Dalawampu't dalawa: The note

1.3K 40 6
                                    

The note

Madilim na kapaligiran ang bumungad sa akin. Medyo malabo pa ang kapaligiran nang imulat ko ang aking mga mata.

Nahihirapan din akong igalaw ang aking buong katawan dahil sa hapdi at sakit ng mga sugat na aking natamo.

Naalala ko lahat. Mula sa kung paano ako nakapunta sa mundong ito ULIT.

Matapos ng pag u-usap namin ni Lawson ay napunta ako sa kagubatan. May nakasalubong akong naka itim na hood na agad umatake sa akin.

I did fight. Ngunit mas malakas ang taong iyon sa akin.

Narinig ko ang pag bukas ng pinto, nakita ko ang pag pasok ni Rey sa loob ng kwarto. Mabilis siyang lumapit sa akin ng makita niyang gising ako. I smiled to him.

He saved me.

"S-salamat..." sambit ko. Na upo siya sa isang upuan at inilapit niya iyon sa akin.

Tumango siya at ngumiti.

"Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba?" tanong niya. Umiling ako.

"Wala, kaya ko." sagot ko sa kanya. He sighed.

"Sino ang gumawa sa iyo nito?" tanong niya. Hindi ako agad nakasagot. Bukod sa hindi ko kilala kung sino ang umakate sa akin ay hindi ko naman nakita ang mukha no'n.

"Hindi ko alam, hindi ko siya kilala at hindi ko rin nakita ang kanyang mukha," sambit ko.

"Ang boses?" tanong niya.

"Tanda ko ang boses niya..." hindi ko na ituloy ang sasabihin.

Habang kalaban ko ang taong iyon, pamilyar sa akin ang boses nito. Ngunit hindi ko naman maisip kung kaninong boses iyon.

"Pamilyar, pero hindi ko maalala kung kaninong boses," dugtong ko. He nodded.

"Mag papadala ako ng pagkain dito kay Wanna, nag padala narin ako ng liham sa Calimport." aniya. Tumango ako sa kanya at muling nag pasalamat. Tatayo na sana siya ng pigilan ko siya at hawakan sa kanyang braso.

"Ikaw ang matagal ko ng hinahanap... Ikaw si Clyde. Hindi ko alam kung paano ka napunta dito at kung anong nangyari. Naguguluhan na rin ako sa lahat, pero nararamdaman kong malapit ko ng malaman ang lahat. Mag i-ingat ka, hindi ka pwedeng mamatay sa lugar na ito." sambit ko sa kanya.

Kita ko ang kaguluhan sa kanyang utak at mga nag lalarong katanungan ngunit mas pinili nitong ngumiti sa akin at lumabas ng silid.

Napatitig ako sa kisame at naalala ang sulat na ibinigay sa akin ni Lawson bago ako makabalik muli sa lugar na ito.

Nakita ko ang suot kong damit sa gilid. Mabilis akong bumangon at kinuha iyon. Binuklat ko ang bulsa at hindi ko makita ang sulat na ibinigay ni Lawson.

Hindi! Imposible!

Nadala ko iyon dito.  Nang makatungtong ako sa mundong ito ay muli ka iyong nakapa dito sa bulsa ko.

Nasaan na kaya iyon?

Hindi kaya kinuha ng kalaban ko o kinuha ni Rey?

"Gising ka na nga. Kain ka muna," sambit ng isang babae. Napatitig ako sa kanya dahil hawig na hawig niya si Rey. Girl version nga lang. She's so pretty.

"Kapatid ka ba ni Rey?" tanong ko sa kanya.

"Halata naman," sagot niya at nakita ko ang pag irap niya. Napatahimik ako dahil sa asal na ipinakita niya. Hindi niya ako gusto, so I guess hindi kami mag kakasundo.

GENASIWhere stories live. Discover now