Pinatanggal ko na sa kanila ang blindfold.

"Anong lugar to?"Sabi na nga ba, raratsada agad si Joylyn.

"Joy, hindi ito ang oras para magtanong about trivial matters," sabi ko sa kanya. "Dinala ko kayo dito para tulungan akong mag-research tungkol sa Facundo Baltazar na iyon. Like kung saan ang bahay niya or something. Pagkatapos nito, hindi na kayo babalik sa lugar na to."

"So sinasabi mo ba sa amin na bawal ang ginawa mong pagdala sa amin dito?" I have to give it to Lily, she's really smart. Tumango ako. Forte ni Joylyn ang mag-research samantalang magaling mag-analyze si Lily ng sitwasyon. "Then, let's hurry."

JOYLYN'S POINT OF VIEW

Hacking 'House CCTV'...

Napataas ang kilay ko sa nakitang script. Hacking talaga eh noh! Kalerks!

'House CCTV' successfully hacked!

Napakunot ang noo ko nang may ma-access ako. Video iyon ng bahay ni Facundo Baltazar. Thanks to the 'auto hack feature,' naka-access ako sa CCTV sa bahay niya. Andun si Tin, nakatali ang kamay at paa at nakabusalsal ang bibig.

"Kyla, Lily!" agad kong tawag sa dalawa. Pumunta naman sila sa pwesto ko at napasinghap nang makita si Kyla doon.

"Putragis na Baltazar!" inis na sabi ni Kyla. "Kailangan nating puntahan siya, ngayon na."

"I know," mahinang sabi ko. "Pero paano?"

"Bahala na!" sabi naman ni Kyla.

"Hindi pwedeng bahala na, Kyla!" natataranta kong sabi. "Kahit man lang sana plano, meron tayo."

"May plano tayo, Joylyn. Ang iligtas si Tin, remember?" pamimiloosopo ni Kyla.

"Huwag na kayong mag-away," sabi naman ni Lily. "I think I have a plan."

"Ano naman 'yan, Liliana?" tanong ko.

"I'm thinking of using that plant," ani Lily at tinuro ang halamang tinutukoy nito. "Kapag hinalo 'yan sa aqua oxinada at pinakuluan, pwede nating ma-hypnotize ang mga guards. Eepekto 'yan agad. Mga ten minutes lang."

"So, balak mong pumasok tayo sa front door?"

"Kung titingnan mo ang bahay niya, Kyla, wala tayong choice kung hindi ang pumasok sa harapan."

Napatingin kami ni Kyla sa bahay ni Facundo Baltazar. Isa iyong malaking mansion na may mataas na pader. Pwede naming akyatin ang pader pero mahihirapan kami since makinis iyon. Bukod pa sa atention na makukuha namin.

 "So, you're saying na ipapainom natin yan sa mga guards and then kapag umepekto na, saka tayo papasok?" tanong ko.

Tumango naman si Lily. "Ang iniisip ko lang, paano natin sila mapapainom ng substance?"

"I think I can do it."

LILY'S POINT OF VIEW

"Sure ka ba sa gagawin mo, Joy?" nag-aalalang tanong ko kay Joylyn na naka-costume na ng pang-matandang babae. Naka-dekwat kami ng costumes sa headquarters nina Kyla at ng gang na kinabibilangan niya. Kung bakit may costumes doon, as usual, wala na naman kaming alam.

Ganito ang script namin: bilang matandang babae, chichikahin ni Joylyn ang gwardya ng bahay habang nag-aalok ng paninda. Siyempre, kailangang mapakain niya ang mga iyon. Tapos kapag umpekto na ang gamot, makakapasok na kami sa loob.

"Sure ako dito," sabi naman ni Joylyn. Sabagay, bukod sa pagiging member ng press, member din ng drama club si Joylyn. And she is a great actress bagaman never pa siyang nagkaka-lead role. But still, it's not some play with a script. This is real life. "Gogora na ako."

Mind LinkWhere stories live. Discover now