Chapter Eleven

1K 21 7
                                    

I think I forgot to mention na ang chapters ten at eleven ay nangyari nang nasa Batangas sina Daniel at Greg. So basically, habang nakikipagbakbakan ang mga boys sa Batangas, heto ang mga girls, napasabit sa trouble. :P

___________________________________________________________________________

SAVING TIN

___________________________________________________________________________

LILY'S POINT OF VIEW

"Kyla, saan ba tayo pupunta?" angal ni Joylyn sa kaibigan naming kasalukuyang nagda-drive. Kung paano siya natutong mag-drive ng kotse, hindi ko alam. Basta nang malaman naming katulong lang kina Tin, humarbat na ng sasakyan si Kyla sa talyer na malapit sa police station. Kakilala nito ang may-ari. Kung paano, wala rin akong alam.

"Huwag ka na lang magulo diyan, Joylyn," kalmadong sabi ni Kyla.  "Just sit back and relax."

"Paano ako magre-relax eh naka-blindfold kami ni Lily dito?" Tuloy lang sa pagtalak si Joylyn. "Mikaela ha! Ano itong pinasukan mo? Baka mamaya illegal to. At paano ka natutong mag-drive? Actually, bakit ang lakas ng loob mong magmaneho nang walang lisensya? Baka mamaya, malaman na lang namin naaksidente ka na sa mga pinaggagawa mo, kababae mo pa namang tao..."

Nai-imagine ko nang nag-roll eyes lang si Kyla sa driver's seat habang hinahayaan na lang si Joylyn tumalak nang tumalak. Hindi ko rin pinigilan si Joylyn. My mind is actually busy deciding kung ipapaalam ko ba ito kina Daniel o hindi. 

I know na somehow may kinalaman sa link ang pagkakadukot ni Tin. I mean, sino bang kilalang professor ang mag-aaksaya ng panahon na mandukot ng isang teenager na super kikay at mahilig mag-shopping? So may alam si Greg dito. He has the right to know. But then, anong maitutulong nun kung sakaling alam ni Greg? Nasa Batangas sila ni Daniel na malamang, nahihirapan din sa pagkuha ng ugat ng Sibanna. Kung wala silang problema, sana sinabi na sa akin ni Daniel. E kaso, kanina pa niya ako hindi kinukulit. So, either ayaw niya akong mag-alala o busy lang talaga sila. Busy saan?

I sighed and decided not to tell the boys. They had enough on their shoulders. Besides, telling them will just complicate things.

KYLA'S POINT OF VIEW

"We're here!" anunsyo ko kina Joylyn at Lily. Napasulyap ako sa bintana ng kotse nang maramdaman kong may lumalapit sa amin. Dalawang lalaki iyon na sumaludo sa akin at pumwesto sa magkabilang pinto ng backseat.

"Hay salamat!" sabi ni Joylyn. "Siguro naman pwede na naming tanggalin ang blindfold?"

"Hmm, actually, hindi pa," kalmadong sabi ko. "Now, listen to what I say. May aalalay sa inyo patungo sa headquarters namin. So don't panic. Lalo ka na, Joylyn."

"Kyla, ano 'tong pinasok mo?" nagpa-panic na tanong ni Joylyn. At nakita kong napalunok si Lily pero hindi na nag-comment. Shit! Kilala ko ang dalawang 'to. While Joylyn tended to be like a nagging mother asking questions while scolding you to death, Lily tended to connect the dots. Paano na lang pag nag-double team tong dalawang to?

"You don't need to know," mahinang sabi ko. "Just trust me, please."

"This is not the end of this," banta ni Joylyn.

"Fine," napabuntong-hininga na lang ako. Malamang dating gawi na naman 'to, iwasan to the max na naman. Ugh! Tiningnan ko ang dalawang tao ko at tinanguhan sila. Agad na binuksan ng dalawa ang pinto at inalalayan ang dalawang kaibigan ko. Thankfully, hindi rumatsada ang bibig ni Joylyn.

Sa pangunguna ko, pumunta kami sa research facility ng gang namin. Mayaman ang founder namin, bilyonaryo, kaya sa lahat ng mga gangs, ang sa amin ang pinakasosyal. Hinayaan kong paupuin ng dalawang ka-member ko sina Lily at Joylyn bago ako sumenyas sa dalawang to na lumabas na. Alam na nila ang gagawin pagkatapos.

Mind LinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon