B4DAMY One Shot 👽

14 3 0
                                        

Y/N-Your Name

✌✌✌✌✌✌•✌✌✌✌✌✌
Time check!
06:24 PM
FRIDAY

Kumakanta ka ng Lost ng BTS habang naglilinis sa loob ng storage room ng school niyo dahil pinarusahan ka ng inyong Guro dahil nahuli ka niyang patagong nanonood ng BTS COMPILATION VIDEOS sa loob ng klase niya.

"🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶"

Naputol ang iyong pagkakanta nang may nagtext sayo.

🎶You have a text message My Y/N🎶

(Boses yan ni V, message ringtone mo ^_^)

Nagpasya kang umupo muna sa nag-iisang selya sa gitna ng storage room bago basahin ang message.

"Wheeeeeew! Nakakapagod! Ang dami kong boxes na binuhat!" sabi mo habang pinunasan mo ang mga pawis mo.

Kinuha mo na ang phone mo at binasa ang text message. Pero napataas ang kilay mo nang mabasa mo kung kanino galing to.

From: 09******287

Hey Beautiful 😉

Naparole eyes ka naman.

'Sino ba tong kulokoy na to? Kung makabola wagas!' sabi mo sa isip mo

Binawalewala mo na lang iyon tsaka tumayo. Napaisip ka na mabuti pang magtrabaho na para matapos na ang tungkulin mo dahil gabi na. Nagpatuloy ka na sa pagwawalis mo nang magtext na naman ito.

🎶You have a text message My Y/N🎶

From: 09******287

Hey..... Reply naman diyan....

Still binawalewala mo pa rin yon.
"Sus.... Mantetextmate lang to eh, magpakilala ng ibang tao tapos kunin ang tiwala mo. Pareho nong nangyari sa akin...... Nagpakilala siyang siya si Taehyung, kilig na kilig naman ako. Lumipas ang isang linggo, tinanong niya akong pwede ba raw niya akong maging girlfriend.... At ako naman, oo agad ang sagot. Syempre crush eh. Pagkatapos nakipagmeet, pero ang nameet ko, ang TATAY ko! Nakatikim pa nga ako ng mahabang sermon at malakas na batok non eh, tatay ko lang pala ang katext ko. Psh..... -_-"

🎶You have a text message My Y/N🎶

From: 09******287

Oy Y/N..... Magreply ka naman diyan, nakapout na ako dito eh.

Naubos na ang pasensya mo kaya nereplyan mo na lang ito.

To: 09******287

IDC.... Stop texting me. 😑

Sent....

Nagpatuloy ka na sa pagwawalis. Lumipas ang ilang minuto, hindi na ito nagreply. Laking pasalamat mo naman na wala nang nangungulit.

Dahil nabored ka, nag-iimagine ka na lang na kinakasal na kayo ni Taehyung.

Your Imagination:

Naglalakad ka patungo sa altar kung saan nandoon naghihintay sayo ang nakangiting si Taehyung..... Ang soon-to-be-husband mo, kasama ang mga magulang mo na pinagitnaan ka.

🎶Here comes the BRIDE🎶
🎶Ready to FIGHT🎶
🎶For their honeymoon TONIGHT🎶
🎶To have a baby INSIDE------🎶

"H-Hindi! Hindi dapat ganon ang soundtrack ng bride's march ko! Ano ka ba Y/N! Nakakagreen! Baka magalit ang soon to be asawa ko! Balik balik! Ulit! Kasalanan to ni Pinsang Binggo eh! Palagi niya yang kinakanta!" inis na sigaw mo habang namumulang pinagpupukpok ang ulo ng walis na dala mo

Bangtan's 4D Alien Messaged You (One Shot)Povești de care să fii obsedat. Descoperă acum