Pang labing-walo: Aeris bit the dust

1.4K 42 0
                                    

Aeris bit the dust

"DRIX!" sigaw ni Selene kay Drix. Lumabas ako ng kwarto upang alamin ang nangyayari sa kanilang mag kapatid.

I saw anger in Selene's eyes. Si Drix ay ganoon din.

"Nakipag kita ka ba ulit sa kanya?" tanong ni Drix. Nanatili ang mga masasamang titig ni Selene kay Drix at padabog na naupo.

"Oo! Ano ba kasing problema mo kung makipag kita ako sakanya? Hindi na ako bata!" ani ni Selene. "Kuya Wheyt, Kuya Lawson okay lang naman sa inyo yun diba?" dugtong ni Selene.

Hindi sila sumagot.

"Bakit? Dahil ba isa siyang duwende?" tanong ni Selene.

Ha? Duwende?

"Mapanganib sila Selene," ani ni Prinsipe Wheyt. Napabuntong hininga si Selene.

"Pero naiiba siya!"

"Nasasabi mo 'yan kasi mahal mo!" sigaw ni Drix.

"Kaya nga dapat wala kayong ikatakot diba? Mahal namin ang isa't isa. Hindi niya ako pababayaan!"

"Baliw ka na Selene," ani ni Drix at halos mag tago ako ng makitang pa akyat si Drix at dadaan siya dito sa pwesto ko.

Ngunit hindi na ako nakapag tago pa. Nakita na niya ako.

I smiled to him. Hindi ako pinansin ni Drix at nag patuloy sa pag lalakad papunta sa kwarto niya. Nag kibit-balikat na lang ako at nag patuloy sa pakikinig sa away nila.

"Pag katapos ng inyong pag a-aral sasabay ka kay Drix sa pag uwi," ani ni prinsipe Wheyt at tumayo na rin upang pumunta sa kanyang kwarto.

Hindi na ako nag abalang mag tago pa. Alam kong alam nilang nandito ako at nakikinig. Mabilis akong yumuko kay prinsipe Wheyt. He ignored me like Drix kaya naman di ko maiwasang mapanguso.

Tahimik lamang si Lawson na nakatingin kay Selene kaya naman mabilis akong lumapit kay Selene at tumabi sa kanya.

"Anong nangyari?" tanong ko. Selene bite her lips and answer.

"I ku-kwento ko sa'yo sa susunod na araw. Mag papahinga lang ako." ani ni Selene. Tipid siyang ngumiti sa akin at pinanood ko siya na maka-akyat sa kanyang kwarto.

Naiwan kaming dalawa ni Lawson sa baba. I looked at hik ans smile.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Hintayin mo na lang siyang mag sabi sa'yo Euphrasia," sagot niya.

"Hindi mo pwedeng sabihin?" tanong ko sa kanya. He nodded.

"Oo, nirerespeto namin ang bawat isa, sinabi niya kanina na sasabihin niya sa susunod na araw, at kailangan kong irespeto 'yon."

"Oo na! Ang seryoso mo masyado no?" sambit ko at napairap. Nanahimik siya at hindi umimik. Hindi rin naman siya umalis sa upuan niya at nakatitig lang sa akin.

"Nakakailang yang pag titig mo sa akin," sambit ko.

"Ang ganda mo kasi," aniya at hindi ko napigilang masamid.

"Ewan ko sa'yo" sagot ko. He smiled.

"Sumama ka sa akin," aniya. Napangiti ako.

"Sa kwarto mo ba?" masayang sambit ko. Kumunot ang noo niya at umiling sa akin.

"Sa aming hardin, may inihanda ako."

"Ah, okay."

"Bakit parang dismayado ka?" natatawang tanong niya.

GENASIWhere stories live. Discover now