"Maghihintay ako bukas sa labas ng gate niyo, Dyl! Mga alas siete ng umaga!" He called.

"Bwisit *ik* ka, Will..." I grumbled.

—-

Friday...

     I groan as I put off my alarm clock at tinaas ang sheets sa ulo ko. Wala akong choice, kelangan ko talaga bumangon para sa photoshoot ngayon. Kahit na pakiramdam ko parang may banda sa loob ng utak ko pinilit kong bumangon. I feel sick just knowing na kasama namin si Will ngayon. Naghubad ako at naligo na, in-on ko yung gripo at kumuha ng isang tabo ng tubig at binuhos ito sa katawan ko. Hindi ko talaga ma gets kung bakit badtrip siya kay Chase, hindi naman masama si Chase ah niligtas niya nga ako. Okay lang sana kung babae siya at paiba-iba ang mood, spell PMS. 

     Pagkatapos kong maligo nagbihis ako at bumaba na. Si mama may katext ata, si papa naman nagbabasa ng diyaryo at si ate kumakain habang nakaheadphones. Umupo na ako sa pwesto ko at kumuha ng dalawang piraso ng pandesal. Tinapik ko si ate, "Peanut butter," I mouthed sabay turo sa garapon. Alam kong hinding-hindi niya talaga ako maririnig kapag sabihin ko sa kanya. Iniabot niya sa akin ang peanut butter. "Ang aga mo ata, Dyl ah?" Tanong ni mama. "Ummm... Magphophotoshoot po kasi kami ma ulet," sagot ko habang nagpapalaman ng peanut butter. Napatigil si mama sa pagtetext niya at tinignan ako.

"Diba nagphotoshoot na kayo last week? Bago na naman ba yan?" Nagtataka niyang tanong.

Umiling ako at nilunok ang pandesal na nginunguya ko, "Nagkaproblema po kasi kami noong isang linggo kaya... Hindi natuloy," sagot ko.

"Problema? Gaya ng?" Ito yung ayaw na ayaw ko kay mama eh, masyadong mahigpit magtanong. Lahat nalang ng kaya niyang isipin itatanong.

"Ummm... Umulan po kasi," ininom ko naman yung kape ko.

"Ulan? Sa bundok kayo magshoshoot noh?"

"Opo." Buti nalang mukhang kumbensido naman siya sa pagsisinungaling ko, bumalik na siya sa pagtetext.

Tinapos ko na ang almusal ko at nagpaalam sa kanila.

     Lumabas ako ng bahay at nakasandal na si Will sa sasakyan niya. Si Riley't Rimi naman nakaupo sa isang bench sa labas ng bahay namin. "Good morning, Dyl." Ngumiti sa akin si Will at umirap naman ako. "Pwede bang magpaiwan ka na lang? Wala ka bang klase ngayon?" Umupo ako sa tabi ni Riley at tinignan siya. "Hmmm... Meron, kaso wala naman ang professor dun eh. At tsaka dalawa lang naman ang klase ko ngayong araw. So I'm cool with this." Aniya.

"Pinasama mo ba siya, Dyl?" Nagtatakang tanong ni Riley. "Sabi niya kasi gusto mo daw siyang makasama sa photoshoot."

     Umirap ako. "Siya yung nagpumilit, Ley. At wala akong sinabing ganun. Gumawa pa ng kwento." Pagdedepensa ko sa sarili. Mukhang wala pa si Chase ah? "Wala pa ata yung magaling mong modelo, Dyl?" Tumingin-tingin si Will sa kalye. "Paparating na yun. Huwag ka na nga lang sumama kung naiinip ka," sabi ko. Makalipas ang sampung minuto, dumating din si Chase. Lumabas siya ng kotse niya, "Pasensya na kayo ah. Medyo na traffic kasi ako—" 

"Tara na nga. Ang dami mo pang satsat eh," sabi ni Chase.

Tinignan ko siya and he gave me mocking grin na kinaiinisan ko talaga.

     Kinarga namin ang mga gamit namin sa sasakyan ni Chase. Binuksan ko na ang pinto sa front seat ngunit hinawakan ako ni Will sa braso. "Ops! Sa akin ka sasakay," I snatch my arm away. "Pwede ba? Walang basagan ng trip," sabi ko. Papasok na sana ako ngunit hinila niya ako paalis ng sasakyan. Yumuko siya at tinignan si Chase sa loob. "Sa akin daw siya sasakay brad ah. Ok lang yun sa'yo diba?" Nakangiting tanong ni Will. Ngumiti naman si Chase at ni-start na ang engine niya, "Walang problema," aniya. Isinara ni Will yung pinto ng sasakyan, kinladkad ako sa pinagyayabang niyang Porsche, binuksan ang pinto nito at tinapon ako sa loob. Para lang akong rag doll, ba't ba kasi ang lakas niya tas' ako naman para lang papel?

Boy Meets Boy(BoyXBoy)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt