Chapter 1

597 62 4
                                    

Napabalikwas ng bangon si Hurricane mula sa mahimbing na pagkakatulog. Malamig ang panahon ngunit tagaktak ang kanyang pawis sa noo. "Kaasar na panaginip na 'yon, parang totoo," aniya habang hawak ang dibdib na mabilis pa rin ang tibok. Pakiramdam niya'y parang totoo ang kanyang napanaginipan na naaksidente sila ng kuya Eli niya. Ang linaw ng pangyayari na para bang nandoon talaga siya.

Nawalan tayo ng preno!

Bumabalik sa isip niya ang panaginip. Tila ayaw siya nitong lubayan kahit gising na siya. Napahawak siya sa kanyang ulo na parang pinipigilan ang pagbalik sa alaala ng isang bangungot.

Hurri!

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Gusto niyang iwaglit muna sa isipan ang panaginip bago tuluyang gumalaw mula sa kinahihigaan. Ngunit parang wala itong naitulong dahil nahilo lang siya sa ginawa.

Kinusot niya ang mata na ngayo'y nanlalabo dahil sa biglang pagdilat. Inilibot niya ang kanyang paningin at natuon ang kanyang atensyon sa relong nasa tabi niya nang mapansin niyang nakatigil ang mga kamay nito.

6:26am

"Kaloka naman 'to. Kakapalit lang ng battery, ngayon ayaw na naman umandar," naiinis na sabi niya.

Napayakap siya sa sarili nang makaramdam siya nang malamig na hanging dumapo sa kanyang balat. Doon ay napalingon siya sa bukas na bintana habang ang kanyang puting kurtina ay malayang nililipad ng hangin.

Nilapitan niya ito nang mapansin niyang kakaiba ang panahon. "May ngayon pero bakit kaya parang hindi summer?" aniya nang mapansing makulimlim ang kalangitan na nagbabadya ng isang matinding bagyo.

Kitang-kita niya ang mabilis na paglipad ng mga ibon na sa tingin niya'y naghahanap ng masisilungan. Ang mga aso ng kapitbahay ay parang mga natatakot at nagsisitahulan. Hindi normal ang mga ito, siguro nga'y may malakas na bagyong paparating.

"Hurricane!" Nakarinig siya ng tatlong magkakasunod na katok mula sa labas ng kanyang pinto.

"Bakit po, pa?"

"Sumunod ka na sa baba. May pag-uusapan tayo."

----

"ANO?" bahagyang napataas ng boses si Hurricane nang sabihin ng kanyang ama na pag-aaralin siya sa Manila.

"Anak, para sa 'yo din naman ang desisyon namin. Paano ka matututo sa sarili mo?" singit naman ng kanyang ina.

"Mama, hindi ko kaya. Dito na lang kasi ako," nagsimula nang pumatak ang luha ni Hurricane. Kung ang ibang kabataan ay masaya kapag nahiwalay sa magulang dahil magagawa nila ang mga gusto nila, ngunit iba siya. Gusto niya, nasa tabi lang niya ang kanyang pamilya. "Papa, please?"

"Buo na ang desisyon namin, anak. We will still take care of you even if you're far from us. May skype naman."

"Mama, pigilan mo naman si papa," pagmamakaawa niya. Gusto niyang umasa na kahit sa huling pagkakataon ay magbabago ang desisyon ng mama niya. Alam niyang madali ito maapektuhan sa pag-iyak niya, kaya hindi niya na pinigilan pa ang mga luha na nagsibagsakan na. "I want to be here with you. I need to be here with you, ma, pa."

"Hurri, papa and I just want the best for you." Naiiyak na ring paliwanag ng mama niya. Ramdam niyang hirap na rin ito sa sitwasyon, pero pinipilit nitong labanan ang awa sa anak.

"We are just thinking about your future. Trust us, Hurri."

Wala na siyang nagawa. Sa huli, napapayag na lang din niya ang sarili niya kahit masakit para sa kanya ang umalis. Wala rin namang masama kung mag-aral siya sa malayo dahil p'wede naman siyang umuwi anytime pero hindi lang talaga niya kayang mawalay sa mga ito.

