CHAPTER 1~

9.1K 186 1
                                    

AUTHOR'S NOTE: PART SA STORY KO YUNG MGA PANG BARA NA SALITA O MGA KISSING SCENE. KAYA BAWAL BATA DITO AT BAWAL ISIP BATA DITO XD FOR OPEN MINDED LANG PO.

CHAPTER I~ MEET MY SCHOOL AND MY DISASTROUS SCHOOLMATES AND THE UHH YOU KNOW-- WHATEVER!

Narito ako ngayon sa bago kong school. Medyo nahuli pa ako sa pinlano kong oras ng pagpunta dito kasi pumunta pa'kong starbucks para bumili ng kape kaso ang dami pa namang tao sa starbucks kaya medyo na-delay kaya heto ako ngayon basang-basa sa ulan-- deh joke lang.

Gusto ko pa naman sanang makapunta ng maaga dito para wala pang gaanong tao pero hindi nga nangyari yun kaya nang makarating na ako sa school, halos hindi na'ko makapasok sa gate dahil sa siksikan.

Binilisan ko ang lakad ko para makapunta agad sa bulletin board, hindi ko pa kasi alam kung anong section ako , kahit madaming tao push parin ako kahit na may hawak pa akong kape sa kaliwang kamay ko, hindi ko pa kasi iniinom. Habang naglalakad ako, nakarinig naman ako ng mga bulung-bulongan.

"Look girl oh. Ano ba ayan? napaka-manang ng dating." nilingon ko yung nagsalita, grabe naman s'ya kung makalagay ng make-up. Maging honest ka nga sakin, san ka nagpapinta ng mukha?

"Manang talaga girl! Ugly pa!" sabi naman nung kasama n'yang babae, pareho lang sila. Parang iningudngod nila yung mga mukha nila sa make-up eh. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Bakit kailangan ko pa silang pansinin, para san pa?

Sa wakas nakita ko narin yung bulletin board. Halos mahulog yung panga ko sa dami ng tao. Parang stampede. Pero kailangan kong makapunta agad sa bulletin board, gusto ko nang makapunta sa classroom ko at magbasa nalang.

"Kaya ko yan." Bulong ko sa sarili ko.

"excuse me po, excuse me." mahina kong sabi habang pilit na nakikipagsiksikan sa kumpulan ng tao kahit na may dala pa akong kape, pag hindi nila ako papadaanin, ibubuhos ko tong kape sa kanila. Nung una halos hindi na nga ako makadaan. Kaso bigla nalang silang nagsipunta sa gilid. Lahat sila binibigyan ako ng space! Grabe ganun na aba talaga ako ka-pangit o natakot sila sa kape ko? Nakatayo lang ako dun sa gitna, abot-kamay ko na yung bulletin board, kaso hindi naman ako makalakad kasi halos lahat ng estudyante nakatingin sa direksyon ko. Maniniwala na sana ako na ako yung tinitingnan nila nang bigla nalang..

"Oh my Gosh ang gwapo ni Marc!"

"Oh my God!"

"He's so handsome talaga!" Sigawan nung mga babae sa paligid

Nakahinganaman ako ng maluwag. Hindi pala ako yung tinitingnan nila.Tatalikod na sana ako para makita kung sino yung tinutukoy nilang Marc, ganun na ba talaga s'ya ka-gwapo para sigawan nila ng ganun? Saktong pagtalikod ko, maysagi ako,

Yung kape ko!

"Shit!Shit!Shit! Bullshit. Fuck! What's your problem?" sigaw ng lalaki sa akin sabay pagpag sa shirt n'ya desperately trying to get the stain of the coffee off. Natapunan kasi ng konti yung shirtn n'ya.

"S-sorry di ko sinasadya" Kinuha ko yung panyo ko tapos tinulungan s'ya sa pagtanggal nung stain kaso tinapik n'ya lang yung kamay ko, dahilan para mahulog yung panyo.

"Tsk..don't block my way stupid!" singhal na naman n'ya. S'ya na ng atong tinulungan eh, dapat pa nga n'yang bayaran yung kape ko, konti lang yung nainom ko eh. Bakit ba kasi ang lapit n'ya sak--

"Hey do you hear me?" hindi pa pala ako nakakagalaw? Para hindi ulit ako masigawan, umalis nalang ako sa harapan n'ya para makadaan na sila. Oo, sila kasi kasama n'ya yung mga tropa n'ya. Mukhang sinong mga gwapo, kung sa tingin nila gwapo sila... tama sila. sige sila nang gwapo.

The Possessive HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon