Naaalala mo pa ba yung mga pangako mo,
Nung mga panahon na ako yung kailangan mo?
Naaalala mo pa ba yung mga pangako mo,
Nung hindi ko pa inaaming nahulog na ako sayo?
Siguro hindi na,
kasi andiyan na siya
Baka nabaon na sa lupa,
habang ako nagbabaka sakali pa.
"Mahal, iingatan kita. Sayo lang ako wala ng iba"
Ang sarap pakinggan, ang sarap paniwalaan,
ito yung salita mo na akala ko walang hangganan.
Pero bakit ganun? Lagi kang lumilisan?
Lulubog, lilitaw
at babalik pag gusto lang.
Paano mo ba ako pinatay ng hindi ka nakulong?
Simple lang, kunwari minahal mo ko
Tapos bigla, binitawan mo.
Paulit ulit na binitawan mo.
Para akong ibon na unti unting nakalimutang lumipad,
Nakalimutan ko kasi yung sarili ko habang ikaw yung isinasang-alang.
Sa salitang ako't ikaw, ako lang pala yung umaasa.
Sa salitang ako't ikaw, meron palang "siya" na nangingibabaw.
Siya na hindi mo makalimutan,
Siya na lagi mong mahal.
Siya na iyong pinahalagahan.
Siya na iyong iningatan.
Naaalala mo pa ba, na sa tuwing ako yung kausap mo?
Sinasabi mong gusto mong maging tayo,
Pero laging siya yung kinukwento mo.
Naaalala mo pa ba, nung tinanong kita kung makakapag antay ka?
Sinabing mong oo,
tapos bigla may bago ka na pala.
Bakit mo ko ginulo? Kung wala ka naman palang plano?
Pano mo nagawang manloko,
Habang alam mong may masasaktan kang tao?
Bakit mo pinaramdam na mahal mo ko?
Na ikaw yung tipong kayang magbago?
Kung sa huli iiwan mo lang din ako?
Isasama mo lang sa koleksyon ng mga pinaasa mo.
Isa lang yung lagi kong hinihiling sayo.
"Wag mo sana akong lokohin, dun lang tayo sa totoo"
Pinaniwala ako ng sinseridad ng 'yong tono.
Yung respeto at salita mo sa mga minamahal kong tao.
Kaya naniwala ako sayo,
Oo sayo,
Kesa sa sinasabi ng ibang tao.
Pero pinasok mo lang pala ako sa sitwasyong magulo.
Sa sitwasyong di ko alam kung magkakaron pa ba ng tayo.
Puno ng kasinungalingan,
Puno ng kasalanan,
Puno ng mga bagay na idudulot ay sakit lamang.
Ginawa mo akong laruan,
libangan habang mag isa ka lang.
Ginawa mo akong tanga,
na gagawin ang lahat sumaya ka lang.
Madami akong tanong, madami akong inisip.
Sa dinami dami ng taong magpapahalaga sakin,
Ikaw pa talaga yung pinili.
Ikaw na hindi marunong manatili,
Ikaw na hinding hindi mapapa saakin.
Ang sakit mahal, ang sakit sakit.
Kasi alam ko wala naman akong pagkukulang.
Paulit ulit kitang pinili,
Pinagtanggol kita, habang ako naman, pinapaasa mo lang.
Ano bang kulang? May mali ba?
Hindi mo ba ko kayang mahalin?
Hindi ka pa ba handa?
Sumugod ako sa laban na akala ko ipapanalo mo.
Kaya lang lumaban pala ako sa gyera na walang kasiguraduhan ang pagka panalo.
Isinugal mo ako sa laban na ipapatalo mo.
Inalatag mo ko sa posisyong impyerno ang tungo.
Pinamigay mo ko sa sitwasyong masasaktan ako.
Inabandona mo ako sa lugar na walang makakapitang tao.
Nanahimik ako, nanatiling nakatikom ang bibig sa mga kasalanan mo.
Nagpatawad ako, kahit na hindi ka humingi ng kapatawaran ko.
Hindi ko sinumbat sayo, kahit na nasasaktan na ako.
Pinili kong itago, kahit na ang bigat na sa loob ko.
Kahit ako nagulat, kaya ko palang magmahal ng ganto katibay.
Kahit durog na durog na ako, hindi pa rin ako bibigay.
Hindi ko inakalang kaya ko palang ialay.
Ang pagmamahal ko ng buo, sa taong walang maibigay.
Maibigay na attention sakin,
O kahit simpleng pagkakataon.
Kahit konting oras,
o konting panahon.
Humihiling ako araw araw,
Na Balang araw sana mabaliktad yung sitwasyon.
Ako naman yung may ayaw,
Habang ikaw naman yung maghahabol.
Pinangako ko sa sarili ko,
Hinding hindi na ako magpapaloko sayo,
Na isang araw mamahalin mo ko,
Habang wala na ako sa piling mo.
Dahil hindi mo ko nasabihan,
O kahit nabigyan ng salita lamang
Bigla mo na lang pala akong bibitawan,
Habang mahal na mahal kitang lubusan.
Sana kahit inunti unti mo,
Konting awa naman diyan
Dahan dahan lang yung pagsuko.
Konting pagpapahalaga lang.
Iniwan mo ko ng walang kamalay malay,
Kahit na sa piling mo dun mo ko sinanay.
Mahal, may iba ka na pala
Habang ako nakakapit pa.
Natuto akong lumipad sa ere, kung saan mo ko iniwan.
Lumangoy sa dagat, kung saan mo ko nilunod at pinabayaan.
Buuin ang puso ko na winasak mo,
Kasabay ng mga ito ay ang pagpulot ko sa sarili ko.
Sarili ko, na kinalimutan ko para sayo,
Sarili ko, na inalay ko sayo ng buo
Sarili ko, na sa isip ikaw yung nasa tuktok
Sarili ko, na sobrang nagmamahal sayo.
Lumipas ang mga araw mabilis kang naglaho.
Unti unting nagbago yung mahal na nakilala ko.
Mahal, sabi mo pangako dun lang tayo sa totoo.
Mahal, lolokohin mo lang pala ako.
Sana hindi mo na lang ako ginulo
Kung wala ka naman palang plano
Ang hirap kasing buuin ulit
Yung puso kong winasak mo.
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry (Tagalog & English)
PoetryTula ko para sayo, na hinding hindi ko masasabi sa harapan mo.