"Siguro, masyado na akong pabigat sa inyo." Pinunasan ni Hurricane ang kanya mga luha at tinalikuran ang magulang. "Panalo na kayo."

Narinig niya ang pagbuntong hininga ng kanyang ama. Naglakad na lang siya pabalik sa kanyang kwarto. Wala na siyang magagawa. Halata sa mga ito na talagang buo na ang desisyon at kilala niya ang kanyang ama na may malaking paninindigan sa bawat desisyon sa buhay.

Mabigat ang loob niyang umakyat pabalik sa kwarto. Hindi pa man nakakaalis ay sobra na ang takot at lungkot niya habang iniisip na mag-isa lang siyang maninirahan sa Manila. "Kaya mo ba, Hurri?" alinlangan niya sa sarili.

Pagbukas na pagbukas niya sa pinto ng kwarto niya, sa bintana agad natuon ang atensyon niya. Tila mas lumalakas ang hangin sa labas dahil sobrang tinatangay na ang kurtina niya.

Lumapit siya dito at dumungaw. Madilim pa rin naman ang kalangitan, ngunit wala nang mga ibon o mga nagsisitahulang aso. Wala ring mga naglalakad sa labas at nakasara ang lahat ng mga pinto at bintana ng mga kapitbahay nila na tila pinaghahandaan na ang bagyo.

"Hurri."

Napalingon siya sa isang pamilyar na boses. "Kuya Eli.."

"Sinabihan na ako nina mama at papa na ihahatid kita ng manila sa makalawa." Seryoso nitong tinitingnan si Eli, pero may bahid ng kalungkutan ang mata. "Alam kong kaya mo 'yan."

"Kuya, hindi ko talaga kaya." Mas lalo siyang nawalan ng pag-asa dahil sa ideyang kahit ang mahal niyang kuya ay walang magawa sa desisyon ng mga magulang. Tinalikuran niya ito at muling humarap sa bintana. "Alam kong wala kang magagawa kasi sinusunod mo lang sila, kaya hindi na ako magmamakaawa na matutulungan mo ako."

"Hurri..."

Napatigil ito sa pagsasalita ng biglaan siyang humarap dito. "Kuya!"

"Ano 'yan?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Eli sa kapatid.

"Kung hindi pa ako nababaliw, alam kong snow 'tong bumagsak sa kamay ko." Magkahalong pagtataka at pagkagulat ang nararamdaman niya sa mga sandaling 'yon. Para kumpirmahin ang nakita ay dumungaw pa siya lalo sa bintana. Inilahad ang kamay sa labas at hinintay ang susunod na patak ng nyebe.

"Hurri! Malalaglag ka!" Papatakbo na sa kanya si Eli nang bigla ulit siyang humarap, at tila nanalo sa lotto ng makumpirmang umuulan nga ng snow.

"Hindi ito panaginip kuya, 'di ba? Snow nga!" masayang turan niya. "Pero, hindi ka ba nagtataka, kuya? Bakit kaya may snow?"

Nagkibit-balikat ang kuya niya. "Kakaiba nga, e. Ngayon lang kasi nangyari 'yan. Pero alam mo bang may kasabihan ang matatanda?"

"Ano 'yun?"

"Kapag may snow..."

Napataas ng kilay si Hurricane. "May ano?"

"Makakagawa tayo ng maraming halo-halo!"

Kitang-kita ni Hurricane ang malakas na pagtawa ng kanyang kuya sarili nitong biro. Napangiwi siya sa inasta nito. "Korni nito."

Kay bilis na nagbago ang ekpresyon ng mukha ng kuya niya. Ang kaninang tawang-tawa ay naging seryoso. "Sige na, mag-enjoy ka muna. 'Wag mo na lang muna isipin ang pag-alis mo." Pagkasabi no'n ay ginulo nito ang kanyang buhok at diretsong lumabas ng kwarto.

Sandaling nawala sa isip ni Hurricane ang pag-alis ng Oud Metha. Mas nanatili sa isipan niya ang biglaang pagbabago ng klima.

DispareoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon