”
“I have you.”
Uminom siya mula sa baso ng tubig at inilipat ang bigat ng paa sa kabilang paa niya. Wearing those heels really made her day even worse. Kaninang naroon siya sa sariling opisina ay naka-paa lamang siya at tanging stockings ang nagsisilbing pantapal niya sa talampakan. The flooring was carpeted so it was safe for her to walk barefoot.
However, she is in a room with her brother. Kailangan niyang humarap ng disente dito at baka lalo itong mapundi sa kanya at maisipan siyang itapon sa mas hindi niya alam na bansa.
“Fuck that.”
She heard him curse all right. Napahalakhak siya dahil doon. ‘Cause even though her brother hates her for being the other way around, he still has the slightest concern for her. Kaya nga nandoon ito at pinatira siya sa sariling bahay nito upang lalo siyang mapangalagaan nito.
Kinamot niya ang batok at hita. Kanina pa siyang kating-kati sa suot na damit. Hinubad niya rin ang suot na stilettoes. Muntik na siyang mawala sa balanse sa tuwing itataas niya ang isang paa at hihilutin ang mga binti. Hindi naman siya makadukwang dahil makikita ang underwear niya. Clothing herself like that was way miserable than having been exiled to this country.
“Kaya mong lusutan iyan, Julian.”
She continued to mock him. Sa oras na malaman iyon ng kanyang mga magulang ay mag-aalala iyon sa kalagayan niya. Sabihin pang pinahihirapan siya ng mga ito. They’ll never turn their backs on her. She’s the only baby girl of the family. She’s their mother’s favorite.
YOU ARE READING
When Two Different Worlds Collide
Randomee panu kung isang araw e nanalo ka ng trip to munti dahil nagka-warrant of arrest ka dahil sa side mirror na nabasag mo nang hindi sinasadya? Pumayag namang iurong nung may-ari yung demanda... palalayain ka sa kulungan pero SA KANYA KA MAPUPUNTA? p...
