AFL (MH#1) - Introduction

5 2 0
                                    


Hello dear readers! This is thereallouella the creator of a 'A Fangirl's Lovestory (Murphy High #1)'


First, aware na ako na marami nang story na ganito yung genre. Alam kong iniisip ng lahat na pare-pareho lang ng patutunguhan ang lahat ng storya kapag ganito yung genre. Pero, ano nga ba ang meron sa storyang ito na iba sa lahat? Hahahahaha natatawa ako sa tanong na iyan. Pero seriously, iba ito.


I'm also a Fangirl. At alam ko kung ano ang nafifeel at iniisip ng isang fangirl. Sinabi ko naman sa inyo na ginawa ko 'to dahil may gusto akong isang Fanboy diba?


At dahil isa ako 3-Dimensional kong mag-isip ay pinaghalo ko ang pagiging Fangirl at pagiging mahilig sa Action at Thriller na genre. Gusto ko yung may halong kilig (yung halos mapunit na mukha niyo sa kakangisi), takot (yung halos lahat ng balahibo niyo sa katawan magsisitayuan. Isali niyo na buhok niyo hahahaha), excitement (yung halos mapatalon na kayo sa kama), thrill (na halos mapapatanong kayo at mapapasabi sa isip niyo kung, ano 'to? Sino kaya 'yun? Hala shit! Away na naman?), at aral (gusto ko yung sa bawat away ng bida may matutunan kayo kung paano ipagtanggol at protektahan sarili niyo. Kung ano ang dapat at tamang gawin).


Sa storya kasing ito ay hindi lang puro away at gulo. Makikita mo kung ano ang iniisip ng bida bago umatake o bago gumawa ng isang bagay. Kailangan mautak at wais ka palagi. 'Yan ang ipinapahayag ng storyang ito.


Ang kwento kasing ito ay tungkol sa isang Fangirl/Gangster na babae na nagkagusto sa isang Fanboy na sa text niya lang nakausap. Kahit tawag 'di pa nila 'yun ginawa. Never niya pang nakita ang Fanboy kahit sa picture man lang. Pero nagustuhan na niya ito agad. Tungkol rin ito sa kahalagahan ng pagkakaibigan. Friendly kasi akong tao kaya sinama ko na ang Friendships diyan. Hahahaha boring kasi kapag walang baliw na kaibigan diba? Hahahahaha


At ang storya ring ito ay may parts na totoo. Lalo na yung conversations. Purong totoo talaga iyon! Hahahahaha iniisip ko talaga na kapag may kaibigan yung Fanboy na crush ko na nagbabasa ng Wattpad at mababasa niya 'to. Siguro titiklop ako na parang makahiya sa hiya. Hahahahaha pero kailangang panindigan. Ginusto ko eh.


At saka, noong una kong gawa nito. Ay wala talaga sa plano na may Book Two. Wala talaga! Pero dahil na'enjoy ko na yung pagsusulat rito at pagbibigay aral sa mga readers ay nasabi ko talagang, "Writing is such a powerful tool." Pwede mong mabago ang buhay ng isang tao sa pamamagitan ng pagsulat ng kwento at maging isang inspirasiyon sa nakararami.


Corny mang pakinggan pero iyan ang reyalidad. Minsan ko ngang inaway kapatid ko dahil nagbabasa lang siya ng Wattpad para kiligin. Kaya ayun binara ko at sinabing, "I-Appreciate mo rin yung mga aral na isinulat ng authors diyan. Hindi lang yung nagbabasa ka para kiligin lang." Inaway ko talaga. Nasasayang kasi eh. Kaya sana readers. Appreciate niyo ah! Kasi mahirap talagang magsulat ng isang kwento lalo na't kailangan mo ng malaliman na research at mabisang plano every chapters.


Kaya enjoy lang kayo sa pagbabasa ah. 'Yan kasi ang unang na-completed na kwentong ginawa ko. Kaya medyo sabaw siya. Hahahaha


PS: isa itong Modern Story. Kaya maraming kabataan ang matutuwa sa kwentong ito. Dahil pasok ito sa generation ngayon. Lalo na yung mga K-Pop fans diyan.


-thereallouella

Guidebook by: thereallouellaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora