Chapter 39

724 14 1
                                    

Chapter 39- A Night with Him

-Audrey's POV-


"ANONG IIBIGIN KA DYAN?!!" sigaw ko sa kanya.



"Ito naman, joke lang" tapos ngumiting aso.



*

Tapos na kami sa homework namin, buti naman at natama na rin ni Marc yung sa kanya. Kaya nag rereview na kami.


Mga ilang minuto na ang nakalipas, di ko pa nakita na nag flip ng page si Marc. Kaya tinitigan ko siya, ang seryoso ng mukha niya. Tapos biglang ngumiti.


"Anong nakakatawa Marc?" umiling lang siya.



Kaya tinuloy ko lang yung pagbabasa ko ng Physics na book. 


"HAHAHAHAHAHAHHAHAHHAHA!" binagsak ko yung librong hawak ko.



"WHAT'S FUNNY? ANONG NAKAKATAWA?" galit kong sigaw  sa kanya.


"Wow ha? English to tagalog? HAHAHAHA check your facebook account! On mo yung wifi mo, tas ang password pangalan mo-" natigilan siya at umayos ng upo.


Napangiti ko, "Okay". Sinusunod ko naman yung sinabi niya. 

"Oh, bakit hindi?" sabay pakita sa kanya sa cellphone ko.

"Ako na nga lang" hinablot niya yung phone ko. "Oh ayan"


Chineck ko naman yung wall ko. Laking gulat ko na ang daming naka tag sa akin, stolen pictures ko tas nakakahiya yung mukha ko! 

"Hayop ka talaga!" gigil kong sigaw ni Marc. Siya lang naman po yung nag upload ng lahat ng yun! 48 pictures! Jusko!

Tawa lang siya ng tawa.


"Gaganti rin ako!" sigaw ko sa kanya.


"Kahit anong stolen mo sa akin, gwapo pa rin ako!" proud niyang sabi.


"Yabang mo! Taas ng self-confident natin ah?" sarkastico kong tanong.


"Syempre naman! Kaya nga ako ang nanalo eh!" taas noo niyang sabi


"Kapal mo! Taas ng self-confident mo, paki share naman sa height mo! Nasa flat five pa yang height mo, samantalang yang ka yabangan mo mahigit na sa 6'6!" biglang nag iba yung facial expression niya, kaya tumawa ako ng malakas.


"Wag mo nga ipasa sa akin yung height mo! 5'8 kaya ako! Tatangkad rin ako! Who you ka talaga sa akin!" galit niyang sigaw.


"Oh nasan na yung kayabangan mo? Pikon agad! HAHAHA! Pandak mo kasi!" pang-aasar ko pa sa kanya.


"Tignan mo tong nagsalita, akala mo di flat 5! Akala mo kong sinong matangkad!" pikon na talaga siyaaaa! Hahaha

The Possessive HearthrobWhere stories live. Discover now